Eksaktong ikatlong anibersaryo ng kasal ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay ngayong Lunes, Nobyembre 11, 2024.
Sa Instagram, kanya-kanyang bati sina Ellen at Derek sa isa't isa.
Pero idinaan ni Ellen sa biro at pang-aasar sa mister ang kanyang mensahe.
Tinawag pa niyang "patola" si Derek sa kanyang mga kabaliwan noong ipinagbubuntis pa lang niya ang panganay nilang anak.
Mensahe ni Ellen: "Happy Anniversary (heart emoji) dont worry, i will be sleeping beside you soon… almost there! Hehe i love you! Thank you for being patient with me this year (laughing emoji) .. being the patola that you are, you only made patol my crazy hormones twice and not 10x (laughing emoji)
"(WOW. Mature. Growth) (laughing emoji) to 3 years and a lifetime more together.
"Forever and always (hearts emojis) i love you (heart emoji) @ramsayderek07 happy 11.11 sale! Husband for sale! Joke (laughing emojis)"
View this post on Instagram
Sabi naman ni Derek sa comments section, "Mature na ba talaga? [laughing emoji]"
Sagot ni Ellen, "@ramsayderek07 the round marks on your forhead says it all (laughing emoji)"

DEREK RAMSAY: "The best years of my life!"
Sa post naman ni Derek, sinabi nitong ang mga nagdaang taon na kasama niya si Ellen ang "best years" sa kanyang buhay.
Saad niya, "The best years of my life! I love you Mrs Ramsay! (smiling face with heart eyes emojis)
"Happy 3rd anniversary, my love."
View this post on Instagram
Ikinasal sina Ellen at Derek sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort, sa Bagac, Bataan, noong November 11, 2021.
Read: Derek Ramsay and Ellen Adarna are now married
Muli silang nagpakasal noong November 11, 2022, sa pagdiriwang nila ng kanilang unang anibersaryo sa Peru.
Ang kanilang renewal of vows doon ay tinatawag na “Peruvian despacho ceremony" na pinangunahan ng isang local shaman.
Read: Derek Ramsay and Ellen Adarna marry anew in Peru
Ipinanganak ni Ellen ang panganay nilang anak na babae ni Derek nitong nakaraang October 2024.
Read: Ellen Adarna gives birth to first baby with husband Derek Ramsay
