Nagdiwang ng kanyang 100th birthday si Lola Conchita Tangalin ng Barangay Buyagan, La Trinidad, Benguet, last September 27, 2025.
Ang centenarian, ayon sa artikulong inilathala ng Philippine News Agency last September 30, ay walang special dietary regimen o kakaibang kinakain para manatiling malusog at malakas sa kabila ng kanyang edad.

Sa pamamagitan ng hand gestures, ipinaliwanag ni Lola Conchita sa PNA na kailangan ng mga kababaihan na mag-shot ng konting alak paminsan-minsan para sumaya at humaba ang buhay.
Dapat din aniyang kumain ng “watwat”—mga parte ng kinatay na hayop na ipinamamahagi sa neighborhood tuwing may mga pagdiriwang gaya ng kasal o kaya ay thanksgiving rituals.
Ang pamamahagi ng watwat ay common practice sa indigenous communities ng Benguet.
Read: Cherie Mercado receives Media Excellence Award in Canada
THE LIFE OF LOLA CONCHITA TANGALIN
Ipinanganak si Lola Conchita noong 1925.
May tatlo siyang kapatid: sina Florencio, Rufina at Epifania.
Noong seven years old na siya, dinala si Lola Conchita ng kanyang parents sa Villa Santa Catalina, isang tahanan ng mga madre sa Intramuros, Manila.
Ang nunnery ang naging source of education niya dahil hindi siya nagkaroon ng oportunidad na maka-attend sa formal school.
Nang sumiklab ang World War II, nagkataong nasa Sablan, Benguet, si Lola Conchita para dumalo sa isang religious celebration.
Hindi na siya nakabalik sa Maynila.
Read: Life story of Minda Teves: From OFW to farm and resort owner
LOLA CONCHITA DID ODD JOBS TO SURVIVE
Kinandiling muli si Lola Conchita ng kanyang parents noong panahon ng giyera.
Noon na sila nagsimulang manirahan sa lugar nila ngayon sa Barangay Buyagan.
Dito na siya lumaki at nagdalaga.
Hindi na niya matandaan kung kailan pumanaw ang kanyang parents.
Nagtrabaho siya bilang labandera.
Naging farm cleaner siya sa isang swamp, na ngayon ay kilala bilang strawberry farms sa kanilang munisipalidad.
Namasukan din siyang tagalinis ng mga dumi ng kabayo para lang madagdagan ang kinikita.
Read: No thumbs? No problem! Man shows what he can do
LOLA CONCHITA TANGALIN’S FAMILY
Habang nagtatrabaho sa farm, nakilala ni Lola Conchita si Enrique.
Isa itong karpintero.
Nagkagustuhan sila at nagpakasal.
Nabiyayaan sila ng walong anak.
Hindi na rin niya maalala kung kailan pumanaw ang kanyang mister.
Sa ngayon ay solo siyang naninirahan sa kanyang bahay na may isang kuwarto.
Kapitbahay niya ang dalawang apong babae na naghahatid sa kanya ng mga pagkaing panluto.
Sadyang gusto niyang mamuhay mag-isa. Siya rin ang nagluluto ng kanyang pagkain.
Nagagawa pa rin niyang maghugas ng kanyang mga pinagkainan.
Wala rin siyang anumang karamdaman bagaman at sumasakit ang kanyang likod.
Read: Bride searches for wedding crasher; finds him after four years
LOLA CONCHITA TANGALIN IS A POPULAR KOMADRONA
Naging komadrona rin si Lola Conchita sa kanilang lugar.
Kahit wala siyang formal training sa pagpapaanak, maraming kababaihan sa iba’t ibang barangay sa kanilang munisipalidad ang natulungan niyang manganak.
Ipinaliwanag niyang kapag nakita niyang hindi maayos ang puwesto ng bata, siya na mismo ang naghahatid sa manganganak sa ospital.
Hindi na niya matandaan kung ilang nanay ang natulungan niyang manganak.
Ipinagmamalaki rin ni Lola Conchita na sikat siya sa mga doktor sa kanilang ospital.
Pag nakita umano siya ng mga itong nasa ospital, alam na ng mga itong may dinala siyang buntis na hirap manganak.
Read: Writer becomes famous after NFL star caught reading his book
LOLA CONCHITA TANGALIN DURING THE PANDEMIC
Bukod sa World War II, na-survive din ni Lola Conchita ang COVID-19 pandemic.
Ayon sa kanyang apong si Gemmilyn Jose, 48, hindi nagpabakuna ng anti-COVID ang centenarian.
Hate na hate kasi ng kanyang lola ang bakuna.
Mabuti na lang umano at hindi ito tinamaan ng virus.
Sa ngayon ay wala pa ring iniinom na maintenance si Lola Conchita.
Wala siyang hypertension at hindi rin diabetic.
At nang tanungin kung ano ang kanyang pinaglilibangan sa ngayon, itinuro niya ang 42-inch television kung saan kasalukuyang pinanonood niya ang senate hearing tungkol sa flood control scam.
Aware pa rin si Lola Conchita sa mga kaganapan sa ating bansa.
Read: Lotto bettor finds out he hit the jackpot almost one year later
LOLA CONCHITA TANGALIN TO RECEIVE PHP100K FROM LGU
Tatanggap si Lola Conchita ng PHP100,000 mula sa kanilang Local Government Unit (LGU).
Nagpasa kasi ang LGU ng municipal ordinance last March 4, 2025, na nag-amyenda sa 2014 ordinance para madagdagan ang PHP10,000 na dati-rating natatanggap ng isang residenteng sumapit sa edad 100.
Siya na ang ikalimang centenarian as of 2024 sa kanilang munisipalidad.
Ang incentive ay bukod pa sa matatanggap niyang PHP100,000 mula sa national government sa bisa ng Republic Act No. 11982 (the Expanded Centenarians Act of 2024).
Personal siyang binisita at binati sa kanyang kaarawan ni Vice Mayor Guiller Galwan.
Sa ini-upload na video sa official Facebook account ni VM Galwan ay makikitang masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan ng centenarian.
Kitang-kita ang pagiging masigla at malakas ng lola.
Naniniwala ang lokal na opisyal na ang mga hirap na pinagdaanan ni Lola Conchita ang posibleng susi sa kanyang mahaba at malusog na buhay.
Ayon kay VM Galwan: “She was separated from her parents Pedro Florague and Sabina de la Cruz, for almost seven years, and her experience in doing jobs not common to women of her generation made her a strong person with a desire to live long.”
At siguro nga ay kabilang na rin sa secrets ng kanyang long life ang sinasabi ni Lola Conchita na paminsan-minsang pag-shot ng wine.
Read: Story of Jonel Alingco: the farmer who survived the supertyphoon
