PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

A peek into Mario Ho and Ming Xi’s "$30M" fairytale wedding

The bride was the supermodel who fell onstage at the 2017 Victoria's Secret Show
by Bernie V. Franco
Published 11 hours ago
Mario Ho, Ming Xi
Chinese billionaire Mario Ho married his long-time fiancee, supermodel Ming Xi, in a grand wedding held at Mont-Saint-Michel. The bride wore items from luxury fashion brands Dior and Chanel, along with a Graff diamond necklace estimated at $7 million (PHP 430 million).
PHOTO/S: @mingxi11 on Instagram

Ikinasal ang Chinese billionaire na si Mario Ho sa Chinese supermodel na si Ming Xi nitong June 1, 2026, sa Mont-Saint-Michel Abbey sa Normandy region ng France.

Ito ang kauna-unahang wedding na ginanap sa makasaysayang Medieval monastery na angat na angat ang grandiose architecture sa mabatong isla.

Isa rin itong UNESCO World Heritage Site.

“As it’s something that’s never been done before, a lot of approvals had to be made, but thanks to everyone, the planning process was fun and effective,” pahayag ng bride na si Ming sa kanyang Vogue interview.

Inabot daw ng isang taon bago naaprubahan ang kanilang kahilingang maikasal sa historic place.

It was worth the wait dahil nagmistulang fairy tale ang wedding ng power couple.

Diumano, inabot ng "$30 million" o PHP1.8 billion ang expenses.

Ang mga isinuot ni Ming ay gawa ng luxury fashion brands: Christian Dior para sa kanyang wedding gown at Chanel para sa kanyang reception dress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

For her main accessory, nagsuot siya ng isang Graff round diamond necklace na tinatayang $7 million (PHP430 million) ang halaga.

Nagsilbi namang flower kids ang kanilang anak na babae at lalaki.

Ming Xi, Mario Ho
The Chinese power couple got married at Mont-Saint-Michel in Normandy, France, a 1,000-year-old abbey. Their wedding was the first ever to take place at the Unesco World Heritage Site.
Photo/s: @mingxi11 on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: What you should know before you take collagen supplements

THE BRIDE AND GROOM

Pero sino nga ba sina sina Ming Xi at Mario Ho at bakit naging laman ng international fashion at news media outlets ang kanilang pag-iisang dibdib?

Mula sa isa sa prominenteng pamilya sa Asia ang groom, habang nakagawa naman ng pangalan sa international modelling industry ang bride.

Si Mario Ho, 31, ang bunsong anak ng tinaguriang "Godfather of Macau Gambling," si Stanley Ho, at ang fourth wife niyang si Angela Leong.

Si Stanley, na nakapagtayo ng multi-billion-dollar empire, ay pumanaw noong May 2020.

Kabilang sa kanyang mga negosyo ay casino, real estate, hospitality, at shipping.

Pero hindi lamang basta tagapagmana si Mario.

Si Mario ang founder at chief executive officer ng Ninjas in Pyjamas (NIP) Group, isang major global digital sports at e-sports organization.

Siya rin ang pinakabatang owner ng basketball team na Boston Celtics sa NBA.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagtapos siya sa prestihiyosong Massachusetts Institute of Technology (MIT) Sloan School of Management, at mahusay siya sa mathematics.

Samantala, si Ming Xi, 37, ay itinuturing na isa sa GOAT (Greatest of All Time) supermodels ng China.

Naging modelo siya ng famous fashion brands, kabilang ang Chanel at Givenchy.

Nagtapos siya ng fashion design and acting mula sa Donghua University sa Shanghai.

Nagkaroon din siya ng main role sa ilang Chinese movies.

Si Ming ang fourth Chinese supermodel na naging Victoria’s Secret Angel.

Nag-viral siya sa isang Victoria’s Secret Fashion Show nung nadulas at bumagsak sa stage.

Ang pangyayaring iyon ang naging daan daw upang mapukaw ang atensiyon ni Mario, ayon sa Chinese content creator na si Roy Lee.

Diumano, nagpadala ng direct messages o DMs si Mario kay Ming.

Ming Li, Victoria's Secret
In 2017, Ming Xi went viral after falling onstage while walking in the Victoria's Secret Fahion Show. Despite the mishap, she became even more popular. Photo/s: Victoria's Secret Show
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2017 din nang mapabilang sa Chinese reality dating show na Mr Left Mr Right si Ming Xi.

Ayon pa rin kay Roy Lee, kinausap umano ni Mario sa producers ng reality dating show na ipasok siya. Dito raw umusbong ang pagtitinginan ng dalawa.

Samantala, binanggit naman sa Vogue na nagkita ang dalawa sa Shanghai noong 2017 sa kaarawan ng sister ni Mario.

Taong 2019, nag-propose si Mario sa mismong mall na pagmamay-ari ng kanyang pamilya. Magarbo ang ginawang proposal.

Pagdedetalye ni Ming: “Mario threw a surprise engagement event.

“He transformed his family’s mall, L’Avenue Shanghai, into a real-life Super Mario world.”

Nag-perform daw si Mario sa entablado at hinarana si Ming sa harap ng kanilang mga kaibigan at pamilya.

Read: Handsome doctor goes viral after helping passenger on flight

THE GRAND WEDDING

Sa isang report, binanggit na ni-register ang kasal ng dalawa noong 2019.

Dapat sana ay sa 2020 mangyayari ang wedding, subalit naudlot ito dahil sa pagpanaw ng ama ni Mario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinilang ni Ming ang kanilang anak na lalaki noong 2020 at ang kanilang anak na babae noong 2021.

Natuloy ang wedding ngayong 2026, at bigatin ang mga panauhin na kinabibilangan ng mga Chinese celebrities at mga anak ng Chinese billionaires.

Kasama rin sa kanilang wedding entourage ang Chinese Olympics skater na si Eileen Gu at K-pop star na si Jackson Wang.

Ang napili nilang wine na i-serve sa mga bisita ay Corton-Charlemagne, na nagkakahalaga ng $3,000-$17,000 (PHP185,000-PHP1 million) kada bote; at Domaine de la Romanée-Conti Échezeaux Grand Cru, na ang presyo ay mula $3,000 (PHP185,000) pataas kada bote.

Mario Ho, Ming Xi reception
The wedding and reception were attended by influential people and billionaires, including K-pop star Jackson Wang and Olympian skater Eileen Gu.
Photo/s: @mingxi11 on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang previous interview, sinabi ni Ming na pinakasalan niya si Mario dahil mahal niya ito.

Inilarawan niya ang kanyang mister bilang istrikto at mataas ang expectations.

Bata pa lamang daw ito ay natuto na itong kumayod kaya mataas ang ambisyon.

Bilib na bilib ang modelo sa pagiging matalino at madiskarte ng kanyang mister, na hangang-hanga naman sa kanyang bride dahil sa pagiging kalmado at mapagmahal nito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chinese billionaire Mario Ho married his long-time fiancee, supermodel Ming Xi, in a grand wedding held at Mont-Saint-Michel. The bride wore items from luxury fashion brands Dior and Chanel, along with a Graff diamond necklace estimated at $7 million (PHP 430 million).
PHOTO/S: @mingxi11 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results