Watch Now

Meet Mark Ligan: double-degree holder at basketball player na piniling maging farmer

by KC Cordero
Apr 5, 2022
Mark Ligan in graduation photo, and with a goat
Naging farmer si Mark Ligan, isang double-degree major at basketball player. Sa mga nagtatanong tungkol sa pinili niyang career path, balik-tanong niya, “Who says there’s no money in farming?”

Maging isang seaman ang unang pangarap ni Mark Ezzer Ligan, 26, ng Murcia, Negros Occidental.

Ngunit hindi siya pinayagan ng kanyang ina, na ayaw siyang mapalayo sa pamilya.

Dalawa lang kasi silang magkapatid—ang kanyang ate at siya bilang bunso.

Isang basketball varsity player si Mark.

Nagtapos siya ng dalawang kurso—Interdisciplinary Studies at ng Marketing Management—sa University of Saint La Salle–Bacolod noong 2018.

Mark Ligan as a student

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, sa halip na ipagpatuloy ang paglalaro ng basketball o i-pursue ang career sa alinman sa dalawang kursong tinapos niya, mas pinili niyang maging farmer.

Ayon kay Mark sa panayam sa kanya ng SunStar Bacolod noong May 1, 2021, ang pagiging farmer ay isang calling.

Aniya, “You will never know when it will strike you. I have ventured a different path, far from what I have finished in college.”

Nagsimula siyang magkaroon ng interes sa farming noong third year college siya.

Requirement nila noon ang magpasa ng feasibility study, at tungkol sa pagsasaka ang ginawa niya.

“In order to learn, I need to apply my feasibility study.”

Year 2017, sinimulan niyang i-develop ang kanyang sariling farm—ang MBL Integrated Farm.

Mark Ligan's farm

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang farm na may sukat na tatlong ektarya ay pag-aari ng kanilang pamilya ngunit walang nakatanim. Sinimulan niya itong taniman ng talong, okra, papaya, guyabano, langka, niyog at iba pa,

Nag-alaga rin siya ng mga kambing na galing Australia, baka, kalabaw at manok.

“I was able to start and eventually sustain the farm through the help of my family.”

NAG-CONCENTRATE SA PAG-AALAGA NG KAMBING

Isa sa mga naging goal ni Mark ay ang patunayan na may pera sa pagsasaka. Sa umpisa, nagpokus siya sa pag-aalaga ng kambing.

Batay sa kanyang research, ang populasyon ng kambing sa Pilipinas ay nasa anim na milyon lang, pero 80 percent ng mga Pinoy ay goat-meat eaters.

Dalawa rin lang ang commercial goat farms sa ating bansa, kaya malakas ang demand sa karne ng kambing.

Mark Ligan's goats

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “For goats alone, there’s a huge market both for dairy and meat.

“So who says there’s no money in farming?”

Tinukoy niya na ang karne ng chevon goat ang pinakamahal na karne ng kambing sa Negros Occidental, at nasa PHP500 ang isang kilo nito.

Goat meat

Para naman madagdagan ang kanyang kaalaman sa agriculture, nag-attend si Mark ng seminars and training.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging mahilig din siyang magbasa ng mga libro at manood ng online tutorials tungkol sa farming, lalo na ang pagpaparami ng kambing.

RESPONSIBILIDAD ANG MAGING FARMER

Naging matagumpay si Mark sa pag-aalaga ng kambing.

Dahil sa ganda ng kalidad ng kanyang mga alaga, naibebenta niya ang isang five-month-old goat for PHP30,000.

Bukod pa rito ang kita niya sa mga gulay at ibang ani.

Dahil dito, noong 2019 ay hinirang siya bilang Outstanding Young Animal Raiser ng Provincial Government of Negros Occidental.

Ngunit para sa kanya, “You will never call yourself successful if you are not able to help others.”

Ipinagmamalaki kasi ni Mark bilang farmer na nakatutulong siya na magkaroon ang mga kapwa niya Pilipino ng pagkain sa mesa.

Nang pumutok ang pandemya at tumaas ang demand sa pagkain sa Pilipinas, hindi niya inihinto ang operasyon ng kanyang farm at ang pagde-deliver sa mga palengke.

Crops for delivery

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Mark, “We continue to grow crops and raise animals. In fact, we even produced more eggs, vegetables, corn, and fresh milk.

“Food is very essential during this time, and it is our responsibility as farmers to make sure that there’s available food on every family’s table.

“We are more motivated to produce more.”

Bukod naman sa pandemya, isa sa matinding challenge para sa farmers gaya ni ni Mark ang mahabang panahon ng El Niño o tagtuyot.

Gayunpaman, lagi raw siyang may positive outlook sa bawat hamon.

“Life will not give you what you want, it will give you what you deserve. So if you want something, you will work hard for it.”

Bukod sa patuloy na production ng livestock and crops, layunin din ni Mark na maging isang farm tourism destination ang MBL Integrated Farm sa kanilang probinsiya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging farmer si Mark Ligan, isang double-degree major at basketball player. Sa mga nagtatanong tungkol sa pinili niyang career path, balik-tanong niya, “Who says there’s no money in farming?”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results