Watch Now

Pinay working mom in Australia graduates summa cum laude from law school

by Bernie V. Franco
Dec 16, 2021
Zarah Denese Magpantay Tenorio Ramoso
This Filipina working mom in Australia proves that anything is possible as long as you focus on your dream. Zara Denese Magpantay Tenorio Ramoso graduates Bachelor of Law "summa cum laude" from Charles Darwin University.
PHOTO/S: Zarah Denese Magpantay Tenorio Ramoso

Sulit ang hirap at pagod ng isang Pilipinang working mom sa Australia.

Meet Zarah Denese Magpantay Tenorio.

Siya ay nagtapos ng summa cum laude sa kursong Bachelor of Laws sa Charles Darwin University sa Darwin, Australia.

Siya rin ay isang wife, mother of two, at office employee sa Office of the Ombudsman sa Northern Territory, Australia.

Lahat ng mga responsibilidad na ito ang pinagsabay-sabay ni Zarah habang siya ay nag-aaral.

Dumating si Zarah sa Australia noong 2013.

Sa kasalukuyan, kasama niya roon ang kanyang pamilya. Ang kanyang mister ay nagtatrabaho bilang isang shift worker.

Nasa poder din nina Zarah ang kanyang mother-in-law.

Noong September 17, 2021, nag-graduate na si Zarah at the age of 29.

Nagbalik-tanaw naman si Zarah nang matanggap niya ang notification letter na siya ay magtatapos ng highest honor o summa cum laude.

Hindi raw siya makapaniwala.

Ani Zarah sa ulat ni Annalyn Mabini ng TFC News Australia, December 10, 2021, “Parang nag-flash back po lahat ng pagpupuyat, pag-aaral at pagsisikap ko for the past four years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang overwhelmed po ako, dati pangarap ko lang, ngayon nandito na.”

Pero bago niya ito nakamit, dumaan daw muna siya sa butas ng karayom.

Naging malaking hamon para kay Zarah ang paghahati-hati ng kanyang oras sa pagiging ina, pag-aaral, at pagtatrabaho.

Kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa supportive husband at biyenan na laging nakaalalay sa kanya.

Dumating na rin siya sa puntong nais na niyang sumuko, “Mahirap po kasi, e.

"Nakakapagod, nakaka-stress at minsan parang walang time to complete everything within the deadline."

Mas naging mahirap daw kay Zarah.ang sitwasyon nang mangyari ang pandemya.

Dinibdib din niya ang pagpanaw ng kanyang tito na itinuturing niyang pangalawang ama.

Nangyari raw ito sa huling taon niya sa kolehiyo, habang inaasikaso ang kanyang thesis.

Zarah Denese Magpantay Tenorio Ramoso

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humugot siya ng lakas ng loob mula sa kanyang pamilya. Inisip niya ang future ng kanyang mga anak at ang kanyang supportive husband.

Napagsabay-sabay ni Zarah ang lahat ng kanyang responsibilidad sa pamamagitan ng time management.

“I formed a routine po. All of my time was allocated to work, studying, and my family,” ani Zarah.

Ginugol niya ang kanyang weekends sa mga responsibilidad. Hindi siya nagplano ng mga bakasyon.

Sa dami ng kanyang inaasikaso, sa madaling araw nag-aaral si Zarah.

“I wake up at 3:00 a.m. every day para mag-aral. Nakasanayan ko na po yun, mas madali kasi for me to study early in the morning.”

Pagbabalik-tanaw pa ni Zarah, ipinanganak niya ang kanyang youngest noong siya ay third-year college.

“Mahirap po magwork at mag-aral while pregnant kasi I had complications, e,” kuwento niya.

Dagdag pa rito, limang araw matapos niyang manganak, naka-schedule ang kanyang final law exams.

Minarapat niyang ituloy iyon kesa mag-request ng deferral exams.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Zarah: “I guess the trick is to always plan things ahead.

"One thing na tinuro sa akin ng law professor ko is: ’If you fail to plan, you plan to fail.’”

MESSAGE TO FELLOW IMMIGRANTS AND WORKING MOMS

Aware si Zarah na maraming pagsubok para sa katulad niyang immigrant sa ibang bansa.

Marami raw adjustments. Sa kaso niya, nahirapan siya nang mag-aral siya dahil sa language barrier.

Hindi raw naging madali lalo na ang mahihirap na legal cases na bahagi ng kanyang pag-aaral.

Nabanggit ni Zarah na marami siyang nakilalang Pilipinong professionals na gumagawa ng blue-collar jobs sa restaurants, hotels, hospitals, at shopping centers.

“I met an engineer who was working as a waitstaff. I met teachers who were working as shop/grocery assistants.

"I even met doctors who were working as nurses,” lahad niya.

Kapag tinatanong daw niya ang mga ito kung bakit hindi nila i-pursue ang kanilang original profession, ang rason ng mga ito ay mahirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw masisisi ni Zarah ang mga ito kung ang prayoridad nila ay basta makapag-provide para sa kanilang mga pamilya.

Pero nanghihinayang daw si Zarah. Katwiran niya, “…Because Filipinos are naturally brilliant.”

Kaya naman pinapalakas niya ang loob ng kanyang mga kababayang nagtatanong sa kanya tungkol sa pag-aaral.

Maaari raw kasing makakuha ng support sa Australian government.

Sabi ni Zarah, “Lalo na kung Australian citizens na po, which a lot of Filipinos already are.

“As long as you want to study, you can obtain financial assistance from the government.

“I hope my fellow Filipinos po na makakabasa nito, take the time to get out of their comfort zone and pursue their passion.”

Nagbigay rin siya ng payo sa mga katulad niyang working moms.

“Kung may pangarap po kayo, work for it. Do it for yourself,” aniya.

Gaya raw ng pagsuporta ng mga nanay sa kanilang mga asawa, dapat ay suportahan din sila ng kanilang mga mister sa mga pangarap nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Zarah, “If you don’t want to do it for yourself, do it for your children.

“They deserve the best life possible, and you can give it to them by giving them the best version of yourself.”

Paalala pa niya, lahat ay makakamit sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at pananampalataya.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This Filipina working mom in Australia proves that anything is possible as long as you focus on your dream. Zara Denese Magpantay Tenorio Ramoso graduates Bachelor of Law "summa cum laude" from Charles Darwin University.
PHOTO/S: Zarah Denese Magpantay Tenorio Ramoso
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results