Kariton vendor sa Valenzuela, sabay ang pagbebenta ng prutas sa online class

by KC Cordero
Oct 15, 2021
Eto si Mike, tindero ng prutas gamit ang kariton na nagsilbing study area rin niya para sa kanyang online classes.

Ang normal day para sa estudyanteng si Mike ngayong pandemya ay maglako ng prutas at mag-aral online.

Nag-trending ang binatilyo sa Facebook noong December 20, 2020, dahil sa post ng netizen na si Benj Gonzales, 34, residente ng Marulas, Valenzuela City.

Student fruit vendor

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benj noong October 15, 2021, sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Continue reading below ↓

Naibahagi niya sa kanyang post noon na bibili sana siya ng prutas sa Marulas Public Market Valenzuela City para sa misis niyang buntis. pero ang mamahal ng presyo.

“Naisipan kong bumili na lang sa labas, sa mga nakakariton. Hindi ako nagkamali dahil mas mura nga kaysa sa loob ng palengke.”

Doon niya nakilala si Mike, isang fruit vendor.

Kuwento ni Benj, “Na-curious ako kung bakit siya may laptop. Sabi niya nag-o-online class daw siya.

"Nakita ko din yung mga module niyang madami at makapal na stack ng papel.”

Bumilib daw agad siya kay Mike.

“Napa-wow talaga ako sa kanya. At data lang sa cellphone ang gamit, naka-hotspot lang ang laptop niya.”

NAKAKABILIB NA PAGSISIKAP SA PAG-AARAL

Nalaman ni Benj na during that time ay grade 9 si Mike sa Valenzuela National High school.

Aniya, “Sa gitna ng pandemic at mga nangyayaring hindi maganda sa mundo ngayon dahil sa pagtaas ng mga bilihin, kahirapan, eto pa rin si Mike, patuloy na nagpupursige at nagsusumikap at nag-aaral habang nagtitinda sa gitna ng taas ng araw."

Continue reading below ↓

Naikumpara tuloy niya si Mike sa ibang kabataan. “Nakaka-inspire itong batang ito kasi may mga ibang batang komportable sa kanilang bahay, malakas ang WiFi.

"Ang iba, naka-aircon pa, pero nagagawa pang magreklamo sa dami ng module na kanilang sinasagutan.

“Nakakatuwa itong batang ito. Bukod sa magalang na, masipag pang mag-aral habang nagtitinda.”

NAGING KAIBIGAN ANG PAMILYA NI MIKE

Ang post ni Benj tungkol kay Mike ay nagkaroon ng 6.8K reactions, 2.2K shares, at na-pick up ng mainstream media. Marami rin ang pumuri sa estudyante.

Benj Gonzales trending

Continue reading below ↓

Pero hindi umano nag-post si Benj ng tungkol kay Mike para magpaka-trending, bagkus, “Sana ay kapulutan ng aral at inspirasyon ng ibang bata yung post ko.”

Nabanggit din niya sa PEP.ph na hindi natapos sa kanyang post ang koneksyon nila ni Mike.

“Naging suki po niya ako. Nag-aaral pa rin siya,” ani Benj.

“Naging kaibigan ko na din ang mga magulang niya. Sa kanila ako palagi bumibili ng gulay at prutas.

“Yung mga magulang nya nagtitinda din ng gulay at kung anu-anong divisoria items, yung mga tig-PHP10, PHP20, mga ganun.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eto si Mike, tindero ng prutas gamit ang kariton na nagsilbing study area rin niya para sa kanyang online classes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results