Watch Now

Elevator Girl Cheridel Alejandrino now works in the corporate world

by Bernie V. Franco
Apr 7, 2022
elevator girl
Noong 2013, naging Internet sensation si Cheridel Alejandrino, isang elevator girl sa isang mall sa Olongapo. Nagbukas ito ng pagkakataon sa kanya na makapasok sa showbiz. Pero matapos ang maikling panahon, kahit may offers, tinanggihan ito ni Cheridel. Ano na nga ba ang nangyari kay Elevator Girl?
PHOTO/S: Cheridel Alejandrino

Naging viral at nakilala si Elevator Girl Cheridel Alejandrino bago dumami ang mga social media influencers.

Taong 2013 sumikat si Cheridel habang naka-duty bilang elevator girl sa SM Mall Olongapo, na ngayon ay SM Olongapo Downtown.

Maraming naaliw sa nakakatuwa at nakakatawang paraan ng pagsasalita niya.

Magiliw kasi niyang binabati ang mga pumapasok sa elevator.

cheridel alejandrino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-effort pa siyang isa-isahin ang establishments sa bawat floor para ma-guide ang shoppers.

Kumakanta pa siya, nakikipag-eye-to-eye contact, at nakikipagbiruan sa mga customers.

In short, good vibes ang hatid niya kaya kinaaliwan siya ng mallgoers at netizens.

Kinunan siya ng video ng isang mallgoer at in-upload ito sa YouTube. Pinag-usapan at nakilala si Elevator Girl.

Nagbukas ito ng maraming oportunidad sa kanya, at nagkaroon ng kaliwa’t kanang interviews sa iba't ibang TV shows.

Naging housemate din siya sa Pinoy Big Brother All-In (2014) at napabilang sa isang pelikula.

In short, naranasan niyang maging bahagi ng showbiz na inaasam-asam ng marami.

Pero sa kabila ng di pangkaraniwang pagkakataong ibinigay kay Cheridel, pinili niya ang mas pribadong buhay,

Nasaan na ba ngayon si Cheridel?

Elevator Girl

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbukas ang maraming pagkakataon kay Cheridel at naging housemate pa sa Pinoy Big Brother All-In noong 2014.

UPDATE ABOUT CHERIDEL

Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Cheridel sa instant fame na natamo.

“Pag binabalik-balikan ko iyon, till now po na-a-amaze pa rin ako and hindi pa rin ako makapaniwala,” bungad ni Cheridel sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) via Zoom noong March 31, 2022.

Noon pa man din daw naging tagahanga na niya ang mallgoers dahil sa kanyang pagiging kuwela.

Isa raw siyang breaktime reliever noon—siya ang pumapalit sa puwesto ng mga nagbi-break o nagdi-day-off na mga kasamahan.

“Nagpapa-break po ako ng mga person o housekeeping sa comfort room. So, pag breaktime po nila, mga one hour, first break, ako yung papalit doon.”

Mismong mga customers daw ang nagsasabi sa kanyang makikilala siya.

“Sinasabi po lahat ng customer, ‘One day, sisikat ka.’

“And yun din ang tanong ko that time nung sinabihan nila ako, ‘Paano po? Andito lang po ako, nakaupo lang. Bakit niyo po nasabi na sisikat ako?’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Giit ni Cheridel, ang nasa isip lang niya noon ay pagbutihan ang kanyang trabaho.

Matapos niyang mag-viral, inamin ni Cheridel na nagsunud-sunod ang mga opportunities.

Hindi naman daw siya pinigilan ng kanyang big bosses.

“Pinayagan po ako ng mga big boss na maka-attend sa [mga schedules].”

Sa kabila nito, hindi bumitaw si Cheridel sa kanyang trabaho sa SM. Kaliwa’t kanan ang showbiz offers noon, pero tinanggihan niya ang mga ito.

“I told them, ‘Sorry, Ma’am/Sir. If akin talaga ang pag-aartista… mapupunta talaga sa akin.'

“Nung inalok ako, pakiramdam ko hindi ko pa nasusuklian, hindi pa sapat yung salitang pagpapasalamat doon sa pinagtrabahuhan ko,” pahayag ni Cheridel.

In short, pinakawalan ni Cheridel ang pagkakataon na ituluy-tuloy ang showbiz opportunity at pinili ang trabaho.

“I love my job and hindi ko po siya kayang iwan.”

Elevator Girl

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madalas naging guest sa iba't ibang TV shows noon si Cheridel.

Mas pinaboran ni Cheridel ang job stability.

“That time na nakilala ako, sobrang daming opportunity sa showbiz na nag-alok naman sa akin.

“But that time po kasi for me yung isip ko focused ako sa trabaho and my son, who is my priority.

“Yung career, yung pag-aartista alam niyo naman po sa showbiz, hindi naman stable. Yung career, hindi pangmatagalan.

“Alam ko sa sarili ko, ang pera ang bilis lang maubos. Hindi ko nga rin po alam kung gaano ba ako katagal mamahalin ng sambayanan.”

Naniniwala si Cheridel na tama ang kanyang naging desisyon.

“Pinili ko yung trabaho ko, at eto na nga po, nasa head office na ako.”

FROM ELEVATOR GIRL TO MARKETING OFFICER

Walong taon mula nang mag-viral si Cheridel, ang Elevator Girl ay isa na ngayong marketing officer sa corporate marketing department ng main office ng SM sa Pasay City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya mismo, hindi makapaniwala sa kanyang estado lalo’t hindi siya nakatapos ng pag-aaral.

Achievement daw para kay Cheridel na mula elevator girl, C.R. attendant, cashier ay nasa corporate world na siya ngayon.

“Sa lahat po ng nangyari, sobrang unexpected. Kasi hindi po lingid sa kaalaman ng lahat na I’m a high school graduate, na isang nanay.

elevator girl

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Cheridel ay isa nang marketing officer ngayon ng corporate marketing department ng SM.

“Now it’s the best part of my life and very unexpected as a high-school graduate, and as a nanay na.

“Hindi ko kailanman inisip na mararating ko ang kinalalagyan ko, ang kinatatayuan kong ang maging isang marketing officer.”

Pagbabalik-tanaw pa niya, noong nag-apply siya SM Olongapo ay natakot na baka hindi siya matanggap.

“Akala ko po nung nag-apply ako sa SM, di ako makakapasok kasi nanay na ako.

“Hindi ako makakapasok dahil high school graduate lang ako.”

Nang ma-promote naman siya bilang marketing officer, parang nagsimula uli siya sa pag-aaral.

“Nung dumating ako dito sa head office, I am zero. Even mag-copy paste, I don’t know how.

“Sobrang nahihiya ako. Naaalala ko, gagawa ako ng PowerPoint, oh my god, how?!”

Pero tyinaga raw siyang tinuruan ng kanyang mga kasamahan.

Ngayong higit pa sa pag-copy paste at PowerPoint ang natutunan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dami ko nang naa-achieve. Even sa admin staff, natutunan kong mag-PO [purchase order]; natutunanan kong makipag-contact sa iba't ibang suppliers.

“Daig ko pa po nakatuntong ng kolehiyo dahil sa ibinigay [na pagkakataon] po nila sa akin.”

Bukod dito, ginawa rin siyang face of SM, at siya ang nagpo-promote ng activities ng mall.

Personally, bukod sa pagsuporta sa kanyang 10 years old na anak, nakakatulong din si Cheridel sa pamilya ngayon na hindi niya nagagawa dati.

Ang maliit niyang tindahan ay isa na raw ngayong medium-sized sari-sari store.

Nasa listahan na rin niya ang pagpapatayo ng bahay.

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nakakakilala kapag nakakasalubong siya.

Bagama’t maikli ang naging journey niya sa showbiz, “nag-enjoy naman ako,” ani Cheridel.

“Marami nang tao na gustong ma-achieve yung narating ko, sobrang panalo na po ako doon.

“Sapat na iyon na karanasan. Parang nanalo na ako dahil doon.”

May payo naman siya sa dami ng mga nagiging viral ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wag ilalagay sa ulo dahil may mga bagay na isang iglap nawawala agad.

“May mga bagay po kasi sa isang iglap lang di mo alam ang mangyayari, tulad ng pagkakakilanlan.

“Kung hindi mo ito iingatan pahahalagaan, puwede po itong mawala.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong 2013, naging Internet sensation si Cheridel Alejandrino, isang elevator girl sa isang mall sa Olongapo. Nagbukas ito ng pagkakataon sa kanya na makapasok sa showbiz. Pero matapos ang maikling panahon, kahit may offers, tinanggihan ito ni Cheridel. Ano na nga ba ang nangyari kay Elevator Girl?
PHOTO/S: Cheridel Alejandrino
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results