Dating I.T. manager sa Pilipinas, naging labandera sa Canada; ngayon, may food-business na!

by Bernie V. Franco
Nov 2, 2021
This mom left her managerial job in the Philippines to become an OFW in Canada. Eventually, she put up her own Pinoy food business, which is now expanding.
PHOTO/S: Facebook (Omni Filipino)

Hindi naging madali ang daan para kay Norminda Falogme tungo sa pagiging isang business owner sa Alberta, Canada.

Iniwan niya ang kanyang trabaho bilang isang Information Technology (I.T.) manager dito sa Pilipinas, at nagtungo sa Canada sa pagnanais na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang apat na anak.

Pagdating sa Alberta, Canada, nakahanap si Norminda ng trabaho sa isang dry cleaning shop.

“Ang naging trabaho ko po noon sa dry cleaning. So, labandera, plantsadora,” kuwento niya sa Omni Filipino ng Omni TV sa Canada, October 24, 2021.

Maraming hamong hinarap si Norminda, at isa na rito ang pagkakaroon ng mas mababang sahod kumpara sa iniwang trabaho sa Pilipinas.

“Yun lang malayo ka sa pamilya mo, sa mga anak mo, I have four kids po.

“And, siyempre, yung financial hindi ganoon kalaki, kumpara sa kinikita ko sa Pilipinas.

“So, kailangan kong pagkasyahin kung ano yung kinikita ko dito sa Canada as temporary foreign worker.”

Continue reading below ↓

PUTTING UP HER FOOD BUSINESS

Sa pagnanais na madagdagan ang kita, naisip ni Norminda na magbenta ng Filipino products.

Ang sumunod namang mga hamon sa kanya: “Paano ka kukuha ng license, paano ka kukuha ng food permit, paano yung facility?

“Maghahanap ka na. Papasa ka sa Alberta Health, lahat po iyon wala akong idea, kung paano gagawin lahat po iyon.”

Pero mas nanaig ang kanyang hangad na magnegosyo, kaya nag-research siya hanggang mabuo ang kanyang negosyong Dadi Dang Filipino Foods products.

Gamit niya ang sariling recipes sa paggawa ng fish balls, kikiam, siomai, at tocino.

Dadi Dang Filipino Foods products

Continue reading below ↓

Mabibili ang mga produktong ito sa retailers at Asian stores sa British Columbia at Alberta, Canada.

Gaya ng nagsisimulang negosyo, abonado muna sa simula si Norminda.

Aniya, “I think seven months abonado talaga ako sa pagpapasuweldo, sa pagbabayad ng renta ng facility."

Pero hindi siya nagpatinag sa mga hamong ito.

Ang paniniwala niya: "Kung meron problemang darating, dapat solusyunan. Hindi solusyon yung paghinto. Gawan ng paraan.”

Sa ngayon, umaabot sa 100 boxes ng mga products ang napo-produce ni Norminda kada araw.

Malaki ang pasalamat niya sa mga kababayang Pilipino sa Canada dahil sa pagsuporta sa kanyang negosyo.

Ang susunod na pinag-iisipan ngayon ni Norminda ay ang pag-e-expand ng kanyang negosyo sa iba pang probinsiya sa Canada.

Sa mga kababayan niyang overseas Filipino workers na naghahangad na magnegosyo, may payo si Norminda.

“Let’s get out of our comfort zone. Maging open-minded tayo.

“We have to be ready to take risks. Yung pipiliin mo na gagawin mo, dapat masaya, nag-e-enjoy ka.

Continue reading below ↓

“Dahil kung hindi, talagang iiwan mo rin iyan pagdating ng panahon na ma-bored ka.”

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This mom left her managerial job in the Philippines to become an OFW in Canada. Eventually, she put up her own Pinoy food business, which is now expanding.
PHOTO/S: Facebook (Omni Filipino)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results