Popburri ice-cream shop opens doors to homeless during ECQ; now building homes for them

by KC Cordero
Oct 2, 2021
Nagisilbing temporary shelter ng mga nakatira sa kariton ang Popburri Ice Cream shop noong ECQ. (Right photo) Sa kasalukuyan, nagpapagawa sa Bicol ng tahanan para sa homeless ang ice-cream shop owner. PHOTO: Popburri on Facebook

Nang pumutok ang COVID-19 pandemic noong isang taon, isa ang Popburri ice-cream shop sa agad na tumulong sa mga kababayang apektado ng ipinatupad na lockdown.

Pansamantalang nagsara ito at nagsilbing shelter para sa mga kababayang homeless—na karamihan ay sa kariton nakatira—sa Quezon City.

Popburri ice cream shop in QC

Pero noong March 2020, ang shelter ay ipinasara ng mga opisyal ng barangay dahil sa diumano ay paglabag nito sa quarantine requirements.

Continue reading below ↓

PAGTULONG SA "NEEDS" NG HOMELESS

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Camille Dowling, 39, ang may-ari ng Popburri noong September 22, 2021, sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Kuwento niya, kahit noong wala pang pandemya ay tumutulong na sila sa mga homeless sa pamamagitan ng pagbibigay ng food at pag-aasikaso ng kanilang "needs," gaya ng birth certificate.

Noong September 11, naging viral ang kuwento tungkol sa batang babaeng si Angel na natulungan ng Popburri na maikuha ng birth certificate.

Si Angel ay eight years old na, pero dahil wala siyang birth certificate ay hindi siya makapag-aaral.

Kabilang ang kanyang pamilya sa mga pansamantalang nanuluyan sa Popburri.

Homeless girl helped by Popburri to process her birth certificate

Ang kuwento pa ni Camille, ang mga kinalinga nila sa Popburri noong isang taon ay inilipat ng Quezon City government sa isang shelter.

Nang lumuwag na ang restrictions ay inihanap nila ng trabaho ang ama ni Angel na si Jeremy, pero wala rin pala itong birth certificate.

"Effort talaga on our part, for years, na matulungan silang makakuha ng birth certificate.

“Kasi ang hirap talaga, e. Yung birth certificate, yun ang pinakasimple na simula ng lahat, right?

“'Tapos yung barangay captain namin, ayaw naman silang bigyan [ng ID] kasi the rule is dapat six months na kayo sa lugar na iyon, na tinitirahan ninyo, bago kayo bigyan ng barangay ID.

“These are people. Alam mo, kung may exception, dapat sila iyun dahil they need a job. They can barely eat.

"They're gonna vote. And we are trying to find them a job. Kaya importante na may documents sila.”

Bukod dito, sinabi ni Camille na ang daming proseso bago nila maikuha ng birth certificate ang mga tinutulungan nila.

Continue reading below ↓

Kung sinu-sinong kamag-anak at kakilala ng mga ito ang kailangan nilang kausapin, kung anu-anong affidavits pa ang kailangan—na dapat pa rin nilang ipanotaryo bago mabigyan ang mga ito ng birth certificate.

Sambit niya, “Yeah, it’s something that we’ve been dealing with sa lahat na nagpapatulong sa amin na magkaroon ng birth certificate.”

LOW PROFILE LANG ANG PAGTULONG

Hangga't maaari, gusto sana ni Camile na low profile ang ginagawa niyang pagtulong.

Aniya, “Small time lang po talaga kami. Umiikot lang kami, magbibigay lang kami ng food.

"Nabigyan lang ng press, nang buksan namin [ang ice-cream shop] dahil sa COVID-19.

“Kasi ang daming dumating. Sabi namin, 12 lang naman ang binibigyan namin talaga a night.

"'Tapos nang sinabi nila sa friends nila, hanggang 70 yung natulog sa shelter.

“E, buti na lang we’re building a three-storey building sa likod, so, tinapos na lang namin ang floor, and we let people sleep there.”

Continue reading below ↓

After nine days, sinita siya ng LGU dahil sa bilang ng taong nasa temporary shelter.

At bagamat wala na sa shop at building ang mga natulungan, nagpatuloy ang kanilang komunikasyon.

Popburri free food

Popburri free food

Continue reading below ↓

Kapag allowed mag-operate ang mga negosyo sa Metro Manila batay sa quarantine classification ay nagbubukas ang Popburri.

Inilipat muna nila ang shop from Kamias to Quezon City Circle, at fully operational sila ngayon.

NAGPAPATAYO NG BAHAY PARA SA MGA HOMELESS

Sa kasalukuyan ay may ipinagagawang shelter si Camille sa kanilang six-hectare property sa Bicol.

Para ito sa mga homeless na nakisilong sa Popburri noong isang taon.

Popburri under renovation shelter for the homeless

Continue reading below ↓

Aniya, “Currently the shelter is for 40 people with six rooms, pero we dream to build 20 to 30 square meters na home na pampamilya.”

Ang goal niya, kapag tapos na ang shelter ay saka sisimulan ang pagtatayo ng mga bahay para sa bawat pamilya.

Gusto ni Camille na maranasan ni Angel at ng iba pang mga batang nakasama nito sa shelter kung paano magkaroon ng sariling bahay na hindi kariton, at kung paano mamuhay nang may marangal na hanapbuhay ang kanilang mga magulang.

May malapit ding eskuwelahan sa area kaya makakapag-aral sila.

“Hopefully they know God and they have a life that honors Him. Yun ang goal," ang sabi pa ni Camille.

BUHAY NA HINDI SA KARITON

Tuloy pa rin ang feeding ng Popburri sa mga homeless.

At ang simpleng endeavor niya ay naging group effort na mga kagaya niyang may mabubuting loob.

Masayang sambit ni Camille, “Marami pong tumutulong. Kaya may time kami na magpunta rito sa ipinapatayong shelter, kasi may nag-aasikaso sa feeding sa Quezon City.

Continue reading below ↓

"Our Popburri family is amazing.”

Popburri free food drive

Nagpapasalamat din siya sa mga nagbibigay ng tulong—mula sa mga doktor na tumitingin sa kalusugan ng mga ito pati na rin sa mga nagpapa-swab test sa mga naghahanap ng trabaho.

Nabanggit ng PEP.ph kay Camille na hindi na simpleng pagtulong ang ginagawa nila ngayon.

Continue reading below ↓

Ano ang naging motivation nila para ipagpatuloy ang munting adhikain nila noon na makatulong sa mga homeless?

Sambit niya, “I think it’s just... parang nakita namin na it’s so hard for them to get a chance. Parang wala naman sila talagang lives sa kariton.

“Their kids don’t get to study. Si Angel, she’s eight. She should be grade one ngayon or grade two.

“Yung life na nangangalakal, ang number one na nagsa-suffer yung mga bata.

“With God’s grace, we just want a place na they can have a life na beyond pangangalakal, na puwede silang mag-aral, may pagkain, may tubig, may CR.”

“Sobrang simple dreams lang na magkaroon sila ng dignidad.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagisilbing temporary shelter ng mga nakatira sa kariton ang Popburri Ice Cream shop noong ECQ. (Right photo) Sa kasalukuyan, nagpapagawa sa Bicol ng tahanan para sa homeless ang ice-cream shop owner. PHOTO: Popburri on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results