PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Philip Delarmino: from scavenger to global Muay Thai champ

He used to be a scavenger, but now they call him The Destroyer.
by Bernie V. Franco
Published Jan 16, 2022
Philip Delarmino
Pinoy Muay Thai champ Philip Delarmino looks back on his humble beginnings: “Kung minsan sobrang dami na ng utang, umuuwi kami wala kaming bigas, kaya wala kaming makain.”
PHOTO/S: Muay Thai Association of the Philippines

Muling nagbigay ng karangalan sa ating bansa ang Pinoy Muay Thai athlete na si Philip Delarmino, 31.

Nominado si Philip para sa World Games Athlete of the Year para sa 2021.

Si Philip ang kauna-unahang atletang Pinoy na naging kandidato para sa prestihiyosong international athletic award.

Dalawampu’t limang (25) atleta mula sa labimpitong (17) bansa ang naging kandidato rito.

Gagawin ang pagpili sa winner sa pamamagitan ng online poll simula January 10 hanggang January 23, 2022.

Ang World Games Athlete of the Year ay pagkilala sa isang athlete batay sa kanyang social commitment at fair behavior.

Bago pa mangyari itong nominasyon, nakapag-uwi na si Philip ng gintong medalya nito lamang nakaraang December 11, 2021.

Champion siya sa 57-kgs senior elite male category sa 2021 International Federation of Muaythai Associations (IFMA) world championships sa Phuket, Thailand.

Philip Delarmino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Philip rin ang reigning Southeast Asian (SEA) Games champ sa kanyang division.

Siya ang kampeon sa 57-kgs Muay Thai male division sa 30th SEA Games na ginanap sa Subic noong December 2019.

Pangatlong beses niya ito sa SEA Games, bago niya nasungkit ang ginto.

Unang beses niyang sumali noong 2013 at nanalo siya noon ng silver. Sinubukan niyang mag-compete muli noong 2017, pero umabot lamang siya sa quarterfinals.

FROM SCAVENGER TO “THE DESTROYER”

Bilang martial arts athlete, si Philip ay kilala sa bansag na “The Destroyer.”

Pero bago niya ito narating, marami na siyang sinuong na laban sa buhay.

Nagtrabaho siya sa murang edad at naranasan din niyang maging batang lansangan.

Si Philip ay nagmula sa Dumangas, Iloilo.

Sa murang edad, nawalan ng paningin ang kanyang amang pedicab driver dahil sa sakit na diabetes.

Si Philip ang pumalit sa ama para mamasada at kumayod para may maiuwing pagkain sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naranasan din niyang mangalakal ng basura kasama ang kapatid para magkaroon ng dagdag na kita.

Sa murang kaisipan ni Philip, ang akala niya ay wala nang naghihintay na magandang bukas para sa kanya.

Lahad niya sa panayam ni Jeff Canoy ng ABS-CBN News noong October 2019,“Pag naisip mo yung dati, wala ka ng chance mag-college.

“Kung minsan sobrang dami na ng utang, umuuwi kami wala kaming bigas, kaya wala kaming makain.”

Dahil hirap sa pag-aaral, pinasok niya ang pangangalakal ng basura para may baon sa eskuwela.

Noong teenager siya, na-in love siya at ang kanyang kanyang kapatid sa Muay Thai, kaya nag-ensayo sila.

Sariling sikap din ang ginawa nilang magkapatid para matuto.

Kuwento ni Philip, pag pumupunta silang magkapatid sa gym ay hindi sila inaasikaso ng trainer dahil wala silang pambayad.

“Kaya ang ginagawa namin, nanonood lang. Pag tapos ng session nila, nagte-training kami, ginagaya namin,” aniya sa ABS-CBN News interview.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sumasali silang magkapatid noon sa mga match kapag may piyesta, kung saan nakakapag-uwi sila ng PHP500 kapag nanalo, at PHP150 naman kapag talo.

Noong labin-anim na taong gulang siya, nanalo si Philip sa national competition at doon na nagsimula ang kanyang pagiging professional athlete.

And the rest, as they say, is history.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy Muay Thai champ Philip Delarmino looks back on his humble beginnings: “Kung minsan sobrang dami na ng utang, umuuwi kami wala kaming bigas, kaya wala kaming makain.”
PHOTO/S: Muay Thai Association of the Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results