Watch Now

Titser sa Lanao Del Norte, nagkakaloob ng laptop sa mahihirap at deserving students

by KC Cordero
Jan 29, 2022
Teacher Melanie Figueroa with a laptop recipient
Walong estudyante na ang napagkalooban ni Teacher Melanie Figueroa ng bagong laptop. Ang kanyang “Laptop Para sa Pangarap” fundraiser ay umaani ng suporta mula sa kanyang mga personal na kaibigan at netizens.

Naging viral ang estudyanteng si Chrisken Sumili, 22, noong July 2021, matapos mag-circulate sa social media ang kanyang mga larawan habang mangiyak-ngiyak na hawak ang isang bagong laptop.

Nag-aaral siya ng kursong Metallurgical Engineering sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology.

Chrisken Sumili cries after receiving the laptop

Chrisken Sumili and his new laptop

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi kasi niya inaasahang makatatanggap siya ng laptop mula sa kanyang dating guro sa high school na si Melanie Reyes Figueroa dahil hindi naman siya humingi rito.

Teacher Melanie Figueroa

Si Teacher Melanie, 54, ay nagtuturo sa Hinaplanon National High School sa Iligan City, Lanao del Norte.

Ayon sa guro, isang kaibigan ng kapatid ni Chrisken ang lumapit sa kanya at sinabing kailangan nito ng laptop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Teacher Melanie sa panayam ng The Philippine Star noong July 12, 2021, "Nag-PM po kasi ang friend ng kapatid niya sa akin, humihingi po ng ayuda dahil natanggal sa trabaho ang mga magulang niya dahil sa pandemic."

Binisita ni Teacher Melanie si Chrisken, at nakita niyang lumang cellphone lang ang gamit nito sa pag-attend sa online class at nakikigamit lang ng WiFi ng kapitbahay.

Kapag may exam naman, nanghihiram lang si Chrisken sa mga kaklase ng laptop.

Nagsagawa ng fundraiser si Teacher Melanie at nakalikom ng PHP40,000 na ipinambili niya ng laptop ni Chrisken.

Anang guro, "Mga ka-batch ko po sa high school, mga former students ko po ang nag-ambag-ambag.

"Actually, sila po mismo ang nag-message sa akin na gusto nilang mag-pledge."

MARAMI NA ANG NABIGYAN NG LAPTOP

Hindi lang si Chrisken ang nakatanggap ng laptop mula kay Teacher Melanie.

Sa panayam ng "Balita Online" noong September 19, 2021, sinabi ni Teacher Melanie na lima na ang kanyang nabigyan. Pangatlo si Chrisken.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkataon lang na ito ang nag-viral dahil sa sobrang emosyon na ipinakita ng binata nang mag-post sa Facebook account nito.

Aniya, “Actually po iyong kay Chisken pang-third na po iyon. Ànd as of this moment, nasa fifth na po tayo ng laptop. Kaya naman inulan po talaga ng tulong si Chrisken.”

Pawang mga honor students na cellphone lang ang gamit at walang kakayahang bumili ng laptop ang kanyang tinutulungan.

Another recipient of laptop

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Teacher Melanie, “Just imagine cellphone lang ang gamit sa online class samantalang iyong mga kaklase nila, naka-laptop.

"Paano po sila makikipagsabayan nang patas? Kawawa naman po...”

'LAPTOP PARA SA PANGARAP’ NAKAKUHA NG SUPORTA

Ipinagpatuloy ni Teacher Melanie ang kanyang fundraiser, at tinawag niya itong “Laptop Para sa Pangarap.”

Masuwerte umano siya dahil may mga personal friends siyang tumutulong sa kanyang makalikom ng pondo kapag may estudyante siyang gustong bigyan ng unit.

Maging ang mga netizen ay nagbibigay rin aniya ng tulong kapag nananawagan siya sa kanyang Facebook account.

Ayon sa guro, “At ang funds po ay nagmumula sa mga friends ko po sa Facebook. Nagpapadala po kaagad sila every time may post ako.”

May isa pang proyekto si Teacher Melanie na isinasagawa naman niya tuwing sasapit ang Pasko.

“Mayroon po akong Christmas wish na nagga-grant po ng wish ng student every Christmas,” aniya pa.

Nagbibigay rin si Teacher Melanie sa mga ito ng mga sapatos, damit, at noche buena items.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A student who received PE uniform and shoes.

NAGPASALAMAT SA TAGA-MEDIA AT DONORS

Last December 30, 2021 ay nag-post si Teacher Melanie ng kanyang pasasalamat sa lahat ng tumulong sa kanyang fundraiser.

Aniya, “Two more days and it’s 2022 na, as I bid goodbye to 2021, can't help myself. It's unforgettable. Daghan [maraming] highlights ang nahitabo [nangyari]."

Pinasalamatan din niya ang lahat ng media outlets at media personalities na nag-interview sa kanya at nag-feature ng "Laptop Para sa Pangarap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Thanks sa opportunity. I received so many messages, message request, friend request after that. I even met new friends and naging good friends kami until now.”

Masaya rin niyang ibinalita na walong laptop na ang naipagkaloob niya sa deserving students.

“Thank you sa mga nag-message na even we don’t know each other, but nag-trust sila sa akin and send money for the laptops.”

Last January 15, ibinalita ni Teacher Melanie na inaasikaso na niya ang pagkalap ng pondo para sa ika-siyam na laptop recipient.

DEPED KINILALA ANG KANYANG PROYEKTO

Pagbabalita pa ni Teacher Melanie, “DepEd Iligan recognized the project, and na-include ako sa BigaTEN last October 5, 2021.”

Ang BigaTEN ay proyekto ng Region 10 schools division na nagbibigay ng parangal sa mga outstanding teachers sa rehiyon.

Mensahe niya sa mga kapwa guro: “Alam kong mahirap ang sitwasyon na kinalalagyan nating lahat, pero kailangan nating yakapin ang anumang meron tayo ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung dati, ginagawa natin nang buong husay ang mga trabaho natin noong wala pang pandemya, ngayon pa kayang mas kailangan tayo?

“Hindi lamang po tayo dapat nakapokus sa ating mga gawain kundi isipin din natin ang mga mag-aaral. Sa panahon ngayon, hindi lamang natin dapat isipin ang mga sarili natin, kailangan din pong alamin ang sitwasyon nila.”

Payo naman niya sa mga estudyante: “Mas lalo ninyong pagbutihan ang pag-aaral dahil hindi lamang mga guro ang nagsasakripisyo ngayon, kundi maging ang inyong mga magulang na tumatayong partner ng paaralan.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Walong estudyante na ang napagkalooban ni Teacher Melanie Figueroa ng bagong laptop. Ang kanyang “Laptop Para sa Pangarap” fundraiser ay umaani ng suporta mula sa kanyang mga personal na kaibigan at netizens.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results