Masayang ipinagdiwang ni Kris Aquino ang kanyang ika-54 na kaarawan nitong February 14, 2025.
Nito lang muling nagbalik sa social media si Kris para ibahagi kung paano siya nag-celebrate ng birthday.
Read: Kris Aquino still recovering amid fake news
Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Kris ang ilang kaganapan sa kanyang celebration kasama ang dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby, pati ilang malalapit na kaibigan.

Ipinakita rin ni Kris na marami siyang natanggap na regalo, tulad ng bouquets of flowers at balloons, care bear plushies, at space molly collectible toy.
Read: Kris Aquino "gaining strength" amid ongoing health battle
Sa caption ng nasabing post ay taus-pusong nagpasalamat si Kris sa kanyang pamilya at mga kaibigang naglaan ng oras para siya'y samahan sa araw ng kanyang kaarawan.
Aniya (published as is), "i want to thank all my friends for taking time to greet me last night (asalto) and my friends from OC, who flew in.
"But above all- i thank you for being with me, kuya josh, and bimb during my journey towards recovery."
Read: Kris Aquino, nagka-COVID scare matapos mag-positive ni Josh
DEATH HOAX LAST DECEMBER
Bagamat hindi nabanggit ni Kris, ang kanyang latest post ay tila sagot sa maling balita patungkol sa kanya.
End of 2024 nang may kumalat na death hoax patungkol sa dating TV host-actress
Mariing pinabulaanan iyon ng kaibigan ni Kris at dating entertainment editor na si Dindo Balares.
Sa Facebook post ni Balares noong December 22, 2024, binigyang-linaw niya na fake news ang impormasyong kumakalat sa ilang chat groups.
Panimula niya sa kanyang post, "Katatapos lang namin magkumustahan ni Kris Aquino last Sunday nang mag-chat ang aming publicist friend.
"'Kuya totoo po ba? Sana naman hindi,' mensahe sa akin.
"'Alin po?' tanong ko.
"'May kumakakat kasi na wala na si Kris Aquino. Sana hindi totoo.'
"'Saan galing?'
"'May nagsabi lang sa isang chat group.'
"'Kausap ko lang an hour ago.'
"'Hay salamat naman. Hope she's well and happy. Continue lang ako sa pagdasal for her.'
"'Thank you, ______!' (Sadya kong 'di pinangalanan para walang mangulit sa kanya kung sinu-sino ang nasa chat group niya, he-he....)"
Naalarma si Dindo sa mga espekulasyong ito lalo na't noong araw na raw na iyon ay magkausap lang sila ni Kris,
Aniya, "Para po sa followers ni Krisy, dobleng ingat na lang po sa fake news at misinformations. Huwag maniniwala hangga't hindi galing sa kanyang pamilya o reliable sources.
"Patuloy ang gamutan at pagpapalakas niya. Katunayan, food ang madalas na topic namin ngayon."
Bagamat klinaro na ni Dindo na nasa maayos lamang na kalagayan si Kris, may ilan pa ring netizens ang hindi naniniwala.
Lalo na't wala raw paramdam sa social media ang aktres.
Kung bibisitahin kasi ang Instagram ni Kris, makikita na November 10, 2024, pa ang huli nitong post tungkol sa kanyang dinaramdam na sakit.
KRIS' BATTLE WITH AUTOIMMUNE DISEASES
Halos tatlong taon na ang health battle ni Kris dahil sa kanyang autoimmune diseases.
Noong September 12, 2024, nang makauwi ng Pilipinas si Kris matapos niyang mamalagi nang halos dalawang taon sa California, USA, para magpagamot.
Read: Kris Aquino flies back to the Philippines for chemo sessions
October 20, sa Instagram, nagbigay ng health update si Kris para sa mga nag-aalala niyang fans at mga kaibigan.
Dito niya inanunsyo na siya ay cancer-free.
Read: Kris Aquino reveals cancer scare; hints at new show
Ito'y matapos niyang mangamba na baka mayroon na rin siyang colon cancer, ang sakit na ikinamatay ng kanyang inang si dating Pangulong Corazon Aquino.
Noon ding October, ibinahagi ni Kris na nababahala pa rin siya sa kanyang autoimmune conditions.
Tatlo raw kasi sa anim niyang autoimmune conditions ay "life-threatening."
Bahagi ng post noon ni Kris (published as is): "The 3 autoimmune conditions are Churg Strauss now known as EGPA (a rare form of vasculitis); Systemic Sclerosis or SCLERODERMA; and LUPUS or SLE, Systemic Lupus Erythematosus.
"Thank you Dr. Nick my cardiologist for saying my heart is in good shape. But i am hypertensive. Usually my diastolic and heart rate are very elevated. Praying it's not because of pulmonary hypertension.
"Unfortunately i'm allergic to all steroids, all NSAIDS including Paracetamol (i can take 500 mg total over 24 hours but through IV and after 100 mg of diphenhydramine also via injectable)- i react quickly with oral medicine. When you have autoimmune these are the lst 2 lines of defense."
Read: Kris Aquino health update: "There's a problem with my heart."
KRIS ON LUPUS ARTHRITIS
Nabanggit din ni Kris, base pa rin sa kanyang October post, na hirap siya noong maglakad dahil sa iniindang Lupus Arthritis.
Sabi niya, "I am now suffering from a Lupus Arthritis flare. Deep bone pain.
"Hirap ako to walk without assistance. I’ll start my physical rehabilitation therapy in a few days. But I need to do so with a walker."
Bukod pa rito ang mahina na rin niyang immune system kaya't madali siyang kapitan ng ubo.
Lahad niya, "My immunity is zero. Ang ubo for me can easily be pneumonia and ICU confinement. Strict rule, no direct even indirect sun exposure or my lupus flares will be triggered as well as my Scleroderma."
Read: Kris Aquino vows to fight despite slim chance of recovery: "I refuse to die."
