PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

James Abayon Lolo, umasenso dahil sa "The Last Supper" sa resibo

Nakapagpatayo siya ng tindahan at studio.
by Bernie V. Franco
Published Feb 21, 2022
the last supper resibo
Almost a year ago, James Abayon Lolo, an amateur artist from Davao de Oro, went viral because of his vivid drawing of The Last Supper on a piece of receipt.
PHOTO/S: Facebook (James Abayon Lolo)

Halos isang taon na ang nakalilipas nang mag-viral si James Abayon Lolo dahil sa kanyang iginuhit na The Last Supper sa isang piraso ng resibo.

Bukod sa pinusuan ng maraming netizens ang kanyang sketch, ilang beses ring naitampok si James sa news and public affairs programs ng iba’t ibang networks at websites, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang The Last Supper ay mural painting na ipininta ng tanyag na Italian painter na si Leonardo Da Vinci noong Renaissance era.

The Last Supper resibo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkalipas ng halos isang taon, kamusta na si James?

Nagkaroon ba ng pagbabago sa kanyang buhay matapos mag-viral ng kanyang sketch?

MORE CLIENTS AFTER GOING VIRAL

Si James, 22, ay nakatira sa Anibongan, Maco, Davao De Oro.

Kasalukuyan siyang kumukuha ng Technical Vocational Teacher Education course sa University of Southeastern Philippines.

Sabi ng binata, ang pag-viral ng kanyang likha ang pinakamasayang araw ng kanyang buhay.

Nakausap ng PEP.ph si James via direct message ngayong Miyerkules, February 16, 2022.

“Natatandaan ko po na sobrang na-appreciate ng mga tao ang obra ko sa resibo.

“Siguro nagustuhan nila kung paano ko iginuhit ang The Last Supper at sa resibo ko pa iginuhit na alam nilang sobrang madetalye.”

Buhay na buhay ang kulay ng kanyang likha sa kapirasong papel, kahit na ginamitan lamang niya ito ng pitong ballpen na iba-iba ang kulay.

Nakagawa na rin si James ng iba pang drawing collections sa resibo, gaya ng Mona Lisa at portrait ng yumaong NBA superstar na si Kobe Bryant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

paintings resibo

Some of James's collection of works in receipts include Mona Lisa (far left) and Kobe Bryant (far right).

“Sobrang daming nagbago po nung nangyaring pag viral ko po,” ani James.

May mga nakilala siyang may-kaya, nagkaroon ng mga kaibigan, at higit sa lahat, mga customers.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tumatanggap si James ng commissioned work, at dahil sa nag-viral niyang likha, nagkaroon siya ng mga kliyente sa loob at labas ng bansa.

Ang mga kliyente raw niya mismo ang nagmi-message sa kanya para bumili ng kanyang artworks.

“Minsan po mga paintings or mga scanned artworks ko po. Minsan po pinapadala ko through different couriers.”

HELPING THE FAMILY AMID PANDEMIC

Ang pagguhit ni James ang nagtawid sa kanilang pamilya na maka-survive sa pandemic.

Paglalahad niya, “Naipatayo ko si Mama ng munting tindahan, at nakapagpatayo ako ng maliit na studio.

“Sobrang binago po nito ang buhay ko dahil kahit papaano may naipundar po ako na mga kaunting bagay.

“Nabayaran ko po kahit papaano yung pag-aaral ng kapatid ko, at nakapagbigay ako ng kaunting pera para sa bayarin sa bahay po.

“At sobrang nakatulong po ito sa pag-aaral ko.”

Sa ngayon, ang kanyang pagpipinta ang source of income niya at ng kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gumagawa po ako ng oil paintings, acrylic paintings, charcoal, colored pencils, ballpen at iba pa, depende sa ipapagawa ng clients ko po.

“Ito ang trabaho ko at source of income ko po ngayong pandemya.”

Sa kanyang pag-viral, pinatunayan rin ni James na mali ang tingin sa kanya ng mga taong walang bilib sa kanya noon.

Pagbabahagi niya, “Ang sabi nila hindi po ako mag-i-improve or maging successful sa aking art career.

“At malabong mangyaring mare-recognize po ako.

“Pero ginawa ko yung stepping stones para maabot yung pangarap ko at binalewala ko lahat ng kawalang-tiwala nila.”

RELATED STORY

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Almost a year ago, James Abayon Lolo, an amateur artist from Davao de Oro, went viral because of his vivid drawing of The Last Supper on a piece of receipt.
PHOTO/S: Facebook (James Abayon Lolo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results