PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy rope skipper Ryan Alonzo nagtala ng bagong world record

Doble ang record niya sa "most number of double under skips in 12 hours"
by KC Cordero
Published Oct 15, 2021
Nakagawa si Pinoy rope skipper na si Ryan Alonzo ng 40,980 double skips para malampasan ang kasalukuyang official record na 20,000.

Hawak ngayon ng Pinoy rope skipper na si Ryan "Skipman" Alonzo ang bagong world record para sa double under skips in 12 hours.

Nagawa niya ito noong October 2, 2021.

Nakapanayam si Ryan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 14.

Thirty four years old siya, at may food business.

Kuwento niya, “Mga 10 years na akong nag-i-skip rope pero para lang sa warm up. Sineryoso ko lang ito mga one year ago lang.”

Pinoy rope skipper na si Ryan Alonzo 40,980 double skips

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang bagong record na nagawa ni Ryan para sa double under skips sa loob ng 12 hours ay halos doble ng previous record.

“Yung category is called 'most number of double under skips in 12 hours.' Iyan yung actual na parang record na hinahabol natin."

Pinoy rope skipper  Ryan Alonzo  40,980 double skips

Sa double under skips, ang jump rope ay kailangang dumaan nang dalawang beses sa ilalim ng paa kada talon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kailangan kong ma-beat, 20,000. Naka-40,980 ako.”

Ipinaliwanag din niya ang mechanics ng laro.

“Bale mag-i-start lang yung time 'tapos mag-e-end siya after 12 hours. So, kahit ano'ng gawin mo sa 12 hours na iyon, tumatakbo pa rin yung oras. Parang sa basketball, tumatakbo pa rin ang oras kahit mag-dribble ka lang.

“Puwede kang magpahinga kahit gaano katagal ang gusto mo. Kaso siyempre mababawasan yung 12 hours mo kasi tumatakbo yung oras, e.

“Nagpahinga naman ako. Marami akong pahinga.”

Sa panayam sa kanya ng CNN Philippines noong October 7, sinabi niyang naging puhunan niya sa kanyang magandang porma ang paglahok niya noon sa marathon.

Aniya, “Around 3 or 4 years ago, I joined a marathon. That is the closest thing I can compare to what I did last Saturday because it is a long-endurance activity.

“So, I took the wisdom or my learnings from that marathon and applied it here.”

Sa ngayon, ipinapahinga muna ni Ryan ang kanyang katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinoy rope skipper Ryan Alonzo 40,980 double skips

“Nagre-recover pa rin ako, and parang trying to keep in shape lang ako, e. So, pa-workout, trying to keep fit, ganun. Pero wala pa naman akong next na hinahanap na challenge.”

Pinoproseso na rin nila ang pagsusumite ng mga kinakailangang ebidensya sa Guinness World Records para opisyal na kilalanin ang kanyang naitalang bagong world record.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakagawa si Pinoy rope skipper na si Ryan Alonzo ng 40,980 double skips para malampasan ang kasalukuyang official record na 20,000.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results