PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daughter of cotton-candy vendor graduates from Ateneo

“Nakapagtapos ka ng isang Atenista.”
by Bernie V. Franco
Published 7 hours ago
Andriana Nepacina with father cotton candy vendor
Ateneo graduate Andriana Nepacina on father Amorlito: “Hindi lahat ng bayani may kapa. Ang sa akin, may kariton ng cotton candy at may sipag bilang puhunan.”
PHOTO/S: Andriana Nepacina

Si Andriana Joy F. Nepacina, 23, ay kabilang sa graduating Class of 2026 ng Ateneo de Manila University.

Nagtapos siya sa kursong Bachelor of Science in Legal Management.

Anak siya ng tindero ng cotton candy, si Amorlito "Amor" Nepacina, 53.

At hindi ito ikinakahiya ni Andriana.

Read: Life story of Gerald Bansag, a SPED teacher in the U.S.

ANDRIANA’S POST

Umani ng maraming papuri new graduate sa kanyang Facebook post nitong Father’s Day.

Pagbibigay-pugay ito sa kanyang ama na tinawag niyang bayani.

Parte ng post ni Andriana: “Hindi lahat ng bayani may kapa. Ang sa akin, may kariton ng cotton candy at may sipag bilang puhunan.”

Ganito naman sinimulan ni Andriana ang kanyang Father's Day message, “Pa, mula sa bawat balot ng cotton candy, nakapagpatapos ka ng isang Atenista.”

Sumunod niyang idinetalye ang mga sakripisyong tiniis ng kanyang ama para maging good provider sa asawa at solong anak na si Andriana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ng dalaga (published as is), “Kilala si papa ng marami bilang ‘Kuya Amor’, ang nagtitinda ng cotton candy sa mga kalsada ng Antipolo at sa paligid ng seminaryo.

“Minsan sa ilalim ng tirik na araw, minsan naman kahit malakas ang ulan. Kahit pagod na pagod na siya, hindi ko kailanman narinig siyang magreklamo sa hirap ng buhay.”

Nang magkaisip si Andriana, naging malinaw sa kanya ang estado nila sa buhay at ang trabaho ng ama.

Pagpapatuloy niya: Habang lumalaki ako, mas naiintindihan ko kung gaano kabigat ang mga sakripisyong dala ng bawat supot ng cotton candy na naibebenta niya.

“Hindi lang pala ito simpleng paninda, ito ang naging daan para mapakain kami, mapag-aral ako, at maipagpatuloy ko ang mga pangarap ko.”

Ang pagiging matiyaga ng ama sa trabaho ay nagsilbing ehemplo kay Andriana para magsipag kanyang pag-aaral.

“Siguro kaya rin ako natutong mangarap nang malaki. Dahil paano ako susuko sa pag-aaral kung ang taong nagpapaaral sa akin ay hindi sumusuko sa paghahanapbuhay?” aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Paano ko sasabihing hindi ko kaya kung araw-araw kong nakikita ang tatay ko na lumalaban nang marangal para sa aming pamilya?

“At dahil dito, mas nagsumikap ako dahil gusto kong patunayan na hindi hadlang ang kahirapan sa taong may mataas na pangarap at lumalaban nang patas.”

Inialay ni Andriana ang kanyang achievement sa kanyang ama.

Mensahe niya: “Papa, itong diploma ay hindi lang para sa akin. Para rin ito sa lahat ng taon ng pagod, sakripisyo, at pagmamahal na ibinigay mo nang walang hinihinging kapalit.

“Happy Father's Day, Papa Lito Nepacina Amorlito Nepacina. I love you.”

Andriana Nepacina, father
A young Andriana tagging along with her dad as he sells cotton candy.
Photo/s: Andriana Nepacina
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nabanggit ni Andriana na siya ay Ateneo College Scholarship grantee.

Saad niya: “Maraming maraming salamat, Office of Admission and Aid (OAA) at Ateneo sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong makapag-aral sa pamamagitan ng scholarship.

“Kayo ay naging malaking bahagi ng pangarap kong mabigyan ng mas magandang buhay ang aking mga magulang at masuklian ang lahat ng kanilang sakripisyo.”

Read: Life story of Gerald Bansag, a SPED teacher in the U.S.

ANDRIANA, proud of her father

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Andriana ngayong July 25, 2026, naibahagi niya ang kanyang journey.

Kung ano na ang edad ngayon ni Andriana, ganoon na rin katagal nagtitinda ang kanyang ama.

“Kaedad ko po. Nagtinda po talaga siya para po may extra kita po kasi former school janitor po siya.

“Nung nawalan po siya ng trabaho nung pandemic, naging full time street vendor na po.”

Masuwerte rin siyang naging scholar ng Ateneo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I received a 100% Tuition Fee Scholarship po with Food, Transportation, and Internet allowance po every sem,” simula niya via messaging.

“Pero since in the middle pa po ng sem namin natatanggap yung allowance po from school, yung parents ko po nagbibigay sa akin ng allowance araw-araw po and yung mga materials po na need ko.”

Kung tindero ng cotton candy ang ama, ang kanyang ina naman, si Diana Nepacina, ay housewife.

Salat man sila sa yaman, hindi siya pinigilan ng mga magulang na mangarap nang matayog.

Pagbabahagi ni Andriana: “Ever since I was young po, my parents never restricted me to dream, lagi po nila sinasabi sa akin na ‘libre lang mangarap,’ at dahil dun, nangarap po ako ng mataas.”

Sabi pa ng dalaga: “And more than words po, their actions speak louder.

“They always support me in everything that I do, kaya nung sinabi ko po sa kanila na mag-a-apply po ako sa Ateneo, kahit suntok sa buwan po, pinag-ipunan po talaga nila yung PHP650 na application fee ko, lalo na pandemic po nung time na yun, at wala po kaming source of income, ginawan po talaga nila ng paraan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kasipagan ng kanyang ama ang nag-udyok kay Andriana na huwag pakawalan ang kanyang mataas na pangarap.

“Every time na nakikita ko po si Papa na nagtutulak ng cotton candy at lumalaban sa hirap ng buhay. Mas nagsipag po ako sa pag-aaral dahil ito lang po yung daan para makaahon kami sa hirap.”

Andriana Nepacina with dad 2
Andriana takes pride in her dad Amorlito, who has been selling cotton candy for 23 years now.
Photo/s: Andriana Nepacina
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang makapagtapos, nakapagtrabaho si Andriana at puwede nang tulungan ang mga magulang.

Pero hindi pa natatapos ang kanyang mga pangarap.

“Honestly po, I still dream to become a lawyer one day.

“Due to financial constraints, I decided to work po muna after college.

“Hopefully po, by two years, I can save and ako na po magpapaaral sa sarili ko in law school.”

Tulad ni Andriana, maraming mga bata ang nangangarap na makapagtapos sa pag-aaral, pero nalilimitahan dahil sa estado sa buhay.

Ang mensahe ni Andriana, kung nagawa niya, ay makakaya rin ng iba.

“Para sa kapwa ko kabataan at estudyante na patuloy na lumalaban para makapag-aral, gusto kong sabihin na hindi kailanman balakid ang kahirapan para sa taong may mataas na pangarap, sipag, at tiyaga,” aniya.

“Your circumstances may shape your story, but they do not define how it ends.”

Sabi niya, maaaring walang choice ang isang batang isinilang na mahirap, pero nasa kamay raw nito para baguhin ang kinalalagyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naniniwala po ako na maaaring ipinanganak tayong kapos sa materyal na bagay, pero hindi tayo dapat maging kapos sa pangarap.

“Nasa kamay pa rin natin kung paano natin haharapin ang mga pagsubok at kung paano natin bubuuin ang ating kinabukasan.

“Hindi man pantay-pantay ang ating mga pagkakataon sa buhay, mayroon tayong kakayahang magsikap at sulitin ang bawat oportunidad na dumarating.”

Pagtatapos niya, “At higit sa lahat, never be ashamed of where you came from.

“Ang pinanggalingan mo ay hindi kahinaan, ito ang isa sa pinakamalalakas mong sandata.

“Gamitin mo ito bilang inspirasyon para mas pagbutihin sa pag-aaral.

“One day, the struggles you're facing today will become the story that inspires others tomorrow.”

Si Andriana mismo ang makapagpapatunay nito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ateneo graduate Andriana Nepacina on father Amorlito: “Hindi lahat ng bayani may kapa. Ang sa akin, may kariton ng cotton candy at may sipag bilang puhunan.”
PHOTO/S: Andriana Nepacina
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results