Magtatapos na si Sofia Pablo sa senior high school sa UST Angelicum College.
Hindi maitago ng 19-year-old Kapuso leading lady ang kanyang kasiyahan.
Bukod kasi sa graduate na siya, tatanggap pa ang dalaga ng special excellence award.
Ito ang masayang ibinalita ni Sofia kanyang social-media post noong June 2, 2025 (published as is):
"Officially done with SHS. I couldn’t hold back the tears when we received a letter from the principal that I’ll be graduating with honor: Blessed Jordan of Saxony General Excellence Award for Academic Year 2024–2025."
Sulit daw ang kanyang pagod at pagpupuyat.
"balancing life as an actress and a student was never easy—but every sleepless night, every exam, quiz, and presentation in between work, and every sacrifice along the way…was so worth it.
"we made it, self."
Read: Allen Ansay to woo Sofia Pablo in traditional way


SOFIA PABLO JUGGLES STUDIES AND SHOWBIZ CAREER
Kahit naging sobrang busy si Sofia sa taping ng kanyang pinagbibidahang GMA Afternoon Prime teleserye na Prinsesa Ng City Jail, hindi raw ito nagpabaya sa kanyang pag-aaral.
Ayon sa kanyang posts, dinadala niya minsan sa taping set ang mga assignments.
Kapag break time, pinagsasabay niya ang pag-aaral sa pagme-memorize ng script.
Read: Sofia Pablo's $1M Ride Ends 'Passenger Princess' Era

Last May 2, na-defend nang maayos ni Sofia at ng kanyang groupmates ang practical research nila na pinamagatang "Consumer Behavior Towards Online Shopping Fraudulent Incidents in Quezon City."
Isang requirement ito para sa Accountancy, Business, and Management (ABM) Strand.

SOFIA PABLO'S CLOSE FRIEND
Samantala, kahit abala sa pag-aaral at mga showbiz projects, hindi nakakaligtaan ni Sofia ang maglaan ng oras para sa mga kaibigan.
Last May 31, kabilang siya sa mga sumalubong kay Vince Maristela sa paglabas nito ng Bahay ni Kuya.

Na-evict sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition ang Sparkle hunk kasama ang Kapamilya former child actress na si Xyriel Manabat.
Natanggap ni Vince ang lowest percentage of votes among Kapuso housemates, 9.26%, habang si Xyriel ay nakakuha ng 4.06%.
On Instagram Story, nag-share si Sofia ng photo nila ni Vince sa labas ng Pinoy Big Brother house.
“Welcome back to the outside world, Vince. We’re so proud of you,” caption ng dalaga.
Pinost din ni Sofia ang video na kumakain si Vince ng paborito niyang chicken and rice meal, saying it was his first agenda after exiting the reality show.
Naging close friends sina Sofia at Vince noong nagkasama sila sa rom-com series ng GMA na LUV IS: Caught In His Arms noong 2023.
Ginampanan dito ni Sofia si Florence, na nagtrabaho bilang cook sa mansion ng mga magpipinsang Ferell boys, na ginampanan nina Vince Maristela (Tristan), Sean Lucas (Troy), Raheel Bhyria (Aldus), Michael Sager (Sean) at Allen Ansay (Nero), ang ka-love team ng female lead.
