PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jonalyn Johns piniling maging truck driver kesa nurse sa U.S.

"Parang yung truck driving para sa akin, para siyang paid vacation.”
Published Mar 29, 2022
jonalyn johns pinay trucker
Filipina truck driver Jonalyn Johns drives an 18-wheeler truck that delivers cargos to different places in the U.S. She says about her job: “Ngayon parang ano lang siya, madali na lang… kahit pikit nga minsan.”
PHOTO/S: YouTube (Pinay Trucker GIRL USA)

Hindi inurungan ng Pilipinang si Jonalyn Johns ang pagmamaneho ng 18-wheeler truck sa U.S.

Dahil nga sa pagiging driver, nakapagpundar na siya at ang kanyang asawa ng bahay.

Pero paano siya napadpad sa trabahong ito gayong ang una niyang plano ay maging nurse?

Kuwento ni Jonalyn sa panayam ni Kara David sa episode ng Brigada nito lamang March 2022, “Yun po talaga yung gusto ko kasi ang ganda ng uniform ng nurse, puti. Ija-jump ko muna yung nursing before yung truck driving.

“Pero nakita ko yung sahod mas malaki pala yung sa akin sabi ko, ‘Okay, trucking.’ Para kaming mag-asawa magkasama din."

Aminado si Jonalyn, na taga-Borongan, Eastern Samar, na noong simula ay napapaiyak siya dahil sa hirap ng trabahong ito.

“Yung una mahirap siya kasi malaking truck, lalo na yung magba-backing.

“Nung nasanay na ako lalo na ngayon, kasi halos mag-four years na akong magta-truck driving, so ngayon parang ano lang siya, madali na lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong niya, "Kahit pikit nga minsan."

Pangalawa, inaabot siya nang 11 hours para maihatid ang cargo, na aniya'y

“kahoy na malalaki, bakal yung malaking tubo, at saka yung mostly pang-construction.”

jonalyn johns pinay trucker

Kasama ni Jonalyn sa pagde-deliver ang kanyang asawang American.

At bukod sa pagdadrive, mano-mano rin siya sa pag-i-strap, pagkakadena, at pagkakapit ng double trailer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patunay na kayang niyang gawin ang mga gawaing panlalaki.

pinay trucker

May mga pagkakataong two months siyang nasa kalsada dahil sa mga kailangan niyang i-deliver.

Ini-enjoy na lang ni Jonalyn ang magandang tanawin.

“Gusto ko po siya kasi pag nagda-drive ka, karamihan kasi ng daan dito sa U.S., straight siya, makikita ang mga bahay, ranch…

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi ko sa mga tao parang yung truck driving para sa akin para siyang paid vacation.”

Dugtong niya, “Yung downside, halimbawa, nasiraan ka, na-stuck ka sa isang lugar.”

Payo ni Jonalyn pagdating sa mga pagsubok sa buhay: “’Wag mawalan ng tiwala sa sarili, kasi lahat ng tao, kahit ano pa iyan matututunan natin kung bibigyan natin ng chance.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipina truck driver Jonalyn Johns drives an 18-wheeler truck that delivers cargos to different places in the U.S. She says about her job: “Ngayon parang ano lang siya, madali na lang… kahit pikit nga minsan.”
PHOTO/S: YouTube (Pinay Trucker GIRL USA)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results