PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Life story of Rommel Abellar Amos: Panaderong naging doktor!

Nakatapos rin siya ng tatlong kurso: philosophy, nursing, at medicine
by KC Cordero
Published Dec 16, 2021
Rommel Abellar Amos now as a doctor, and back then as a bakery helper
Sariling sikap ang naging puhunan ni Dr. Rommel Abellar Amos para lang maitaguyod ang kanyang pag-aaral at matupad ang pangarap na maging doktor at makatulong sa kanyang mga kababaryo sa Eastern Samar.

Isa si Rommel Abellar Amos, 37, sa mga pumasa sa March 2021 Physician Licensure Exam.

Natapos niya ang kursong medisina sa Cagayan State University sa Tuguegarao City noong 2019.

Rommel Abellar Amos when he graduated in medicine course

Tubong Borongan City, Eastern Samar, makulay ang pinagdaanan ni Rommel bago siya naging isang ganap na doktor.

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rommel noong December 9, 2021, sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Masaya po at minsan naiiyak dahil sa sacrifices na pinagdaanan ko.

“Na-realize ko na wala palang imposible pag matiyaga at masipag.”

NAGING WORKING STUDENT

Noong 2005, para maka-graduate sa kanyang unang kurso na Bachelor of Arts in Philosophy sa Nativity of Our Lady College Seminary Borongan, nagtrabaho si Rommel sa isang water-refilling station.

Taong 2006, lumuwas siya sa Maynila para mag-aral ng nursing.

Ang plano niya ay mag-abroad kapag naging isang registered nurse dahil in-demand noon ang mga nurse sa ibang bansa.

Para masuportahan ang muling pag-aaral, nagtrabaho siya sa isang supermarket.

Naging marketing assistant din siya noong 2007 at sales clerk noong 2008.

Dahil sa kanyang determinasyon, natapos niya ang kursong Bachelor of Science in Nursing sa St. Jude College Manila noong 2010.

Ngunit nang makapasa siya sa nursing board exam noong 2011, nagdesisyon siya na ituloy ang pangarap na maging doktor.

Ang isa sa mga motivation niya, “May shortage po ng medical doctors sa province namin, especially sa remote areas. Kaya po ako nagdoktor.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbalik siya sa probinsiya para doon mag-aral ng medisina.

NAGING PANADERO HABANG KUMUKUHA NG MEDISINA

Pagbabahagi ni Rommel, “Before taking med studies, another two years [2012-2013] nagtrabaho po ako sa bakery para makapag-ipon.”

Rommel Abellar Amos while working in the bakery

Taong 2014 ay nag-enroll na siya sa medisina. Thirty-one years old na siya noon.

Mas ginusto raw niyang magtrabaho sa bakery dahil maliit din lang naman ang suweldo ng nurse kung sa ospital siya magtatrabaho, at malaking oras pa ang gugugulin niya sa pag-duty.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“During my med school, every summer break, Christmas break, and sem break nakakapagtrabaho po ako sa bakery pa rin.

“Mura po ang tuition namin sa Cagayan State University kaya kinaya.”

TINUPAD ANG PANGAKONG MAGING DOKTOR SA BARYO

Sa kasalukuyan, naglilingkod si Rommel bilang Rural Health Physician sa Rural Health Unit of Dolores sa Eastern Samar.

Nang makapanayam siya ng PEP.ph ay sinabi niyang nakatakda siyang magbakuna ng kanyang mga kababayan laban sa COVID-19.

Rommel Abellar Amos as a practicing physician

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Sobrang busy po kami ngayon sa pagbabakuna araw-araw.”

Noong November 24 ay nag-post siya sa kanyang Facebook account ng status kung kailan at saan puwedeng magpakonsulta ang kanyang mga kababayan.

Ang kanyang post: “It is vital that the Rural Health Unit of Dolores find ways to ensure that other essential health services continue even as we fight COVID-19.

“As a Rural Health Physician, I am available for medical consultation at the vaccination site [Dolores Gymnasium] from Monday to Friday to address minor health problems.”

PAYO SA MGA WORKING STUDENTS

Para sa mga gaya niya na kailangang magtrabaho para lang makapag-aral, sinabi ni Rommel na may katapusan ang pagsasakripisyo.

“Maging priority nila ang education. Yun pa rin talaga ang magdadala sa kanila. Maging madiskarte in case may financial crisis.

“Focus sa goal. It will pay off in the end.”

Dapat din aniyang ituring ang kahirapan bilang challenge at hindi bilang hadlang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya, “I think that my humble beginnings were very deliberate.

"And I’m grateful for them because I’m not sure I would see my achievements the same way if they were handed to me. So I earned them.”

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sariling sikap ang naging puhunan ni Dr. Rommel Abellar Amos para lang maitaguyod ang kanyang pag-aaral at matupad ang pangarap na maging doktor at makatulong sa kanyang mga kababaryo sa Eastern Samar.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results