Pinay nanny sa Switzerland nagkakotse, business, resident visa dahil sa French na amo

by Bernie V. Franco
Sep 8, 2021
Pinay OFW Cherrie Salamanca during her Eat Bulaga! appearance on September 3, 2021. Cherrie, a nanny, reveals how her French employer, Chloe Alzarka (right), helped her get resident visa in Switzerland, pay for her daughter's education, and make investments.
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga)

Nakatiyempo ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Cherrie Salamanca ng mabait na amo.

Tinulungan si Cherrie, na nagtatrabaho bilang isang nanny, na makapagpundar ng sasakyan, mga negosyo, ma-secure ang college education ng anak, at maging resident sa Switzerland.

Yes, si Cherrie ay naninirahan na ngayon sa Switzerland kasama ang pamilya ng kanyang amo.

Sa loob ng labing-isang taon niyang pagtatrabaho bilang OFW, walong taon na siyang naninilbihan sa kanyang current employer na isang French.

Noong una ay sa Dubai sila nakabase.

Kuwento ni Cherrie sa Eat Bulaga! nitong September 3, 2021, “Galing kasi ako ng Dubai… and then recently nag-move kami dito sa Switzerland.”

Dahil sa pandemya, nagdesisyon ang amo ni Cherrie na manatili na lang sila sa Switzerland.

Pero bago pa man iyon, yearly silang nagbabakasyon sa nasabing bansa.

“Nagka-come and go kami dito every year, since 2015.

"Pero ngayon pa lang ako naging resident dito, just this year, kasi nag-pandemic.”

Continue reading below ↓

Ni isang kusing ay walang ginastos at hindi nagpagod si Cherrie para sa kanyang resident visa sa Switzerland.

Pahayag niya, “Isa yun sa mga reason kung bakit napakasuwerte ko sa amo ko.

“Sila lahat ang nag-process ng documents, papers, expenses, para lumipat dito sa Switzerland.

“And alam naman natin hindi madali dito sa Switzerland pumunta, at hindi mura para pumunta dito.

“So, lahat iyon, [all-]expense paid ng amo ko.”

Continue reading below ↓

Pinay nanny Cherrie Salamanca with her French employers and their family.

Bago lumipat sa Switzerland this year, mistulang isang taong nakabakasyon si Cherrie sa Dubai noong 2020.

Nauna kasing nagpunta ng Switzerland ang kanyang amo.

Habang pinoproseso ang kanyang mga papeles, bakasyunista mode si Cherrie sa Dubai dahil wala siyang amo.

“Naghintay kami ng one year bago lumabas yung visa ko. Nasa Dubai lang ako, naghihintay.

“Wala kaming amo that time. Sila kasi, nandidito [Switzerland] na.”

Ano ang ginagawa niya sa Dubai habang naghihintay na kunin ng kanyang amo?

“Wala. Nasa hotel apartment lang,nagdyi-gym. Actually, gym, kain…”

TRAVEL, INVESTMENTS, FUTURE PLANS

Si Cherrie ay yaya sa mga anak ng mayamang French couple.

Suwerte rin daw si Cherrie na nakalibot na siya ng Europe dahil lagi siyang kasama sa family trips.

“Alaga ko is mga bata. So, lahat ng travel nila kasama ako. Mostly Europe... Paris, U.K., sa Italy…

“Kasi meron silang sarili nilang yacht, so nagro-roam around Italy kami, nagku-cruise, nag-coast kami… So, 25 days...”

Continue reading below ↓

Ang mag-asawang French na kanyang amo ay may-ari ng isang financial company.

Noong naninirahan pa sila sa Dubai, kasama rin ni Cherrie ang kanyang nag-iisang anak na babae, na noon ay 16 anyos.

“Tinulungan nila ako sa education ng anak ko.

“Before ang anak ko kasama ko sa Dubai, do’n siya nag-aaral.

“Nakatira siya sa akin, sa bahay ng amo ko. Kasama yung mga alaga ko, kalaro niya.

“Ngayon kasi 18 na siya, umuwi na siya ng Pilipinas.

“So, tinulungan nila ako for her education.

“Kaya malaking bagay iyon kasi hindi madaling magpa-aral sa Dubai,” sabi ni Cherrie.

“Luckily, na-secure ko na yung education niya dahil nandidito ako sa amo ko.

“So, yun yung malaking bagay na naitulong nila sa akin.”

Bukod pa rito, may naipundar na rin si Cherrie sa Pilipinas, kung saan namamalagi ang kanyang asawa't anak.

“Fortunately, nakabili na ako ng sarili kong sasakyan, meron na akong maliiit na agricultural land.

Continue reading below ↓

“Meron akong nabiling dalawang small apartment,” ani Cherrie.

Cherrie with her husband and daughter

CHERRIE’S FRENCH EMPLOYER

Sa Eat Bulaga! ay nahingan ng interview ang babaeng amo ni Cherrie, si Chloe Alzarka.

Paglalarawan ni Chloe, ang kanyang Pinay yaya ay “very loyal to our family. I can trust her with my children.”

Continue reading below ↓

Bilib din daw ang French national kay Cherrie sa pagiging organisado nito sa trabaho.

Sabi pa ni Chloe, “If one of my kids is sick, she will be here for him.

“She’s very, very loyal. She has a big, big heart.”

Hindi raw makakalimutan ni Chloe nang minsang malagay sa panganib ang buhay ng kanyang anak.

Nahulog daw sa tubig ang anak nito at walang suot na life vest.

Bagamat hindi ganoon kahusay lumangoy, walang alinlangang tumalon sa tubig si Cherrie at sinagip ang kanyang alaga.

Hinding-hindi raw makakalimutan iyon ni Chloe.

Samantala, inilarawan ni Cherrie ang kanyang babaeng amo na “one of a kind.”

Pero sa simula ay hindi naging mabuti ang kalagayan ni Cherrie bilang OFW.

Nagkaroon muna siya ng dalawang naunang amo na hindi naging mabait sa kanya.

"Meron din akong experience. Dalawang amo pa naging amo pa bago ko naging amo ito.

“So, hindi masyadong maganda ang experience ko before.

Continue reading below ↓

“And then luckily, may nag-refer sa akin. Kailangan nila ng nanny.”

Naging mabuti raw ang karanasan Cherrie sa kanyang French employers.

“Nalaman ko na sila yung klase ng tao na nag-a-appreciate ng mga empleyado. Alam nila kung ano yung worth mo.

“Parang nalalaman mo na importante ka sa kanila kasi pamilya talaga ang turing nila sa akin.”

Bilang kasambahay, nagpaalala si Cherrie na ibinabalik lang sa kanya ang kabutihang ipinapakita niya sa kanyang amo.

“Kasi yun lang naman honesty, loyalty, ‘tsaka yung patience mo sa mga bata.”

Masinsinan rin daw siyang nakipag-usap sa amo sa pagpapalaki sa mga bata.

Naging tapat siya na mahirap mag-alaga ng bata.

Sabi raw niya sa amo, kung nais niyang palakihin niyang mabuti ang mga bata ay magtutulungan sila.

“Back-up ko sila na pag mali yung bata, kailangan firm ka, hindi puwedeng laging yes kahit mali sila.”

Sa tanong kung babalik pa ba si Cherrie ng Pilipinas, sagot niya, “Actually, parang dito na nga ako tatanda.

Continue reading below ↓

“Sinasabi rin ng amo ko, ‘Eventually, take your child here. You and your family,’ kaya sobrang blessed.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinay OFW Cherrie Salamanca during her Eat Bulaga! appearance on September 3, 2021. Cherrie, a nanny, reveals how her French employer, Chloe Alzarka (right), helped her get resident visa in Switzerland, pay for her daughter's education, and make investments.
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results