PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Patricia Javier celebrates 50th birthday with Barbie-themed party

Patricia Javier gives her parents a special gift on her birthday.
by Jojo Gabinete
Published Jun 2, 2025
patricia javier 50th birthday
Actress, singer, beauty queen Patricia Javier picks a Barbie-themed party for her 50th birthday celebration held at Crowne Plaza Manila Galleria on June 1, 2025.

Noong Mayo 15, 2025 ang 50th birthday ni Patricia Javier.

Pero pinili niyang ipagdiwang ito nito lamang Linggo, Hunyo 1, sa Crowne Plaza Manila Galleria, sa Quezon City.

Ang fashion designer na si Leo Almodal ang gumawa ng gold and pink gown ni Patricia na simbolo ng pagiging ganap na “Golden Girl" ng singer-actress.

Read: Is Patricia Javier, 44, still open to joining Miss Universe?

patricia javier 50th birthday
Patricia Javier wears a Leo Almodal creation at her 50th birthday celebration.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginamit din ni Patricia ang gown ng fashion designer na si Susie Bonaobra noong gabing iyon.

"Barbie" ang theme ng birthday celebration ni Patricia dahil noong bata pa siya, hindi raw niya naranasang makabili at magmay-ari ng Barbie doll.

Nang kumikita na ng pera si Patricia mula sa pag-aartista, bumili siya at nagkaroon ng koleksiyon ng kanyang paboritong manika.

Sa ballroom lobby ng Crowne Plaza ay nagkaroon ng exhibit tampok ang movie posters ng mga pelikula ni Patricia at mga magazine covers nito.

Read: Patricia Javier, inilunsad ang beauty pageant na sa ilalim ng dagat ang grand coronation

patricia javier birthday
Patricia Javier's movie posters and magazine covers are displayed at the ballroom lobby of Crowne Plaza.
Photo/s: Jojo Gabinete
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

PATRICIA JAVIER'S BIRTHDAY WISH

Ang bigyan siya ng Panginoong Diyos ng lakas at pusong masaya ang tanging hiling ni Patricia para sa kaarawan niya.

Hinding-hindi raw malilimutan ni Patricia ang mga mensahe ng mga dumalo sa kanyang birthday celebration dahil lahat sila ay bahagi ng buhay niya.

"Every person has a big impact in my life. I’m truly grateful," pahayag ni Patricia sa Cabinet Files.

“And for the first time, my Walcher boys sang together my favorite song, 'Just The Way You Are.'

"Gino Padilla sang the classic song 'Closer U and I,' my favorite high school song.”

Ang "Walcher boys" na tinutukoy ni Patricia ay ang kanyang mister, ang chiropractor na si Dr. Robert Walcher, at ang kanilang dalawang anak na lalaki — sina Robert IV at Ryan James.

Para sa ika-50 kaarawan ni Patricia, sa halip na siya ang tumanggap ng regalo ay siya ang nagbigay ng regalo sa mga magulang niyang nagbigay sa kanya ng buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya: “I gave my parents a gift, yung lupa na binili ko na may sapa at bahay kubo na puwede silang magtanim ng mga gulay at mag-alaga ng mga hayop.

“It brings back memories, how simple our life was then, and I am proud of it.

"Kinantahan ko rin ang parents ko ng 'Wind Beneath My Wings.'”

Read: Patricia Javier: hands-on mom, businesswoman, reigning beauty titlist

LANI MERCADO AS PATRICIa'S SPECIAL GUEST

Si Lani Mercado ang isa sa mga espesyal na panauhin ni Patricia sa kanyang 50th birthday.

Ang actress-politician ay ang itinuturing niyang mentor at nag-udyok sa kanyang subukan ang kapalaran sa That’s Entertainment, ang youth-oriented program ng GMA-7 noong dekada '80.

lani mercado patricia javier
Actress-politician Lani Mercado (left) was instrumental in Patricia Javier's (right) entry to showbiz.
Photo/s: Courtesy of Lani Mercado
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkakilala ang dalawa dahil ang tatay ni Patricia ang caretaker ng pag-aaring lupa sa Antipolo ng mga magulang ni Lani.

Tumatanaw si Patricia ng utang na loob mula kay Lani dahil ito ang naging instrumento para makapasok siya sa showbiz, gamit ang kanyang tunay na pangalan na Genesis Canlapan.

Pinalitan ng Patricia Javier ang screen name ni Genesis nang pumirma siya ng kontrata sa Viva Films noong 1999 at ilunsad sa pelikula na Ang Kabit Ni Mrs. Montero.

Pinapirma si Patricia ng Viva Films bilang contract star matapos ang pagsali niya sa Binibining Pilipinas 1998.

Hindi man pinalad manalo sa Binibining Pilipinas, natupad ang pangarap ni Patricia na maging beauty queen nang magwagi siyang Noble Queen of the Universe noong 2019.

Read: Patricia Javier, kinoronahang Noble Queen of the Universe 2019

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress, singer, beauty queen Patricia Javier picks a Barbie-themed party for her 50th birthday celebration held at Crowne Plaza Manila Galleria on June 1, 2025.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results