PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dating Pinay caregiver, sikat na fashion designer na ngayon sa Canada

Late na nag-aral ng fashion design pero pinakamahusay sa klase.
by KC Cordero Allison Estrella
Published Jan 16, 2022
Genette Mujar during a fashion show
Mula pagkabata ay pangarap na ni Genette Mujar maging fashion designer. Natupad niya iyon sa kabila ng kanyang edad na 50, at pagtatrabaho bilang caregiver.

Nakikilala na ngayon sa Canada ang Pinay fashion designer na si Genette Mujar, 50.

Siya ang may-ari at Chief Operating Officer ng kanyang clothing company na Gnetz Design.

Genette Mujar in corporate attire

Pero bago siya naging fashion designer, nagtrabaho muna siya bilang caretaker.

“Maraming nagtataka kung paano ko nagawa yung transition from caregiver to fashion designing,” ani Genette sa panayam ng Summit OG.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, it's been my passion ever since. Naantala lang, kasi siyempre, hindi tayo kasingyaman ng iba.”

Tubong Daraga, Albay si Genette. Dahil marami silang magkakapatid, hindi siya napag-aral ng kanyang parents sa fashion school.

Natapos naman niya ang kanyang pag-aaral sa Bicol University.

Young Genette Mujar with her classmates

Bata pa lang siya, mahilig na siyang mag-style ng mga damit.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento niya, “Ang ginagawa ko na lang, since I am the third girl in the family, sa lahat ng pinagliitan nila, iyon ang sinasalo ko.

“Sometimes may mga punit na, outdated na, so, nire-restyle ko siya. And kailangan kong matutong manahi sa manual machine ng nanay ko.

“Estudyante pa lang ako, sumasali na ako sa mga prestigious fashion shows.”

Kapag tinatanong siya noon ng mga kaklase kung saan niya nakukuha ang kanyang unique and stylish outfits, ang lagi niyang sagot, "It's from Gnetz."

Doon na nagsimula ang kanyang Gnetz brand.

NAG-OFW NANG MAGKAPAMILYA

Pansamantala namang isinantabi ni Genette ang kanyang pangarap nang magkaroon na siya ng mga anak.

Lahad niya, “Naging iba yung priority ko sa buhay. Gusto kong yung mga naranasan ko, huwag na nilang maranasan.”

Napilitan siyang maging isang overseas Filipino worker (OFW) para mabigyan ngm magandang buhay ang kanyang mga anak.

At hindi naging madali ang kanyang mga pinagdaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtrabaho siya sa Taiwan, bago siya lumipat sa Hong Kong kung saan naranasan niyang ipagtabuyan siya sa labas ng kanyang employers.

Kuwento pa niya, “Yung family na napuntahan ko, pagtatrabahuhin ako mula alas sais hanggang alas diyes ng gabi.

“Tapos, noong kinuwestyun ko sila kung bakit yun lang ang na-receive kong suweldo noong first month, nagalit sila.

“Hatinggabi pinalayas ako...”

Mabuti na lang aniya at may mga kakilala siyang kumuha sa kanya sa gilid ng kalsada.

Emosyunal niyang sambit, “Naiiyak pa rin ako pag naaalala ko yun.”

Hindi rin siya sinuwerte sa ikalawa niyang employer, pero sa pangatlo ay naging maayos na ang kanyang situwasyon.

Nag-sideline din siya para mas lumaki ang kita.

“Kahit anong trabaho, mga part time—cleaning, cooking, babysitting—tinatanggap ko. There are times I work in nine families. Takbo dito, takbo doon.”

HINDI NAWALA ANG PASSION FOR FASHION

Noong 2007 ay nakarating si Genette sa Canada at nagtrabaho bilang caregiver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, ang kanyang suweldo ay hindi sapat para suportahan ang kanyang pamilya sa Pilipinas.

Gayunpaman, kahit kapos, napanatili niyang buhay na buhay ang kanyang passion for fashion.

Madalas siyang magpunta sa mga thrift stores para maghanap ng mga lumang damit na maaari niyang i-restyle.

Pag-amin ni Genette, “Noong nag-caregiver ako, I loved all the kids kasi ginagawa ko silang fashionistas.”

Genette Mujar sewing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naisingit pa rin niya sa pagiging caregiver ang pananahi.

Pagbabalik-tanaw niya, “May nagbigay sa akin ng makina. Tuwang-tuwa ako.”

Makalipas ang ilang taon, nagdesisyon siyang ituloy na ang pangarap na maging fashion designer dahil pakiwari niya ay nagkakaedad na siya at baka malipasan na siya ng panahon.

Saad niya, “Noong ang mga kids ko nasa college na, matatapos na sila, gusto ko naman na mag-enroll ako.

“May nabasa ako sa Facebook na may fashion design, nag-message lang ako. Later on, tinawagan ako. Kinabukasan, nag-enroll ako.”

PINAKAMATANDA PERO PINAKAMAGALING

Ayon kay Genette, kahit siya ang pinakamatanda sa kanilang magkakaklase, siya ang nakatanggap ng award nang mag-graduate sila.

Pagmamalaki niya, “Best Achievement award. Because of that award, they gave me a very good recommendation na mag-mentor sa mga new students.”

Na-hire din siya bilang fashion designer sa isang local clothing company sa Vancouver.

Genette Mujar fitting to a model one of her creations

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Trendy na Filipiniana naman ang paborito niyang idisenyo at tahiin.

Nakapag-fashion show na rin siya noong 2018.

“Bale hindi pa ako nagtatagal sa fashion industry. Pero nakakatuwa naman na naa-appreciate na nila yung mga gawa ko,” pagpapasalamat niya.

WORTH IT ANG PAGSASAKRIPISYO

Sa kabila ng mga pagod at hirap na pinagdaanan niya nang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho, worth it daw ang lahat, ayon kay Genette.

Aniya, “Magaan ang pananahi, nabago nito yung buhay ko.

“Wala akong pinagsisisihan. I’m so grateful. Ito yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko—na mabigyan ako ng chance na makapag-aral, na-recognize ako ng mga tao.”

Umaasa si Genette na ang kanyang kuwento ay makapagbibigay ng inspirasyon sa iba na natatakot sundin ang kanilang pangarap.

"Yung mga paghihirap ninyo at mga kahirapan sa buhay, gawin ninyong inspirasyon para lalo kayong mag-try hard.

"Ang sabihin ninyo sa sarili ninyo: ‘Kung kaya ng iba, bakit hindi ko kakayanin?’”

Na-inspire ba kayo sa kuwento ni Genette? Alamin ang kabuuan ng kanyang naging journey sa Summit OG video na ito:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Meet Genette Mujar, a Pinay fashion designer based in Canada who started her own clothing line from scratch.
Video: Summit OG.

Subscribe to the channel here. Watch more OG videos here.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula pagkabata ay pangarap na ni Genette Mujar maging fashion designer. Natupad niya iyon sa kabila ng kanyang edad na 50, at pagtatrabaho bilang caregiver.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results