Ibinahagi ng aktres at dating ABS-CBN President at CEO na si Charo Santos-Concio ang isang mahalagang leksiyon na natutunan niya mula sa kanyang ama
Sa pamamagitan ng Instagram, nag-post si Charo ng mga lumang larawan na kuha noong kanyang kabataan habang lumalaki sa lalawigan ng Mindoro.

Nitong nakaraang October 26, 2024, isang araw bago ang kanyang ika-69 kaarawan, nagbalik-tanaw si Charo kung paano sila hinikayat ng kanyang ama noon na manindigan laban sa mga abusado at bully.
Noong October 27 ang kaarawan ni Charo.
Read: Charo Santos, 68, now Philippine Air Force reservist
CHARO SANTOS ON CONFRONTING PIER THUGS
May naalala raw siyang pangaral ng kanyang amang si Winifredo Santos na nais niyang ibahagi sa kanyang followers sa Instagram.
Noong kanyang kabataan, marami raw masasamang elemento na tumatambay noon sa pier sa Mindoro.
Nakakasalamuha raw nila ito kapag galing sila sa Maynila at uuwi sa kanilang probinsiya.
Isnag araw, saglit daw silang iniwan ng kanilang ama dahil kukunin nito ang kanilang mga bagahe.
Dito na raw nila napapansin ng kanyang kapatid na babae na tinititigan sila nang masama ng ilang siga sa pier kaya labis na takot ang kanilang nararamdaman.
Napasigaw daw sila ng tulong, at kaagad silang sinabihan ng kanilang ama na lumaban.
Lahad ni Charo: "When I was younger, at a pier in Mindoro returning from Manila, my father left me and my siblings to collect our bags.
"Suddenly, stevedores and pier thugs began to stare, and fear crept in, tightening around us.
"We screamed for help, and in that moment, my father turned, his voice calm yet commanding as he shouted, ‘Suntukin niyo.’
"In that instant, I realized a simple yet profound truth: whatever I needed to get out of that tight spot, I already had within me.
"We stood our ground, and those thugs shriveled away, retreating like shadows chased by the light."
Mula noon ay dala-dala na raw ito ni Charo sa kanyang puso at isipan.
Sa halip na tumanggap ng regalo para sa kanyang kaarawan, siya raw ang may kaisa-isang regalo para sa lahat ng kanyang followers.
Dagdag pa ni Charo, "I have carried that lesson with me throughout my life. It has lifted me to my highest highs and steadied me through my lowest lows.
"As my birthday approaches, instead of receiving a gift, I want to give you one. Whatever you’re facing right now, remember this: YOU HAVE EVERYTHING WITHIN YOU TO OVERCOME IT!
"#NagmamahalCharo"
View this post on Instagram
Sa comments section ay maramng celebrities ang umayon kay Charo:

