PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Garbage collector, may college graduate na; lima pang anak pinapaaral

1 down, five to go.
by Bernie V. Franco
Published Oct 19, 2021
Cris Quimado, a garbage collector, being interviewed by Eat Bulaga! hosts Wally Bayola and Jose Manalo. His daughter Jen Rose (left inset) already graduated from college. He has five more children, all going to school.
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga)

Malaking bagay para sa garbage collector na si Cris Quimado na napagtapos na niya sa kolehiyo ang isang anak.

Ang kanyang panganay, si Jen Rose, ay nagtapos ng Nutrition and Food Technology mula sa Technological University of the Philippines.

Suwerte namang nakakuha ng trabaho si Jen Rose, pero nangyari ang pandemic.

“Dati nung wala pa yung pandemic, may trabaho siya. Pero nung nag-umpisa ang pandemic, nawalan siya ng trabaho,” lahad ni Mang Cris sa “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga! noong July 15, 2021.

May lima pang anak si Mang Cris: ang dalawa ay nasa kolehiyo, habang ang tatlo ay nasa high school.

Mahinahong saad ni Mang Cris, “Ngayon, dalawa college ko: isang architect, isang teacher.”

Si Mang Cris ay nakapagtapos lamang ng elementary, pero hindi na siya nakapag-aral ng high school.

“Mahirap ang buhay kasama na anim na ang anak ko. Lahat sila nag-aaral. Trabaho ko, isa lang akong basurero,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila nito, hindi niya sinukuan ang pagpapaaral hanggang magtapos na nga sa kolehiyo ang isa niyang anak.

“Pinilit ko muna matapos muna ng isa. Hanggang ngayon tuluy-tuloy pa rin ang pag-aaral ng iba.”

Aminadong mahirap man, pinagtutulungan naman nila ng kanyang misis ang pagtustos sa pag-aaral ng lima pa nilang anak.

“Ang asawa ko sa ngayon nakakatulong naman kahit papano.

“Kasi meron siyang binabantayang bakery… sa pinsan niya. Pinamamahala sa kanya.

“Kahit papano, nakakatulong siya.”

Nang itanong kung ano ang paalala ni Mang Cris sa mga anak, naging emosyonal siya.

“Basta ang sinasabi ko lang sa kanila, ‘Magtapos kayo kasi yun lang yung ia-ano ko sa inyo, maipagmamalaki.'”

Sa Eat Bulaga! episode, ipinalabas ang video greeting ng anim na anak ni Mang Cris: sina Jerchris, Jefferson, Jayson, Jennalyn, Jen Rose, at Jonathan.

Sabi ni Jen Rose, “Hi, Pa, maraming maraming salamat sa mga sakripisyo niyo ni Mama para makapagtapos po ako sa pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maraming, maraming salamat sa pagpo-provide ng lahat ng pangangailangan namin, mula sa bahay hanggang sa school.”

Mensahe naman ni Mang Cris: “Sa mga anak ko, salamat kasi hindi kayo nagpapabaya sa pag-aaral.

“Magpakabait lang kayo lagi. Huwag niyong pababayaan ang pag-aaral niyo.”

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cris Quimado, a garbage collector, being interviewed by Eat Bulaga! hosts Wally Bayola and Jose Manalo. His daughter Jen Rose (left inset) already graduated from college. He has five more children, all going to school.
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results