PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BF recreates The Wedding Singer proposal scene for GF

It’s his favorite movie.
by KC Cordero
Published Jan 14, 2025
BF showing the ring to GF
Mistulang proposal scene sa pelikulang The Wedding Singer ang proposal ni Sam Riber sa girlfriend habang sakay sila ng eroplano. (Photo: MSN)

Ang 34-year-old na si Sam Riber ng Pennsylvania ay big fan ng 1998 movie na The Wedding Singer, na pinagbidahan nina Adam Sandler at Drew Barrymore.

Si Sam ay chief executive officer ng isang kumpanya na hindi na binanggit ang pangalan.

In February 2024, nakilala niya ang 37-year-old na si Lissy Alden sa isang dinner party.

Si Lissy ang owner ng ng MYNDY, isang mental and organizational fitness provider.

Agad silang nakaramdam ng atraksiyon sa isa’t isa.

Read: "Coolest Iowa tree ever” is 109 years old; has four legs

The couple while on board the plane
Mula nang magkakilala, ramdam agad nina Sam at Lissy ang kanilang special connection sa isa't isa. Photo courtesy of Talker News
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Man regrets skull tattoo on his face; struggles to find job

Sa article na nalathala sa Fox News last January 12, 2025, ibinahagi ni Sam na muntik nang hindi siya nagpunta noon sa dinner dahil sa pagod.

Pero sinabihan siya ng kanyang ina na pumunta para makakain.

Buti na lang, sinunod niya ang ina, doon kasi niya nakilala si Lissy.

Ayon kay Sam, pareho silang marami nang nai-date bago nagkakilala, pero walang naging seryosong karelasyon.

Kapwa nila na-realize na sila ang itinakda ng tadhana, at hindi na nila kailangang maghintay pa ng mahabang panahon para mag-commit sa isang seryosong relasyon.

Sa loob ng ilang buwan, pinag-isipan ni Sam kung paano magpo-propose sa kanyang girlfriend.

Read: Influencer plans to spend PHP1M to be “virgin again”

PROPOSAL A LA WEDDING SINGER

Parehong mahilig manood ng movies sina Sam at Lissy.

Last December 24, habang sakay ng eroplano papuntang Mexico City para mag-celebrate ng birthday ni Lissy, sinamantala ng binata ang pagkakataon para makapag-propose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano?

Ginaya ni Sam ang eksena sa kanyang paboritong pelikula.

Walang kamalay-malay si Lissy na nakapagpuslit si Sam ng isang gitara bilang prop sa eroplanong kanilang kinalululanan.

May mga secret codes din siya para sa mga flight attendants para maisagawa ang sorpresang proposal sa girlfriend.

Sa video na ini-upload ng Facebook page na Hammond School last January 3, makikita si Sam na halatang kinakabahan habang tinatanong siya ng isang flight attendant kung ready na siya.

Alumni si Sam ng Hammond School.

Read: Dad suffers heart attack while helping son do math homework

Screenshot of the video
Ang screenshot ng video nang mag-propose si Sam kay Lissy habang sakay sila ng eroplano. Photo: Hammond School Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Wife sues husband; claims he cares more for pet cat than her

Inilabas ng flight attendant ang prop na gitara at nagsalita ito sa intercom.

Sinabi nito sa captain ng eroplano na may espesyal na magaganap.

Hawak ang gitara, nagsalita rin sa intercom si Sam.

Bumati siya sa mga kapwa pasahero.

Humingi rin siya ng dispensa sa konting disruption.

Gusto lang umano niyang patunayan sa kanyang girlfriend na nag-effort siya para sa birthday nito.

Humingi rin siya ng pasensiya dahil hindi siya marunong kumanta.

Pagkatapos, naglakad siya papunta sa kinauupuan ni Lissy.

Read: 106-year-old woman’s secret to long life: Whisky!

Ni-recreate niya ang proposal scene sa The Wedding Singer kung saan kinanta ng karakter ni Adam Sandler sa karakter ni Drew Barrymore ang awiting “Grow Old With You.”

Kilig na kilig naman si Lissy.

Lumuhod si Sam at ipinakita sa nobya ang singsing.

Siyempre pa, isang malakas na “Yes!” ang naging sagot nito kay Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napuno ng palakpakan at pagbati ang loob ng eroplano nang magyakap at maghalikan ang magkasintahan.

Read: Burger joint still fries patties in same grease since 1912

PROPOSAL NG BF ISANG “SPECIAL MOMENT” PARA SA GF

Para kay Sam, “special moment” ang naging proposal niya kay Lissy.

Hindi siya makapaniwalang naisagawa niya iyon.

Read: Professional back-scratchers charge PHP7K per hour

The couple hugging each other
Mahigpit ang naging yakapan nina Sam at Lissy matapos tanggapin ng dalaga ang proposal ng binata. Photo: MSN
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Influencer hides death of twin sister from grandparents

Sa simula, hindi pala pamilyar si Lissy sa naturang pelikula.

Gumawa si Sam ng paraan na mapanood ng girlfriend iyon—pero hindi siya nagbigay ni katiting na hint na balak pala niyang gamitin ang eksena sa proposal.

Ani Sam, “We often quote or act out movies to entertain each other.

“But she had no clue about my wider plan.”

Read: Author who sold only 2 copies of book now a bestseller, how?

PROPOSAL NG BF, "PEAK LIFE MOMENT" ni gf

Nagpasalamat si Sam sa suportang ipinagkaloob ng mga flight attendants.

"The team went above and beyond to help, even introducing our code word.”

Ang ginamit nilang code ay “juice.”

Nang marinig iyon ni Sam, hudyat iyon na nasa pinakaitaas na ng himpapawid ang eroplano at oras na para gawin ang proposal.

Para kay Lissy, ang naganap na mid-flight proposal ni Sam ay “a peak life moment.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Man falls into well; cry for help mistaken as ghost's wail

The now engaged couple. GF showing the ring.
Ang magkasintahan habang ipinapakita ni Lissy ang suot na engagement ring mula kay Sam. Photo: MSN

Read: Beauty influencer turns to green chilies as DIY lip plumper

Akala umano niya noong una ay binibiro lang siya ng nobyo nang kantahan siya nito ng theme song ng movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inisip niyang bahagi lang iyon ng surprise para sa kanyang birthday celebration.

Ani Lissy, “When he got down on one knee, I realized what was happening and just felt so happy."

Dagdag niya, ngayon ay seryosong napag-uusapan na nilang dalawa ang tungkol sa kanilang future.

Read: TikToker's post about marrying "stepdad" sparks flood of comments

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mistulang proposal scene sa pelikulang The Wedding Singer ang proposal ni Sam Riber sa girlfriend habang sakay sila ng eroplano. (Photo: MSN)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results