Namangha ang milyun-milyong subscribers ng Douyin—ang social-media platform sa China na katumbas ng TikTok—sa isang video footage na nagpapakita ng dalawang couples na parehong kambal.
Magkapareho rin ang outfits ng twin couples.
Ang video ay kuha para sa joint engagement ceremony ng twin couples na ginanap noong February 5, 2025, sa Hunan province sa China.

Ang footage ng joint engagement ceremony ay ini-upload ng Douyin user na nakilala sa pangalang Liu, ang naging matchmaker ng twin couples.
Napag-alamang 22 years old ang lalaking kambal, samantalang 18 years old naman ang babaeng kambal.
Hindi na pinangalanan ang mga ito.
Ibinahagi rin ni Liu na pinag-meet niya ang dalawang kambal noong February 2024.
Agad nakipag-date ang nakatatanda sa babaeng kambal sa nakatatanda ring lalaking kambal.
Nakipagtropa naman muna sa isa’t isa ang dalawang nakababatang kambal bago sila naging couple.
Read: Young woman plays bride in prank wedding; finds out it's for real
SMOOTH-SAILING RELATIONSHIP FOR THE TWIN COUPLES
Ang twin sisters ay sa kanilang hometown sa Hunan naninirahan.
Nagtatrabaho naman ang twin brothers sa Zhejiang province na nasa eastern part ng China.
Ang twin sisters ang dumadalaw sa twin brothers dahil hindi basta-basta nakakaalis ang mga ito sa trabaho.
Alagang-alaga naman ng twin brothers ang kanilang girlfriends.
Di nagtagal, nagdesisyon silang magpakasal na.
Isa sa twin brothers ang nagsabing genuine ang nararamdaman nilang kaligayahan kapag magkakasama silang apat.
Read: BF recreates The Wedding Singer proposal scene for GF
DESTINY BROUGHT TWIN COUPLES TOGETHER
Para kay Liu, ang tadhana ang nagtakda para magkrus ang landas ng dalawang pares ng kambal.
Aniya sa artikulo na nalathala sa South China Morning Post last February 16, “It is quite rare for a pair of twins to fall in love and marry another pair of twins.”
Sinabi rin niyang masaya ang kani-kanilang pamilya sa kanilang desisyong magpakasal.
Pero may bahagyang lungkot umano ang parents ng twin sisters dahil sabay na magpapakasal ang kanilang mga anak.
Read: Dad forces son to break up with girlfriend; marries her himself
TWIN COUPLES PLAN TO GET MARRIED NEXT YEAR
Plano ng twin couples na magpakasal next year kapag sumapit na sa edad 20 ang twin sisters.
Sa China, 20 years old ang legal marrying age para sa mga babae, habang 22 years old naman para sa mga lalaki.
Ipinaliwanag naman ng isang staff member ng local civil affairs bureau sa Chinese media na ang joint engagement ceremony ng twin couples ay walang legal standing kahit minors pa ang twin sisters.

Kahit naman below 20 years old ang mga babae sa China ay puwedeng ma-engage.
Gayunpaman, kailangan nilang sumapit sa legal age na 20 para opisyal na maiparehistro ang kasal.
Samantala, maraming netizens ang nagkomento sa video post na malilito ang mga kamag-anak kapag magkakasama ang apat sa isang okasyon.
Read: Couple marries in 1951, divorces in 1975, remarries in 2024
