Relatable para sa maraming netizens ang nag-viral na video ng isang senior high school (SHS) student na nag-graduate sa Puerto Princesa kamakailan.
Ginanap ang graduation ng Palawan National School – Senior High School noong April 2, 2026.
Pero nagmistulang ang highlight ng event ay nang tawagin ang pangalan ng last graduate na ang apelyido ay "Velasco."
Napuno ng masayang hiyawan at palakpakan ang venue habang tinatanggap ng student ang kanyang diploma.
Nagpa-picture pa ang teachers at school officials sa student na nag-graduate with honors.
Paano naman kasi, 1,844 students ang nagsipagtapos.
Kinilala ang paaralan sa pagkakaroon ng largest SHS graduating class of 2026 sa Palawan at sa buong Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (MIMAROPA) Region.
Read: From "Name Withheld" to Top 1: Erwin Parchaso’s 10-year journey
NETIZENS REACT
Kanya-kanyang hirit ang netizens sa viral incident.
May mga inalala ang kanilang graduation kunsaan libu-libo rin ang graduates, at dahil sa sobrang tagal ng programa ay napuyat at nagutom daw sila.
Gaya rin ng nangyari sa viral video, ang naging bida sa kanilang graduation noon ay ang graduate na pinakahuling tinawag ang pangalan.



Nanariwa rin sa ibang netizens ang kanilang karanasan sa alphabetical order na pagtawag sa graduates.
May isa pa ngang nagbiro na nadi-discourage raw siyang mag-graduate dahil ang letra ng kanyang pangalan ay nasa huli ng alphabet.



Ang iba, nag-cheer din para sa estudyante.
Deserve daw ng student ang mainit na palakpak dahil hinintay muna niyang matawag ang lahat bago natawag ang kanyang pangalan.
Bagay rin daw sa student ang phrase na “last but not the least,” dahil siya ay honor student.
Ang komento naman ng isang netizen sa viral incident: “She waited for all, and they all waited for her.”




Biro ng ilang netizens, sana ay may ginawa munang iba ang estudyante, tulad ng gawaing bahay. Sana ay hindi ito pumunta nang maaga sa graduation, para hindi naghintay nang matagal.


Ang advantage naman daw ng huling pangalang tatawagin, lahat ng school teachers at officials na nasa entablado ay nagpapa-picture.
Pabirong komento ng isa pang netizen, ang graduate daw ang "may hawak ng beat," isang current slang na ibig sabihin ay may hawak ng advantage.


Ayon naman sa isang female netizen, mas naging memorable ang graduation para sa estudyante dahil sa nangyari.
Pinalakpakan na, nag-viral pa.

Na-capture ng isang photographer sa school ang pangyayari, pati na rin ang larawan ng graduate.
Ang makabuluhang Facebook post ng photographer: “Last Called, Loudest Cheers: A Moment to Remember
“She received the loudest applause and cheers from her fellow graduates as she was called last among the 1,844 students of Palawan National School Senior High School Batch 2026.
“A true moment of pride and celebration, especially as she graduates with honors.”
