Ipinadama ni United States Ambassador to the Philippines Marykay Carlson ang diwa ng Pasko sa ginanap na Christmas party sa tanggapan ng U.S. Embassy in the Philippines last December 11, 2025.

At ginawa niya ito—Pinoy style.
Nakasuot ng berdeng Filipiniana, inawit ni Carlson ang awiting pamaskong Tagalog na “Kumukutikutitap.”
Ang naturang local Christmas carol ay komposisyon ni Maestro Ryan Cayabyab at pinasikat ng The Company.
Read: PEP OUTTAKES: The boy who never enjoyed Christmas parties
US AMBASSADOR SAYS SHE LOVES THE ‘KUMUKUTIKUTITAP’ CHRISTMAS SONG
Sa post ng U.S. Embassy in the Philippines official Facebook page, may gallery ng mga larawan na kuha sa ginanap na kasayahan.
Ang caption (published as is): “Love the quintessential Filipino holiday song ‘Kumukutikutitap’ — just wish I could do it justice!
“Luckily, I had a forgiving audience at our @USEmbassyPH community Christmas party.
“#LoveThePhilippines' vibrant holiday spirit! [American flag emoji] [Christmas tree emoji] [Philippine flag emoji] #FriendsPartnersAllies."
Nakalagay sa ibaba ng caption ang pangalan ni Carlson bilang pahiwatig na nagmula iyon sa kanya.
Read: Manilyn Reynes, bakit umiiyak pag nakaririnig ng Christmas songs?
NETIZENS LOVE US AMBASSADOR’S RENDITION OF "KUMUKUTIKUTITAP"
At press time, ang post ng U.S. Embassy in the Philippines tungkol sa pag-awit ni Carlson ng "Kumukutikutitap" ay nakakuha na ng 2.4K reactions, 133 comments, at 303 shares.
Tuwang-tuwa naman ang mga Pinoy netizens sa ginawa ng U.S. ambassador.

Sambit ng isang nagkomento: "Ang galing naman ni HE Amb. Carlson. Memoryado ang ating kantang pamasko.”
Papuri ng isa pa: “Great! Sung like a Pilipino with correct enunciation.”
Marami rin ang nagsabing ang gesture ng U.S. ambassador ay tiyak na lalong nagpalapit sa kanya sa puso ng mga Pinoy.
Si Carlson ay naitalaga sa U.S. Embassy in the Philippines noong 2022.
