Nag-celebrate ng kanilang third anniversary ang magkarelasyong sina Klea Pineda at Katrice Kierulf.
Sa Instagram noong January 31, 2025, Klea dedicated a post for Katrice, complete with a video compilation ng kanilang sweet moments.
Read: Klea Pineda introduces girlfriend Katrice Kierulf to the public for the first time
Caption ng Sparkle artist: "My heart is bound to you, my love.
"Every time I look at you, all I feel is certainty.
"Though we’re far from perfect, I would choose you again and again, with no hesitation.
"Magkakampi tayo sa lahat ng bagay, tayo ang magdadamayan sa lungkot man o saya.
"I promise, I’ll always be here for you. I love you, hon!
"Happy 3rd Anniversary to us!"
Read: Klea Pineda, girlfriend Katrice Kierulf celebrate second anniversary
View this post on Instagram
TRIP TO THAILAND
Bago sumapit ang third anniversary nina Klea at Katrice, nakapagbakasyon pa sila sa bansang Thailand.
On Instagram, ibinahagi ni Klea ang kanilang Bangkok escapade kasama ang kanilang mga kaibigan.
Nag-explore sila sa elephant safari at namasyal sa iba't ibang pasyalan.
“Strolling around the city like locals,” caption ni Klea.
View this post on Instagram
KATRICE AS LOVI POE KALOKALIKE
In November 2024, sumali ang girlfriend ni Klea sa "Kalokalike" segment ng It's Showtime bilang lookalike ng aktres na si Lovi Poe.
Pinakitaan pa ni Katrice ang judges ng kanyang husay sa pagsayaw ng "Don't Start Now" ni Dua Lipa.
Nakakuha ng tatlong stars si Katrice mula sa judges at siya ang nanalo sa araw na iyon.
On her Instagram Stories, Klea posted a photo of Katrice and congratulated her: "Sakto, girl crush ko pa si Lovi Poe!"
Read: Klea Pineda pens sweet message for girlfriend Katrice Kierulf
View this post on Instagram
KLEA PINEDA'S FIRST ACTION ROLE
Nag-out si Klea sa kanyang 24th birthday noong March 2023.
Mas naging malaya raw ang pakiramdam niya dahil hindi na niya kailangang magtago or magkunwari.
Hindi naman daw naapektuhan ang showbiz career niya sa pag-amin niya na siya ay gay.
Read: Kapuso actress Klea Pineda comes out as gay
Sa katunayan ay kasama siya sa malaking cast ng Lolong: Bayani Ng Bayan.
First action teleserye ni Klea ang Lolong kunsaan gaganap siya bilang si Laya. “First action role ko ito, e, and pangarap ko talaga magkaroon ng action role sa show business, sa craft na ito.
“Kaya maraming salamat to GMA Public Affairs for giving me this opportunity para maipakita ko yung side na pagiging ma-action ni Klea Pineda,” sabi ni Klea sa mediacon ng Lolong.
Natutuwa rin si Klea sa magandang vibes ng buong production ng Lolong.
“Napakagaan sa set. Wala ka mapi-feel na kahit anong pressure, talagang pamilya ang trato nila sa isa’t isa.”
Ipinost din ni Klea ang first look ng kanyang character na si Laya on social media. Naghanda raw nang husto si Klea lalo na sa training niya sa fight scenes.

