Isang kakaibang wedding ang naganap sa Zermatt, Switzerland, noong April 12, 2024.
Nakapalibot sa venue ang snowy alpine peaks at dramatic white landscapes.
Ang backdrop ay ang ski chalet sa Zermatt, na malapit sa majestic Matterhorn Alps.
Sa Instagram post ng Lebanese Weddings noong April 16, makikita ang bride na nasa loob ng malaking ice cube.
Read: Bizarre love story: Guy marries mother-in-law

Read: Wife upset about engagement ring gifted by husband
Ang caption sa post, published as is: “Brrrr-ing on the wedding adventure.
“This wedding in Zermatt had it all: a backdrop that took our breath away, entertainment that left us in awe, and a bride who emerged from a snow cube to steal the show.
“Would you get married in this 'frosty chic' setting?”
Read: Husband divorces wife over psychic's lie about his affair
Sa video ay makikitang sinilip pa ng groom ang bride habang nasa loob ng malaking ice cube.
Nag-pose din ang couple sa loob niyon.
Lumabas lang ang bride sa malaking ice cube nang simulan na ang wedding at maglakad ito sa aisle.
Ang wedding march ay sinundan ng musical set and entertainment performances set.
Tumugtog ang mga violinists na nakasuot ng snow angels costumes.
Read: Woman kidnaps 11-year-old girl to be her son’s future wife

Read: Couple requires wedding guests to give cash gifts
Ang aisle ay malinaw na snow pathway na napalamutian ng mga puting bulaklak na nililok mula sa snow.
Ang pinagdausan ng okasyon ay may taas na 2,222 meters.
Nang matapos ang kasal, masayang nagpalakpakan ang mga sumaksi sa okasyon.
Read: Couple exchange "I do" at the moment total eclipse happened
SNOWY WEDDING, A 4-DAY EVENT
Apat na raw idinaos ang snowy, magical wedding na ito.
Ang groom ay financier and British Champion race car driver na si Darren Leung, at ang bride ay si Lucy Clayton.
Bago ang mismong kasal, may iba pang wedding events para kina Darren at Lucy na idinaos sa Iglu-Dorf and Grand Hotel Zermatterhof sa Zermatt.
Ang kakatwa at pambihirang kasalang ito ay execution ng wedding planner na si Tehiya Narvel, katuwang ang The Hush Group.
Dinaluhan iyon ng 100 na mga piling bisita.
Read: Wife's post about husband who ghosted her goes viral; gets so much information in 14 hours

Read: Wife, who wants to prioritize career, finds second partner for husband
Bago ginanap ang seremonya, nag-ski papunta sa venue ang groom at ang kanyang groomsmen kung saan naroroon ang malaking ice cube.
Nang matapos naman ang kasal, nag-ski rin sina Darren at Lucy papunta sa Zermatt.
Sa sit-down dinner para sa mga bisita, sinilbihan muna sila ng apéritifs at isang uri ng alak para mas ganahang kumain ang iinom nito, pero hindi nakalalasing.
Sinundan iyon ng big cake reveal, at pagkatapos ay hinainan ang mga bisita ng leaf salad, succulent steak with potato gratin and vegetables, at dessert buffet.
Read: Couple that won billions in lottery ends 12-year marriage
NETIZENS AWED BY WEDDING
Dahil sa dami ng namangha sa snowy wedding nina David at Lucy, sinabi ng wedding planner na si Tehiya na ang naging goal talaga niya ay isipin ng mga nakapanood na: “How is this even possible?”
Mula naman nang i-share ng Lebanese Weddings ang video ng kasal nina David at Lucy, nakakuha na iyon ng mahigit 24K reactions.
Komento ng isang IG user, “So impressed with this!"
“Beautiful,” sambit naman ng isa pa.
Ayon naman sa isang nagkomento, ang kasal nina David at Lucy ay isang fantasy na hindi niya inakalang masasaksihan sa totoong buhay.
Dahil naman sa giant ice cube at sa lamig ng venue dahil sa snow, komento ng isa pang user, “Weren't they freezing?”
Read: Husband ends 16-year marriage after learning sad truth: 4 kids are not his
