Sabay na nagdiwang ng kaarawan ang magkasintahang sina Sue Ramirez at Dominic Roque.
Parehong July 20 ang birthday ng celebrity couple. Sa taon lang ng kapanganakan nagkaiba ang dalawa: 1990 isinilang si Dominic, samantalang 1996 naman si Sue.
Sa Instagram Stories ay parehong nag-share ng mga larawan sina Sue at Dominic na kuha sa kanilang birthday celebration.

Makikita sa mga larawan na magkatabi sina Sue at Dominic habang may hawak na cake na may walong kandila.

Sa isang kuha naman ay nag-kiss ang dalawa.

VIRAL KISS VIDEO
Nobyembre 2024 nang unang lumutang ang espekulasyon na may namamagitan kina Sue at Dominic.
Umugong ang haka-haka matapos lumabas online ang ilang larawan at video ng dalawa na kuha sa Siargao.
Sa isang clip ay makikitang naghalikan sila at hinawakan ni Dominic ang kamay ni Sue.
Read: Sue Ramirez spotted kissing Dominic Roque; are they an item?
SUE AND DOMINIC ROMANCE
Sa simula, tumanggi silang pag-usapan ang estado ng kanilang relasyon.
“Basta I’m happy. We’re enjoying each other’s company. That’s all I can say for now," sagot ni Sue nang makapanayam ng mga reporters sa mediacon ng 2024 Metro Manila Film Festival entry na The Kingdom.
Subalit kay Sue rin nanggaling na may espesyal na namamagitan sa kanila ni Dominic.
Aniya: “We’ve been seeing each other.”
Read: Sue Ramirez admits real score with Dominic Roque
Sa red-carpet premiere ng The Kingdom na naganap nung December 20, dumalo si Dominic para magpakita ng suporta kay Sue.
Dito ay diretsong tinanong si Dominic ng TV5 entertainment reporter na si MJ Marfori kung sila na ba ng dalaga.
"Wala, wala," ang una niyang sagot bago inaming, "We're dating, we're dating."
Dagdag pa niya: "Happy naman kami together. We're going out and, ayun, kinikilala namin ang isa't isa."
Read: Dominic Roque admits to dating Sue Ramirez
Kalaunan ay naging mas open na sina Sue at Dominic sa publiko.
Bukod sa madalas makita ang dalawa na magkasama, panay din ang pag-share nila ng pictures sa social media.
Parehong galing sa high-profile relationships sina Sue at Dominic.
Si Sue ay nanggaling sa limang taong relasyon kay Javi Benitez, at si Dominic naman ay fiancé ng aktres na si Bea Alonzo bago sila naghiwalay.