PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former kakanin vendor and helper, Top 3 in board exam for teachers

Nagtinda ng kakanin, naging helper sa tindahan, nag-top 3 sa board exam.
Published Mar 25, 2022
jenny grace moreno
Isang magandang regalo ang ibinigay ni Jenny Grace Moreno sa mga magulang nang mag-top 3 siya sa licensure examination for teachers ngayong March 2022. "’Yung pinaka-goal ko lang po talaga is to pass, or if the luck will be on my side, 10th place."
PHOTO/S: Facebook (Bicol.PH)

Abot-kamay na ni Jenny Grace Moreno, 23, ang childhood dream niyang maging teacher.

Bukod sa nakapasa sa licensure examination for teachers (LET) elementary level, nag-top 3 pa siya. Nakakuha siya ng average na 92.20 percent.

Si Jenny na taga-Tinambac, Camarines Sur, ay dating tindera ng kakanin.

Namasukan din siyang helper sa karinderya para masuportahan ang pag-aaral.

Ang mga magsasaka niyang magulang, iginapang ang kanyang pag-aaral dahil alam nilang edukasyon ang sagot sa kanilang kahirapan.

Kaya napakagandang regalo sa kanila ang pagiging topnotcher ni Jenny sa board exam.

"’Yung pinaka-goal ko lang po talaga is to pass, or if the luck will be on my side, 10th place,” kuwento ni Jenny sa Bicol.PH noong March 13, 2022.

Si Jenny ay nagtapos ng Bachelor in Elementary Education sa Partido State University sa CamSur noong March 2019.

“Dapat March 2020 pa ako mag-exam, pero ilang beses hindi natuloy dahil sa pandemic.”

Mismong si Jenny ang nagsabing iginapang ng kanyang mga magulang ang kanyang pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nalubog pa nga raw sila sa utang para masuportahan ang edukasyon ni Jenny.

“Kaya lagi nila sinasabi na ayusin ang pag-aaral namin kasi yung father ko high school graduate lang, at elementary graduate naman yung mama ko.

“Ayaw na raw nila maranasan namin yung naranasan nila.”

Tinulungan ni Jenny ang parents niya sa pamamagitan ng pagtitinda ng kakanin mula elementary hanggang high school.

"Bago ako pumasok in the morning, magtitinda muna ako," kuwento niya.

“Maglilibot ako dito sa barangay namin. Nagtitinda din ako ng kakanin kapag walang pasok.”

jenny grace moreno

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Salutatorian si Jenny nang magtapos sa elementary at high school.

Nang tumuntong sa college, naging student assistant siya sa kanilang unibersidad.

Para hindi na magbayad ng renta sa boarding house, pumasok siyang helper.

"Yung landlady kasi namin nagtitinda ng ulam. So sabi niya, puwede ko siya tulungan magtinda, maghugas, magluto and hindi na ako magbabayad ng renta."

Madalas sabihin na ang kahirapan ay hindi hadlang sa pag-aaral.

Iba ang pananaw ni Jenny rito. Sabi niya, “So far, nagiging hindrance talaga siya.

"Pero kung gustong-gusto mo talaga, kung gusto mo yung ginagawa mo, kung gusto mo makapagtapos ng pag-aaral...

"And gusto din talaga ng parents mo, kahit ang hirap, talagang magagawan at magagawan ng paraan.”

jenny grace moreno

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa isang private company sa Maynila nagtatrabaho ngayon si Jenny, pero balak niyang tuparin ang pangarap na maging teacher.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang magandang regalo ang ibinigay ni Jenny Grace Moreno sa mga magulang nang mag-top 3 siya sa licensure examination for teachers ngayong March 2022. "’Yung pinaka-goal ko lang po talaga is to pass, or if the luck will be on my side, 10th place."
PHOTO/S: Facebook (Bicol.PH)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results