PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Life story of Richard Licop: Dishwasher noon, big time na ngayon

Richard: "Natutulog ako sa sahig ng karinderia. Kailangan kong gumising ng 4am."
by Bernie V. Franco
Published Oct 31, 2021
Meet Richard Licop, an entrepreneur and owner of a big bike, a car, and other investments. He used to be a dishwasher and a cleaner in a carinderia while studying in college at the same time.
PHOTO/S: Richard Licop

Mayabang ang tingin ng ibang netizens kay Richard Licop, 28, dahil panay ang post nito ng mamahaling toy collections.

Pero hindi apektado si Richard. Para sa kanya, deserve niya ang mga bagay na ito na dati ay pinapangarap lang niyang bilhin.

Umasenso si Richard at naging negosyante.

Nagmamay-ari siya dati ng isang salon at barbershop. Naapektuhan man ng pandemya ang kanyang negosyo, hindi sumuko si Richard at humanap ng ibang mapagkakakitaan.

Nakakabibilib ang kanyang kuwento na nagsimula lamang siya bilang dishwasher sa carinderia habang isinasabay ang pag-aaral.

Noong June 1, 2021, idinaan ni Richard sa isang nakaka-inspire na post ang sagot niya sa pagtawag sa kanya ng “mayabang.”

Ang main photo ni Richard sa kanyang post ay isang cash voucher na may petsang March 27, 2011.

Naka-indicate dito na ang sahod niya ay PHP2,400/month at pumapatak na PHP80 ang sahod kada araw.

Sa voucher sa limang araw na pagtatrabaho niya, binayaran siya ng PHP400.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilahad dito ni Richard ang hirap na pinagdaanan niya bilang working student.

Bungad ng kanyang caption (published as is), “Nuknukan ng yabang, Post ng post ng kayabangan sa Facebook.

“Habang naglilinis ako ng kwarto , Nakita ko itong Paycheck ko nung 2011. P80 ang sahod ko kada araw bilang isang ‘DISHWASHER at BOY’ sa Karinderia habang nagaaral ng College.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Natutulog ako sa sahig ng karinderia at kailangan kong gumising ng 4am para mag Mop ng sahig, Maglinis ng CR at magbukas ng karinderia.”

Matatapos raw siya ng 4:00 p.m. sa trabaho para naman pumasok sa school.

“'Tapos uuwi ako uli sa karinderia para hugasan uli ung mga patong-patong na hugasin, mga malalaking kawali at mga Plato na halos mataas pa sakin

“Araw-araw ganon ang routine ko pero hindi ako napapagod dahil may gusto akong marating! Na Balang araw , Mabibili ko rin lahat ng gusto ko .

“Makakapunta sa ibat ibang lugar o bansa , at Makaka kain ng masarap sa restaurant na hindi na ako ang maghuhugas!”

Sa mga bumabanat sa kanyang mayabang siya, may sagot si Richard.

Aniya sa post (published as is): “Kaya huwag kayong mayabangan sakin kung panay ako post ng mga nabibili ko at napupuntahan.

"Nangarap lang kasi ako noon, ngayon natutupad ko na.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kung may Bago kayong gamit, Ipost niyo lang!

“Kung may bago kayong napuntahan , ipost nyo lang!

“Kung may pagkain ka na ngayon mo lang makakain , ipost mo lang!

“Wala silang alam sa pinag daan mo kaya wala rin silang pakialam sa ipopost mo . Kahit anong gawin mo , Kung inggit sila, Para sa kanila nagyayabang ka.”

Payo naman niya sa mga may pinagdadaanan ngayon at hirap sa buhay, “Wag kayong tumigil mangarap . Hindi tayo habang buhay mahirap.

“May mangungutya sayo, may hindi susuporta , madalas kamag-anak at kaibigan mo pa pero tandaan mo, ‘Walang ibang maniniwala sayo , maliban sa sarili mo.;

“Focus lang sa pangarap mo para sa sarili mo at lalo na para sa Magulang mo. .”

Kasama rin sa post ni Richard ang mga larawan ng mga biyahe niya at mga sasakyang nabili niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Richard and his father, who is a tricycle driver)

Ani Richard sa PEP.ph, nagtapos siya sa Pamantasang Lungsod ng Maynila sa kursong Mass Communication.

Bukod sa dishwasher, nagtrabaho rin si Richard as a crew member sa isang fast-food chain at bilang tricyle driver.

Sa ngayon, nagba-buy and sell ang negosyante ng mga toy collectibles, apparel, at sapatos.

“Nung nagpandemic, binenta ko lahat ng meron akong musical instruments.

“Drummer kasi ako ng banda.

“At naging puhunan ko sa hilig ko na mga laruan. Yun ang ibinenta ko kaya nabuo ang Kasapot Collectibles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Richard's thriving business now is selling toy collectibles.)

Kuwento pa ni Richard, “Nag-e-endorse na din [ako] ng mga produkto, like Bristol Motorcycles and Parak Clothing.”

Pinasok na rin niya ang pagiging content creator. Ang channel niya sa YouTube at fan page sa Facebook ay Richard Knows.

Marami at mamahalin na rin ang mga naipundar ni Richard.

“Nakabili na po ako brand-new car, natapos ko na po hulugan.

“Nakabili po ako big bike, 650 CC.

“Nakaipon na po ako pambili or pang-down sa sarili kong bahay.

“’Tapos ngayon po may, almost half a million na ipon pangpakasal.”

Ito ang message niya sa mga may pangarap sa buhay.

“Alamin mo yung skills mo. Wag kang matakot sumubok.

“Balang araw, lahat ng failures mo, makakatulong sa iyo para maabot mo pangarap mo.

“Umpisahan mo na ngayon. Mananatiling pangarap lang iyan kung wala kang gagawin.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet Richard Licop, an entrepreneur and owner of a big bike, a car, and other investments. He used to be a dishwasher and a cleaner in a carinderia while studying in college at the same time.
PHOTO/S: Richard Licop
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results