Dalawang mahahalagang bagay na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas at may kaugnayan kay Dr. Jose P. Rizal ang isusubasta ngayong September 2025.
Pamamahalaan ito ng Salcedo Auctions.

Kabilang sa isusubastang items ay iningatan ng kapatid na babae ni Rizal na si Narcisa Rizal-Lopez.
Isa rito ang report card ng Pambansang Bayani mula sa Ateneo Municipal de Manila, at may petsang September 20, 1876.
Read: Cesar Montano overjoyed with remastered version of Jose Rizal
JOSE RIZAL’S REPORT CARD GIVES A GLIMPSE INTO HIS ACADEMIC JOURNEY
Nakasulat sa wikang Kastila ang mga datos sa report card ni Rizal.
Makikita roon na pinagkalooban siya ng second-honor recognition para sa Historia Natural class o Biology.

Ang report card ay tinatayang aabot ang halaga sa PHP350,000 hanggang PHP400,000.
Read: Nawawalang rebulto ni Jose Rizal sa Virac, natagpuan
JOSE RIZAL’S OLD ARTWORK AMONG THE ITEMS UP FOR AUCTION
Ang isa pang isusubasta ay ang artwork ni Rizal na may pamagat na Portrait of a European Gentleman.
Malalaman ang posibleng presyo nito kung magre-request sa Salcedo Auctions.

Ang artwork ay iginuhit ni Rizal gamit ang charcoal sa isang papel.
Isa itong paalala na bago natuon ang kanyang atensIyon sa kalayaan ng Pilipinas, isa ang pagguhit sa kanyang kinahiligan.
Read: Jose Rizal, may topless “selfie” noong kanyang kabataan
HOW TO BID FOR JOSE RIZAL’S MEMORABILIA
Para sa mga interesadong maghain ng bid, gaganapin ang auction sa September 27, bandang 10:00 A.M. para sa morning online auction.
Bandang alas dos naman para sa afternoon live and online sale.
Naririto ang link para sa auction: https://salcedoauctions.com/
Matatandaang noong December 2024, ang sculpture ni Rizal na may pamagat na Josephine Sleeping ay nabenta sa halagang PHP31,241,600.
Ito ang pinakamahal na nabenta sa kanyang mga obra.
Noong 2018, nabenta naman ang kanyang sculpture na The Filipino sa halagang PHP17,520,000.
