Watch Now

Victoria Cupay, a Pinay who woke up from coma, and her prince charming to wed in August 2022

by Bernie V. Franco
Apr 5, 2022
viktoria cupay prince charming
Parang real-life fairy-tale ang love story nina Viktoria Cupay at Nicholas Baldo na natunghayan noong 2021. Matapos magising sa isang buwang coma, nag-propose si Nick kay Viktoria. Nag-update ang dalawa tungkol sa kanilang nalalapit na kasal.
PHOTO/S: @justviktoria03 on Instagram / Photo courtesy of Viktoria Cupay

Love conquers all.

Ito ang pinatunayan ng love story nina Viktoria Cupay at Nicholas “Nick” Baldo.

Read: Real-life Prince Charming, nag-propose sa Pinay GF na nagising mula sa comatose

Si Viktoria ay isang U.S.-based Filipina na na-comatose dahil sa lupus at Stevens-Johnson Syndrome na parehong life-threatening diseases.

Si Nick ang kanyang American boyfriend na inalalayan ang dalaga araw-araw nang magkasakit siya.

Nang magising si Viktoria mula sa isang buwang coma noong 2019, nag-propose sa kanya si Nick.

Ang kuwento ng kanilang pag-ibig ay naitampok sa GMA News and Public Affairs program na Brigada noong August 2021.

Marami ang humanga at na-inspire sa kanilang pag-iibigan, na hindi natibag kahit makailang ulit nakipagpatintero sa kamatayan si Viktoria.

Ilang beses kasing ni-revive si Viktoria, pero hindi siya bumitaw.

Lumaban si Viktoria dahil sa kanyang pamilya at kay Nick.

Kamusta na sina Viktoria at Nick ngayon?

UPCOMING WEDDING

Looking forward ang couple sa kanilang pag-iisang dibdib sa darating na August 2022, o dalawang taon mula nang mangyari ang one-of-a-kind proposal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa katunayan, ibinahagi pa ni Viktoria via social media ang engagement photo shoot nila ni Nick.

Bakas sa kanilang pictorial ang genuine happiness dahil nalampasan nila ang hamong sumubok sa tibay ng kanilang pagmamahalan.

Siyempre, ibinabahagi rin ni Viktoria ang di malilimutang pagpo-propose sa kanya ni Nick sa ICU.

viktoria cupay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nick and Viktoria in a photo shoot celebrating life (left) and the couple when Nick proposed to Viktoria at the hospital (right).

Kuwento ni Nick, di siya nagdalawang-isip na alagaan si Viktoria noong nasa ICU ito.

“It was so strange because I never really thought about it or really made a decision to do this or that.”

Si Nick at ang ina ni Viktoria ang nagsalitan noon araw-araw para alagaan si Viktoria na nasa ICU.

Balik-tanaw ni Nick, "She was there going through so much pain and suffering. I couldn’t leave and go anywhere. I just had to be in that room with her."

Bagamat kakagising lang mula sa coma, hindi raw naging mahirap para kay Viktoria na tanggapin ang proposal.

Alam niyang si Nick ang lalaki para sa kanya.

Ani Viktoria tungkol kay Nick, “[His] values and his standards and morals are the same as mine.

“I said ‘yes’ because I know that I’m with a good man, and even if I was in the hospital bed, I have been thinking about it the months before… he’s the one.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And the fact that he came back to Illinois to take care of me every single day… he left his old life in California, just to be with me.”

Viktoria Cupay

Viktoria and Nick in their interview in Rated Korina in February 2022.

Nagbigay ng update sina Viktoria at Nick tungkol sa kanilang kuwento sa Rated Korina noong February 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpalitan din sila ng pangako ngayong hinihintay na lang ang kanilang nalalapit na pagpapakasal apat na buwan mula ngayon.

Ani Viktoria sa fiancé: “I love you so much. I cannot wait to be your wife. And make the most out of our lives and build a family and love you."

Sabi ni Nick: “Viktoria, I will love you forever and ever, as long as we both live.

“And I can’t wait to spend our lives together and see the world together, to join our families and to just explore what this world has to offer.”

Patuloy ang medikasyon ni Viktoria para sa lupus, na isang lifetime medical condition.

Gayunpaman, halos balik na sa normal ang kanyang pamumuhay ngayon at balik na ang kanyang sigla.

Ginagamit din ni Viktoria ang kanyang social media platforms para makapagbigay ng inspirasyon sa pakikipaglaban sa karamdaman.

Ibinabahagi rin nila ni Nick ang pagpupunyagi ng kanilang pagmamahalan sa kabila ng naging pagsubok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon lamang Lunes, April 4, 2022, nagdaos si Viktoria—na naka-little white dress at white veil—ng kanyang bachelorette party kasama ang mga kaibigan.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parang real-life fairy-tale ang love story nina Viktoria Cupay at Nicholas Baldo na natunghayan noong 2021. Matapos magising sa isang buwang coma, nag-propose si Nick kay Viktoria. Nag-update ang dalawa tungkol sa kanilang nalalapit na kasal.
PHOTO/S: @justviktoria03 on Instagram / Photo courtesy of Viktoria Cupay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results