Trending ang BINI sa social media dahil sa costumes nila sa Star Magic Christmas Ball ngayong gabi, November 24, 2024, sa Solaire Resort North.
Marami ang natuwa sa noche buena food theme na mga damit ng nation’s girl group.
At press time, may higit 108,000 tweets na sa Twitter ang keyword na BINI JOINS MAGICAL NIGHT.
BINI'S COSTUMES
Iba-iba ang suot ng P-Pop stars para mabuo ang tema ng paboritong handa ng mga Pilipino sa bisperas ng Pasko.
Si Gwen ang nagkunwaring mesa na may pulang tablecloth at mga Christmas candles.
Si Sheena at softdrinks.
Si Stacey ay nakaputi at may pabilog na skirt para magmukhang fruit salad.
Si Jhoanna naman ay isang fruit basket.
Hamon ang costume ni Colet, keso de bola si Mikha, at lechon si Aiah.
Di naman pahuhuli ang lumpiang shanghai ni Maloi.
Akmang-akma ang caption ng Star Music Philippines sa Twitter: "The nation's girl group literally served."
Sa mga comments, makikita ang mga papuri: "creative," "cute," "main event," among others.
(L-R, standing) Gwen, Stacey, Sheena; (L-R, seated) Mikha, Aiah, Jhoanna, Colet, and Maloi.

Ang Filipino designers na sina Raf Villas, Iñigo Villegas, at Marian Zara ang nag-conceptualize ng mga costume.
Hindi ito ang unang beses na dumalo ang BINI ladies sa Star Magical Christmas Ball.
Noong nakaraang taon ay um-attend sila in their Snow White and the Seven Dwarfs costumes.
Ang Star Magical Christmas Ball ay taun-taong charity event ng Star Magic at ABS-CBN for the benefit of Bantay Bata 163.