Gusto mong makapanood ng tunay na inspirasyon, tunay na pag-asa? Panoorin ang video na 'to!
Oct 7, 2020

Ipinanganak na hindi normal si Diego Garcia.

Walang pares ng mga hita at paa at hindi kumpleto ang mga daliri ng isa niyang kamay.

Isa si Diego sa mga taong isinilang na may di-karaniwang kondisyon na kung tawagin ay tetra-amelia syndrome.

Ayon sa medline.gov, ang mga taong may tetra-amelia syndrome ay iniluwal sa mundo nang may malalang malformation o kakulangan sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Ang kakulangan ay maaaring sa ulo, sa mga biyas, o sa ari. Maaari ring sa internal organs katulad ng bituka, baga o puso.

Kadalasan ay still-born o wala nang buhay agad ang mga sanggol na may tetra-amelia syndrome.

May ibang nabubuhay nang ilang sandali, ngunit namamatay rin kalaunan.

Sa kaso ni Diego, nabuhay siya at naitaguyod nang normal ng kanyang ina.

Sa kabila ng kakulangan ni Diego, nakapag-aral at may trabaho siya bilang isang office clerk sa Davao.

Ayon pa sa 24-year-old na binata, hindi niya hinayaang pigilan ng kanyang kapansanan ang makapamuhay nang normal.

"Para sa akin, parang wala akong question or pagdududa.

"Kasi kung tutuusin, masaya na 'ko. Parang namumuhay po ako na parang normal, na parang walang may kapansanan sa akin po," ani Diego sa interview sa kanya Summit Media video producer na si Kim Gan.

At dahil pangarap niyang maging isang artista, naging daan para kahit paano'y matupad ang pangarap niyang ito, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng TikTok account.

Sa video sharing platform, nakakapagbigay ng good vibes, entertainment, at inspirasyon si Diego.

"Naging inspirasyon ko sa pag-TikTok yung mga taong pilit akong pinu-push na lumaban, pinu-push ako na huwag mahiya kung ano yung dapat ipakita.

"At the same time, parang naging inspirasyon ko kung paano sila bigyan ng kabuluhan na mas maganda nga talaga na magpakita tayo kung anong meron tayo.

"Kasi sa bawat pinagdadaanan natin, alam natin na malalampasan natin iyon."

Sa ngayon ay mayroon nang mahigit sa 1 million followers sa TikTok si Diego.

Panay paghanga at pasasalamat sa dulot na inspirasyon at pagpapasaya ang mga mensaheng iniiwan ng kanyang followers sa kanyang TikTok account.

Panoorin ang nakaka-inspire na video na ito at nang madama natin ang kinakailangan nating pag-asa at motivation sa panahong ito.

HOT STORIES

Video Producer and Editor: Kim Justine Gan

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results