WATCH: PHP6,000 lang, nakapag-start na ng negosyo at nakatulong pa sa kapwa ang modelong ito
by Rommel R. Llanes Kabilang sa mga naapektuhan ng COVID-19 crisis ang modelo at gym owner na si JM Magalona.
At katulad ng maraming nawalan ng kabuhayan dahil sa krisis, kinailangan niyang makaisip ng paraan para maitawid ang sarili sa araw-araw.
Mabuti na lang at nakita niyang muli sa kanyang laptop ang isang matagal nang naisantabing business proposal.
Sa tulong ng kapatid, mga hiram na gamit, puhunang PHP6,000, at dalawang staff, sinimulan niya ng Project Tapsi.
Panoorin kung paanong, sa kabila ng kawalan ng kaalaman sa food business at ng maliit na puhunan, nakapagpatakbo siya ng negosyo at nakatulong pa sa kapwa.





