Makakaasa ng isang engrandeng selebrasyon ang libu-libong mga guro sa buong Pilipinas sa darating na Linggo, November 29, 2026, sa Meralco Theater, Pasig City para sa ika-19 anibersaryo ng Gabay Guro.
Ang Gabay Guro ay nagsimula noong 2007 bilang suporta sa mga guro sa buong bansa sa pamamagitan ng eight core pillars: Scholarships, Classroom Donations and Learning Facilities, Connectivity and Computerization, Livelihood, Teachers' Training, Digital Iinovations, Health and Wellness, and Teachers Tribute.
Kasama rito ang pagkilala sa mga sakripisyo ng mga guro sa pamamagitan ng isang star-studded celebration na punung-puno ng kantahan at sayawan.
This year, pangungnahan ang pagtatanghal nina Asia's Songbird Regine Velasquez, Concert King Martin Nievera, at singer-songwriter Ogie Alcasid.

Kasama rin sina Sofronio Vasquez, Christian Bautista, Mark Bautista, Aicelle Santos, Elha Nympa, Poppert Bernadas, Jona, at Jamie Rivera.
Bukod pa rito ang raffle prizes: PHP10,000, PHP20,000, PHP50,000, at PHP100,000.
Ang major cash prize ay mananalo ng PHP500,000.
May mga mananalo din ng mga gift certificates.

Read: Miss Poland thanks Bea Millan-Windorski for lending her gown
Jona on joining gabay guro celebration
Isa si Jona sa dumalo sa press conference.
Ayon sa singer, malaki ang naging bahagi ng kanyang mga guro noong siya ay nag-aaral pa.
"Very important po sa akin ang mag-participate sa Gabay Guro kasi meron po akong malalim na reason kung bakit ako nagpa-participate sa Gabay Guro halos every year dahil nung time din po na nag-aaral po ako, aside sa sinusuportahan po nila tayo when it comes to our academics, naging malaking part din po silang, kumbaga, sinuportahan po yung pagkanta ko, yung hilig ko po sa arts and music.
"So, yun, nandito po ako to, to give back to those teachers na nag-alay din po talaga ng kanilang panahon at guidance at pasensya para po sa amin din po mga estudyante.
"Para kung nasaan man po kasi kami ngayon, isa rin po sila sa malaking reason, isa po sila sa malaking nag-contribute."

Naging mabait ba siyang estudyante noon at hindi naging pasaway?
"I can say na naging ano naman po ako obedient na student.
"In fact, nag-ano nga din po ako nung third year high school, nag-student teacher kumbaga. Na-assign din po ako na magturo sa Math subject po noon."
Read: Jona condemns pet crematorium over dumped dead fur babies
GABAY GURO ACTIVITIES
Sabi ng Gabay Guro chairperson na si Chaye Cabal-Revilla, marami pang inihandang activities, kabilang ang paglulunsad ng adbokasiya para sa health and wellness ng mga guro.
"Kasi they can actually form groups together in one school, pero din sa family nila, in their own individual families.
"They can monitor each other's health and wellness, mind health, ganyan, at saka do health challenges together.
"But, at the same time, you can also form a group within your school. Kunyari mga group of teachers, magkakaibigan kayo, or gusto niyo isang principal...
"It's actually really, really nice because you try to be healthy together."
Sa ilalim ng nasabing programa, makaka-access ang mga guro ng guide sa kanilang kalusugan sa pamamagitan ng mWell digital app.
Maari nilang ma-monitor ang kanilang pang-araw-araw na kalusugan, mental health, gayundin ang pagtulog.
Maari ding makikipag-usap ang mga teachers sa mga MindHealth counselors 24/7 at iba pang mga doktor.

Panawagan pa niya sa mga guro, "Hello, our beloved teachers all over the country.
"Please try to catch us digitally via livestream in our Gabay Guro platforms. And for all those who are here who can actually get tickets pa, come join us at the Meralco Theater on Sunday, November 29.
"You will be serenaded and given tribute to and appreciated and loved by all of our volunteer artists and our core volunteers of Gabay Guro.
"Maraming, maraming salamat sa lahat ng ginagawa niyo para sa ating mga kabataan.
"You serve as our second parents and you really have a good hold on being able to produce great leaders in our country by a good education for them and their values formation.
"Maraming, maraming salamat po at hindi po kami magsasawa para ipaalam po namin sa inyo kung gaano kami nagmamahal at nag-a-appreciate sa inyong lahat."
Read: Kris Bernal launches Best Mama business; ready for Baby No. 2
