PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Taguig City opens TLC People's Park in time for Christmas season

It’s open to the public
by KC Cordero
Published Nov 24, 2025
TLC People's Park during daytime
May lawak na tatlong ektarya, puwedeng mamasyal kahit hindi residente ng Taguig City sa TLC People's Park. (Photos: I love Taguig Facebook)

Binuksan na ng pamahalaang lokal ng Taguig City ang TLC People’s Park, isang community park na nasa Barangay West Rembo.

Ibinahagi ito ng official Facebook page ng lungsod last November 22, 2025.

Maaaring mamasyal at maglibang dito ang mga residente at mga bisita mula sa ibang lugar ngayong Christmas season.

TLC People's Park with visitors
Napakalawak ng TLC People's Park kaya enjoy ang mga mamamasyal dito. Photo: I Love Taguig FB
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang TLC People’s Park ay nasa south bank ng Pasig River.

May lawak itong tatlong ektarya.

Dahil sa sukat nito, nagsisilbi itong refreshing environment para sa mga pamilya at iba pang community gatherings.

Read: Rare Spanish-Philippine coin fetches PHP6 million at Minted MNL’s Year-End Auction

TAGUIG CITY’S PARK A PLACE TO UNWIND, RECONNECT

Sa ginanap na opening and lighting ceremony ng TLC People’s Park, sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na importanteng may public space para sa mga pamilyang Pilipino na kung saan maaari silang mag-unwind and mag-reconnect.

Lanterns at TLC People's Park
Ang ilan sa makukulay na parol sa TLC People's Park. Photo: I Love Taguig FB
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Dito po tayo nagtitipon upang magkaroon ng kasiyahan, patatagin ang ating mga relasyon sa isa't isa, at magkaroon po ng lugar para po tayo ay makapagpahalaga sa ating kalusugan.”

Para lalong maramdaman ang diwa ng Pasko, may makukulay na parol sa kapaligiran ng park.

Read: Netizens grow sentimental as Chocolate Lover Inc. nears closure

TLC PEOPLE’S PARK ALSO HAS FOOD PARK

Kabilang sa main attraction ng park ang bagong bukas na TLC Food Park–EMBO.

Sinimulan naman ang operasyon ng food park noong nakaraang October.

Tampok dito ang local flavors ng maliliit na negosyante ng Taguig City.

May mga food truck na nagtitinda ng snacks, hot meals, at desserts kaya maraming pagpipilian ang mga bisita habang namamasyal.

Read: MikBrent share their holiday must-dos and year-end wishes

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May lawak na tatlong ektarya, puwedeng mamasyal kahit hindi residente ng Taguig City sa TLC People's Park. (Photos: I love Taguig Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results