PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Lapid dedicates doctorate degree to dad Lito Lapid, family

Congratulations!
by Rose Garcia
Published Sep 13, 2024
Mark Lapid's graduation for his doctorate degree
Mark Lapid finishes his doctorate degree in Business Administration at the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila on September 6, 2024.
PHOTO/S: courtesy of Mark Lapid

Isa si Mark Lapid sa mga graduates na nagmartsa sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila noong September 6, 2024, sa PICC (Philippine International Convention Center).

Pakiramdam niya, para siyang fresh college graduate ulit kahit pa umakyat siya sa stage para sa kanyang doctorate degree sa Business Administration.

“Napakasaya kasi nga noong nag-aaral ako ng college, nakikita ko na ito ang highest level. Saka naisip ko rin kasi ito, parang regalo ko sa tatay ko. Ito talaga ang objective ko,” masayang pahayag niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mismong graduation niya.

SENATOR LITO LAPID'S REACTION

Kung tutuusin, given his college degree in Business Administration and master's degree in Public Administration, impressive na ang educational achievements ni Mark.

Kaya noong nalaman daw ng kanyang ama na si Senator Lito Lapid na mag-aaral siya ulit, tila hindi raw ito makapaniwala.

Senator Lito Lapid at the graduation of his son Mark Lapid
Senator Lito Lapid at the recent graduation of his son Mark Lapid, who now has a doctorate degree in Business Administration.
Photo/s: Rose Garcia
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kuwento ni Mark, paulit-ulit daw siyang tinanong ng ama,

“Noong una, hindi niya alam. Noong dulo na lang, sabi niya nga, ‘Totoo bang nag-aaral?’ Kasi tuwing may gathering ng Sunday, ini-invite niya ko. Hindi ako puwede dahil nga may pasok ako.

“Ang pasok ko, every Sunday, from eight in the morning hanggang six in the evening. So sabi ko, hindi ako puwede, may pasok ako.

"Sabi niya, 'Nag-aaral ka ba?' Sabi ko, 'Oo, nag-aaral ako.' Kaya sabi niya, 'Seryoso ka, nag-aaral ka? Anong pinag-aaralan mo?' Sabi ko, 'Doctoral.'

"Ayaw pang maniwala noong una.

“Nang sabihin ko na ga-graduate na ako, sabi niya, 'Talaga, ga-graduate ka na? Talagang nag-aral ka?"

"Tapos, noong nakikita na niya ko na may taping, tapos may exam kami, nag-aaral ako. Nakakulong lang ako sa tent kapag walang eksena. Nasa tent ako, nag-aaral ako.”

MARK LAPID'S GRADUATION

Ang mga magulang niyang sina Senator Lito at Mrs. Marissa Lapid ay maagang dumating sa PICC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan at pagmamalaki.

Senator Lito Lapid and Marissa Lapid
Photo/s: Rose Garcia

Sabi pa niya, “Kaya kahit sa interview ng Pamantasan sa akin kung bakit gusto kong mag-doctoral, sinabi ko sa kanila na for personal accomplishment and, second, gusto kong iregalo sa tatay ko."

Sa pagpapatuloy ni Mark, “Alam niyo naman na high-school graduate lang ang tatay ko, so parang sa pamilya namin, wala naman kaming dahilan para hindi mag-aral. So nagsumikap ang magulang namin para maabot namin ang ganitong estado.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kumbaga, nararapat lamang na ibalik namin ito sa kanila, ma-achieve namin ito and, siyempre, maging example rin sa mga anak ko.

"Na kahit may edad na, kahit tatay na nila ko, kahit 45 na, makikita nilang nag-aaral pa rin ako.”

Mark Lapid greeting his mom, Marissa Lapid
Photo/s: courtesy of Mark Lapid

Siyempre, dumating din ang maybahay ni Mark na si Tanya Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
mark lapid and tanya garcia at the former's graduation for his doctorate degree in business administration
Photo/s: Rose Garcia

MARK LAPID ON PRIORITIES

Dalawang taon din niyang pinagsabay ang pag-aaral at pagti-taping sa Batang Quiapo, na nagsimulang umere noong Pebrero 2023.

At kahit nung tinawagan siya ng bidang si Coco Martin tungkol sa pagiging cast member ng currently-airing series niya sa ABS-CBN, hindi raw sumagi sa isip ni Mark na tumigil sa kanyang doctoral studies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, tapos, biglang tumawag ng December [2022] na magsisimula na raw kami ng January [2023]. Kaya sabi ko, 'Naku, dyusko po, e, nakapagsimula na kami, nagkapag-one sem na ko.'

"Sabi ko, ayoko nang tumigil. Kasi, baka kapag tumigil ako, hindi ko na matuloy ulit, magiging busy na, mawawala na ang focus ko. So, tinuluy-tuloy ko na rin kahit na mahirap.”

MARK LAPID ON COCO MARTIN

Malapit si Mark sa director at co-star niya sa Batang Quiapo.

In fact, alam Coco ang tungkol sa kanyang graduation nung araw na yun.

Nagbigay daw ng pahiwatig ang action star na gusto rin niyang ipagpapatuloy ang pag-aaral.

Ang patuloy na kuwento ni Mark, “Sabi niya, 'Gustung-gusto ko rin iyan, pero wala pa akong makitang time.'

"Sabi ko naman, darating din iyan. Kapag gusto mo, kaya mo."

Alam daw ni Coco kung gaano ka-diligent si Mark bilang student.

“Hayun, nagulat nga rin siya kasi kapag lunch, pinapaimbitahan niya akong kumain. Magkasama kaming kumakain, pero sabi ko, saka na ko sasama sa inyong kumain. Baka bumagsak ako, mag-aaral muna ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tawa siya nang tawa. Sabi niya, 'Talagang nag-aaral ka?' Pero, tuwang-tuwa naman siya nang ga-graduate na.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Lapid finishes his doctorate degree in Business Administration at the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila on September 6, 2024.
PHOTO/S: courtesy of Mark Lapid
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results