Watch Now

Capt. Amore Martinez: Igorota na pinakaunang babaeng chief pilot sa Asia

by KC Cordero
Apr 5, 2022
Capt. Amore Martinez with PAL executive Leonidez Peña
Graduate si Capt. Amore Martinez ng Philippine Military Academy at dating military pilot ng Armed Forces of the Philippines bago siya naging commercial pilot.

Malaki ang karangalang dala ni Capt. Amorelle Mackay Martinez di lamang para sa mga Pilipina, kundi para sa lahat ng kababaihan sa buong Asya.

Noong March 3, 2022 ay nag-post si Leonides V. Peña, ang assistant vice president/director ng Philippine Airlines (PALexpress) Inflight Services and Training Department sa kanyang Facebook ng larawan kasama si Capt. Martinez, na mas kilala bilang Amore.

Capt. Amore Martinez with PAL executive Leonidez Peña

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang caption ng post ni Peña: “With the first female CHIEF PILOT in ASIA, Capt. Amore Martinez.”

Capt. Amore Martinez

Si Amore ay mula sa Bokod, Benguet.

Graduate siya ng Philippine Military Academy (PMA) at may Bachelor of Science degree in Management.

Matapos mabigyan ng military officer rank ng Armed Forces of the Philippines (AFP), naging miyembro siya ng Philippine Air Force (PAF).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-qualify din si Amore para kumuha ng Military Pilot Training (MPT) bilang student pilot officer ng Philippine Air Force Flying School (PAFFS).

Bilang student officer sa PAFFS, una niyang napalipad ang Cessna T-41D Mescalero, ang military version ng popular na Cessna 172.

Nang makapagtala na siya ng flying time at mapalipad nang solo ang Mescalero, pinayagan siyang ipagpatuloy ang kanyang flight training.

Nagpalipad naman siya nang mas mabilis na SF260 Marchetti aircraft.

Dahil dito, pinagkalooban si Amore ng PAFFS ng “military pilot wings.” Ibig sabihin nito ay opisyal na siyang kinikilala bilang licensed pilot at natapos na niya ang required training and certification para magpalipad ng eroplano.

Naging miyembro siya ng 220th Airlift Wing ng PAF kung saan nagpalipad siya ng GAF N-22 Nomad twin-engine light cargo transport military aircraft.

Naging Director for Operations din siya ng PAFFS hanggang 2008.

Capt. Amore Martinez inside a cockpit

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2011, nag-resign si Amore bilang sundalo at piloto, at nagtrabaho sa PAL Express.

Tinanghal naman siya bilang “PALex Captain of the Year” sa ginanap na 2017 STAR Awards ng PAL Group.

Bilang chief pilot, ang main job ni Amore ay pamahalaan ang mga piloto, ground personnel, at mga flight attendants.

Bahagi rin ng kanyang tungkulin ang scheduling ng paglipad ng mga eroplano, pakikipag-ugnayan sa mga aircraft maintenance personnel, at pagtiyak na natutugunan ng kanyang departamento ang lahat ng local and federal regulations.

Samantala, nakapagtala na siya ng kabuuang 9,678 flying hours—at madadagdagan pa ito—bilang Airbus A320/321 captain.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Graduate si Capt. Amore Martinez ng Philippine Military Academy at dating military pilot ng Armed Forces of the Philippines bago siya naging commercial pilot.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results