Kilalanin ang father-daughter dancing duo na kinagigiliwan ng netizens!
by Rommel R. Llanes Sino ang mag-aakalang ang simpleng pagsasayaw habang nagwawalis ay kagigiliwan nang husto ng mga taong gumagamit ng internet?
Ganito ang nangyari sa video ni Fernando Capulong Jr. nang i-upload sa TikTok ng anak na si Nikki ang video ng pagsasayaw ng ama habang ito'y nagwawalis.
Marami agad ang humanga, natuwa, at nagkomento sa TikTok account ni Nikki kunsaan ito na-upload.
May mga humiling pang mag-"collab" sila ng ama sa pagsasayaw.
Ang resulta—ang mas kinatuwaang father-daughter dancing duo na Jun & Nikki!
Sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit two thousand subscribers ang YouTube channel nilang mag-ama, na nitong June lang ng taong ito nagsimula.
Hindi lang dance videos ang laman ng channel, kundi vlog entries at kulitan nilang mag-ama.
Panoorin ang video para mapanood kung gaano kahusay magsayaw ang mag-amang ito, kung bakit magaling sumayaw si Mang Jun sa edad nitong 53, at ano ang naidulot sa kanila ng pagiging sikat nila ngayon sa internet.
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox
Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts
Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/philippineentertainmentportal
Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber





