Para sa mga nangangarap maging writer sa pelikula at telebisyon, naririto ang inyong pagkakataon na ma-mentor ng National Artist for Film and Broadcast Arts at award-winning screenwriter na si Ricky Lee.
Matapos ang ilang taong pagkaliban, muling nagbabalik ang Ricky Lee Scriptwriting Workshop.
Ibinahagi ito ng Film Academy of the Philippines (FAP) sa official Facebook page nito last November 10, 2025.

Ayon sa post ng FAP (published as is): “The new Film Academy of the Philippines is proud to present the returning free workshop of National Artist for Film and Broadcast Arts, Ricky Lee!
“Since its inception in 1982, the Ricky Lee (Official) Scriptwriting Workshop has helped hone and guide distinct voices that were instrumental in shaping the landscape of Filipino cinema—past work shoppers include Lav Diaz, Dwein Baltazar, Sari Dalena, Jeffrey Jeturian, Bing Lao, Bela Padilla, Agot Isidro, Dustin Celestino, Pepe Diokno, and many more.
“The workshop will accept only 30 participants per batch for Batch 30 and Batch 31, to be held in December 2025–March 2026 and May–August 2026, respectively.”
Sa mga hindi pa pamilyar kay Ricky Lee, kilalanin siya at ang kanyang mga obra sa link na ito: www.rickylee.ph.
Read: Mga direktor, magbabasa ng excerpts mula sa libro ni Ricky Lee
RICKY LEE SCRIPTWRITING WORSHOP: HOW TO REGISTER
Ongoing pa ang registration para sa Ricky Lee Scriptwriting Workshop.
Libre ito.
Ang application period ay hanggang November 30, 2025.
Mauuna ang pagsasanay ng mga mapipili para sa Batch 30 na gaganapin sa loob ng 10 Sundays sa Quezon City, simula December 14, 2025.
Ang workshop ay open sa lahat anuman ang edad, kurso, o specialization.
Ang mga applicants ay kailangang mag-submit ng mga sumusunod na requirements in PDF format:
- Letter of Intent- isang maikling liham na nagpapaliwanag kung bakit mo gustong sumali sa workshop.
- Pagpapakilala- ipakilala ang iyong sarili gamit ang isang masaya o malungkot na yugto ng iyong buhay.
- Fill out the form here: https://forms.gle/FuYGuTzXBKhiWfs9A
Para sa iba pang mga katanungan, mag-email lang sa: rickyleescriptwritingworkshop@gmail.com.
Read: Ricky Lee explains why it's wrong to say "wala nang pag-asa"
FORMER RICKY LEE WORKSHOPPER THANKFUL TO HIS MENTOR
Isa ang film director na si Nestor Malgapo Jr. sa mga naging produkto ng Ricky Lee Scriptwriting Workshop.
Siya ang nasa likod ng mga pelikulang Haligi, Ilaw, at marami pang iba ng Cebsi Films.

Ani Nestor sa kanyang Facebook post last November 8 (published as is): “Nagsimula ako sa industriya ng pelikula noong dekada 80 nang mapili ang marami sa amin sa inilunsad ng Film Academy of the Philippines at Mowelfund na workshop na FPJ Fellowship on Screenwriting.
“Ang aming mentor— si Sir Ricky Lee.
“Pagkatapos ng workshop na yun, nakita ko na ang sarili ko na uma-attend na ng Ricky Lee Scriptwriting Workshop sa UP Village.”
Nasa college pa umano si Nestor noon at nagsusulat sa komiks.
“Pero si Sir Ricky ang nagbukas ng pinto at mga bintana para pumalaot sa larangan ng pagsusulat—pelikula man, telebisyon, dokumentaryo at journalistic writings.”
Noong 2012, nagkaroon uli siya ng pagkakataong mapabilang sa batch na iwo-workshop ni Ricky Lee sa Xavierville para sa pagsusulat ng teleserye.
“Never stop learning, ‘ika nga.
“Ngayong ako po ay nagdidirek na at nagsusulat ng pelikula, hindi ko nakakalimutang lumingon sa aking pagsisimula, at sa teacher and mentor ko na nagbigay ng maraming panahon at pagkakataon upang lumawak pa ang kaalaman sa masaya at makulay na mundo ng pagsusulat.”
Payo ni Nestor sa mga interesadong mag-apply sa Ricky Lee Scriptwriting Workshop: “Grab the opportunity.
“Sa mga hindi humihinto na matuto at sangkapan pa ng malawak at makabuluhang karunungan at katangian ang inyong pagiging manunulat, para sa inyo ang workshop na ito.”
