Suwerteng napanalunan ni William Mendioro, 61, ang isang brand-new car sa raffle promo na ginanap na Cagsawa Festival sa bayan ng Daraga, Albay.
Ang Cagsawa Festival ay ginaganap sa lalawigan ng Albay taun-taon tuwing Pebrero.
Sa ulat ni Gladys Serafica na nalathala sa Philippine News Agency last February 29, 2024, matiyagang pumila si William kasama ang misis na si Marissa, 54, para makakuha ng libreng tiket sa raffle bonanza kung saan si Sorsogon Governor Jose Edwin Hamor ang sponsor.
Read: Couple that won billions in lottery ends 12-year marriage
Umabot sa 15,700 tickets ang ipinamigay para sa “Pasalinggaya sa Daraga” na bahagi ng pagdiriwang ng Cagsawa Festival.
Si William ay isang stroke survivor.
Pero handa at matiyaga silang pumilang mag-asawa sa Duterte Highway sa Daraga kung saan ipinamahagi ang mga tickets, kasama ang hukbo ng mga tao na umaasam ding mapanalunan ang premyong brand new Toyota Wigo.
Read: Ganesh Baraiya defies discrimination, rises to become the world's shortest doctor

Read: Pasaway na estudyante noon, teacher na ngayon
Nagdala ang mag-asawa ng maraming tubig na inumin, folding chairs, at payong na panlaban sa matinding init ng araw.
Ayon kay William, “Hindi ako mahilig sa raffle dahil hindi naman ako nananalo.
“Pero may kutob ako sa raffle na ito na mananalo ako kaya tiniyaga ko talagang pumila.”
February 28, bandang 9:00 p.m., ginanap ang raffle.
At nagkatotoo nga ang kutob ni William na siya ang mananalo.
Nagsigawan sa tuwa ang iba pang umaasam ding manalo nang umakyat na sa stage ang payat na lalaki, nakasuot ng asul na T-shirt at maong na pantalon, para i-claim ang orange metallic Toyota Wigo.
Read: Employee asked by former employer for laptop password 6 months post-termination; netizens react

Read: "World’s Narrowest House" built to spite neighbor
Lima ang anak ni William.
Siya rin ang nag-iisang breadwinner ng kanyang pamilya.
Kaya para sa mga malalapit sa kanya, well-deserved ang pagkakapanalo niya sa raffle.
Ayon sa kanyang hipag na si Crisanta, 28, tuwang-tuwa siya nang malaman na nanalo si William sa raffle.
“Para po makapagsimula siyang muli pagkatapos ng hirap na dinanas nila ng kanyang pamilya mula nang siya ay magkasakit.”
Read: Largest frogs on Earth at risk of extinction
Noong August 2022 ay tinamaan si William ng mild stroke, na nakaapekto sa kanyang pagsasalita at paglalakad.
Isa siyang chainsaw operator at may pick-up and delivery business gamit ang kanyang multi-cab.
Pero dahil sa kanyang sakit, kinapos na sila sa pera para sa gastusin.
Ayon kay William, tatlong buwan siya sa ospital.
“Napakamahal ng pagpapagamot kaya napilitang huminto ang anak kong babae sa pagkokolehiyo.
“Wala na akong maibayad sa matrikula niya sa private school.”
Read: Husband ends 16-year marriage after learning sad truth: 4 kids are not his
Naging miyembro sina William ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, pero hindi pa rin sapat ang tulong mula sa gobyerno.
Apat ang kanilang anak, at ang panganay na babae ay may special needs.
Sa kabila naman ng kalagayan ng kanyang kalusugan, desidido si William na gumaling sa kanyang sakit para sa kanyang pamilya.
Unti-unti, gumanda ang kondisyon ng kanyang katawan.
Nalaman naman niya ang tungkol sa raffle sa isang kliyente niya na nag-arkila ng kanyang multicab.
Aniya, “Nang marinig ko ang tungkol sa raffle, naisip ko agad na pumunta para makakuha ng ticket.”
Read: VIRAL: Guy wears T-shirt with QR code to find date at Ed Sheeran concert

Read: Meet Fedya, a cat who looks like cartoon character
Nang tanungin kung ano ang plano niya sa napanalunang kotse, sinabi ni William na ang una niyang naisip ay ibenta iyon at gamitin sa negosyo ang mapagbebentahan.
Pero pinigilan umano siya ng kanyang mga anak.
Masaya niyang sambit, “Ngayon ay gusto ko munang ipasyal ang aking pamilya gamit ang kotse para ma-enjoy namin itong biyaya sa amin.”
Read: Stolen iPhone worth PHP40K used as payment for meal worth less than PHP300
