Ikinuwento ng GMA News anchor na si Atom Araullo ang naging experience niya sa isang mall kamakailan.
Nai-post niya ito sa kanyang official Facebook account nitong December 16, 2025.
Ang post ni Atom (published as is): “Storytime.
“Paminsan-minsan, nadadaan ako sa isang shop sa Trinoma kung saan palagi akong binabati ng isang security guard.
“Kapag may nakakahuntahan akong mga kababayan sa labas, kadalasan napupunta ang usapan sa mga recent documentaries ko o kung ano man ang naging viral sa social media.
“Pero si SG Anecito, iisa lang ang laging sinasabi: gusto raw niyang magkaroon ng kopya ng libro ko.”
Sa kanyang post ay ini-upload ni Atom ang litrato ng security guard at pati na rin ng kanyang libro.
Read: Atom Araullo finally confirms he’s in a long-term relationship
ATOM ARAULLO SAYS SECURITY GUARD CONSISTENTLY ASKS FOR HIS BOOK
Pagpapatuloy ni Atom: “Noong una, akala ko chika lang.
“Pero sa pangalawa, pangatlo, pang-apat na beses, yun pa rin ang bukambibig niya.”
At dahil sa pagiging consistent ng security guard sa request nito, ani Atom: “Kaya nung isang araw, nang makita ko ulit ang nakangiting SG, inabutan ko na siya ng libro.”

Pagtatapat niya sa naging gesture: “Personal din sa akin ’yon.
“Dahil sa totoo lang, para talaga sa mga tulad ni Anecito ang aklat—mga taong nagsisikap, kumakayod para sa pamilya, lumalaban nang patas, at hindi nagpapakasasa sa kickback mula sa flood control projects [naisingit pa talaga. Gigil lang ng very light]."
Hiling pa ng mamamahayag: “Sana magustuhan ni Anecito ang libro."
Read: Who is Zen Hernandez?
ATOM ARAULLO’S BOOK
Ang A View from the Ground ang unang librong sinulat ni Atom.
Inilathala ito ng University of the Philippines Press, at inilunsad sa ginanap na Manila International Book Fair (MIBF) ngayong 2025.

Isa itong koleksiyon ng kanyang narrative journalism and photography na nakatuon sa marginalized communities at mga kritikal na isyung panlipunan sa Pilipinas.
Ang A View from the Ground ay naglalaman din ng mga kuwento ng kahirapan, katatagan, at paulit-ulit na pagbangon mula mga pagsubok sa buhay.
Naghahandog ito sa mga mambabasa ng mas malalim na pag-unawa sa reyalidad ng buhay ng mga Pilipino.
Inilalarawan din nito ang totoong mukha ng ating mga problemang panlipunan—partikular ang kabiguan ng gobyerno na makapagbigay ng maayos na pamamahala.
Read: Atom Araullo, Zen Hernandez latest sighting with media friends
SECURITY GUARD SHARES EXPERIENCE WITH ATOM ARAULLO; NETIZENS REACT
Ang naging experience ng security guard na si Aniceto Mamores ay ibinahagi rin niya sa kanyang Facebook account last December 15.
Tampok ang larawan nila ni Atom, nilagyan niya ito ng caption na (published as is): “Maraming salamat po sa Dios, Ginoong Atom Araullo sa aklat ninyo na ipinagkaloob sa akin, labis akong nagagalak, ingatan nawa po kayo lagi.”
Nag-comment din siya sa post ni Atom.
Ani Aniceto: “Pasensiya na po kayo sa picture, tinawag lang po kasi ako niyan habang naka break time.
“Yung picture na yan, lumulunok pa po ako ng puto na meryenda ko.”
Tuwang-tuwa naman ang netizens sa naging experience ng security guard.
Komento ng isa: “Mapalad si SG Anecito, di na kailangang pumila sa book signing.”
May natuwa rin kay Atom: “Atom Araullo, aww! Super na-touch po ako sa gesture niyo kay kuya SG. Thank you po on his behalf. Ang ngiti po niya grabe, ngiting panalo.”
Dagdag ng isa pa: “A story worth sharing—a security guard humbly asked for a book to read—not money, food or even take a selfie with a public personality.
“He just requested for a book. That quiet love for learning is truly inspiring.”
Read: GMA News anchor Atom Araullo wins civil case against SMNI hosts
