Certified lolas na ang former sexy stars noong ‘80s at ‘90s na sina Maria Isabel Lopez at Maritoni Fernandez.
Ngayong buwan ng Setyembre ay isinilang ng anak ni Maribel na si Mara Lopez Yokohama at anak ni Maritoni na si Lexi Fernandez ang kani-kanilang apo.
Excited ang dalawang first-time sexy lolas sa kanilang bagong role sa buhay.
Baby girl named Lana ang sinilang ni Mara sa New York.
Pinost ni Maribel ang ilang photos na karga si Baby Lana at tinutulungan ang anak sa pag-alaga sa first baby nito.
“Loving my new role in life - a Grandma. Exciting and fulfilling! Welcome to this world #LanaBoothCongratulations to @maralopezy and @thechandalier,” post niya sa Facebook noong September 2.

Si Maritoni naman ay happy dahil sa first apo niya kay Lexi.
Baby girl din ang isinilang ni Lexi at hindi pa ni-reveal ang name nito.
“Today, I became a Lola! Lola era begins now!” caption niya sa dalawang in-upload na video sa Facebook noong September 5.

MARA AND LEXI
Parehong nang hindi active sa showbiz sina Mara at Lexi.
Si Mara ay Star Magic Batch 13 alumna. Nailunsad siya sa talent management arm ng ABS-CBN noong 2006.
Ilan sa mga pelikula ni Mara ay Palitan, K’na The Dreamweaver, Ang Kwento ni Mabuti, Debosyon, Haunted Mansion, Flotsam, at BuyBust.
Huli siyang napanood sa GMA teleserye na The World Between Us noong 2022 bago ito kinasal kay Chandler Booth noong 2024.
Si Lexi naman ay unang lumabas sa weekly teen series na Reel Love Presents Tween Hearts noong 2010.
Huli siyang napanood noong 2015 a teleserye na Because Of You bago ito kinasal kay Harry Cordingley noong 2023.
Tulad ng kanilang mga anak, namayagpag noong ‘80s at ‘90s sina Maribel at Maritoni sa paggawa ng mga pelikula.
After ng kanyang reign as 1982 Bb. Pilipinas-Universe, ginawa ni Maribel ang mga pelikulang Sana Bukas Pa Ang Kahapon, Working Girls, Hello Lover… Goodbye Friend, at Dugong Buhay.
Naging in-demand bold star si Maribel dahil sa mga pelikulang Isla, Dingding Lang Ang Pagitan, Hubo Sa Dilim, Silip, Mga Nakaw Na Sandali, Escort Girls, at Red Roses For A Call Girl.
Si Maritoni ay na-introduce sa sex-comedy movie na Student Body noong 1989.
Humataw siya sa paggawa ng ilang sexy movies noong ‘90s tulad ng Lover’s Delight, Sumayaw Ka Salome, Tukso Layuan Mo Ako, Disgrasyada, Claudia, Alyas Stella Magtanggol, Gayuma, at Dyesebel.
Naging paboritong leading lady din si Maritoni ng mga action stars sa mga pelikulang Kidlat ng Maynila: Joe Pring 2, Takas Sa Impiyerno, Anak Ng Dagat, Markang Bungo: The Bobby Ortega Story at Ang Syota Kong Balikbayan.
