Watch Now

Charlie Puth applauds Pinoy teen’s “most insane” TikTok video

by Bernie V. Franco
Apr 9, 2022
Charlie Puth
"Hey WHAT" American singer Charlie Puth, napabilib sa TikTok video ng isang Pinoy teenager na si John Heron Sandoval. Milyun-milyon na ang views ni John makalipas lang ang ilang araw.
PHOTO/S: TikTok / Facebook

Bumilib ang American pop singer na si Charlie Puth sa 18 anyos na Pinoy TikTokerist na si John Heron Sandoval.

Kamangha-mangha kasi video ni Jon, na taga-San Pablo, Laguna.

Dahil sobrang impressed si Charlie Puth, ni-repost nito sa kanyang TikTok account ang “Duet” nila ni John.

Ang Duet ay isang TikTok feature kung saan pinagdikit ang videos ng dalawang content creators sa isang split screen.

Itinabi ni Charlie ang kanyang reaction video sa ginawang content ni John na isang transition video gamit ang camera trick.

Ang background music ay ang kanta ni Charlie na “Light Switch.”

Mayroon na itong higit 4 million views sa loob lamang ng dalawang araw.

Initially, ipinost muna sa TikTok ni John ang kanyang 10-second video noong Martes, April 5, 2022.

Ngayong April 9, meron na itong higit 33.8 million views.

“Hey WHAT” komento ni Charlie. Napa “OMG” na lang si John Heron.

charlie puth

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption ni Charlie: “This is the most insane one by far hahaha”

Umani ng mga papuri si John mula sa kanyang mga kaibigan at followers.

charlie puth

charlie puth

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

charlie puth

Hindi makapaniwala si John na napansin ng American singer ang kanyang video.

“TOTOO BA TO?? NANOTICE AKO NI Charlie Puth,” Facebook post ni John Heron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa katunayan, maging ang British-Norwegian DJ, YouTuber, at record producer na si Alan Walker ay napansin din ang video ni John Heron.

“What did I just witness???” komento ng record producer.

Magandang pa-birthday ito kay John na nag-18 noon lamang April 5.

Ani John sa Philippine Entertainment Portal via direct messaging, ipinost niya ang video sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

Inusisa namin siya kung gaano niya katagal ginawa ang 10-second transition video.

“Depende po sa duration nung audio na gagamitin ko. Minsan umaabot ng 4-5 hours at minsan po ay 2-3 hours.”

At press time, si John ay mayroon nang higit four million followers at may ilang TikTok videos na milyon-milyon ang views dahil sa kanyang transition videos.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hey WHAT" American singer Charlie Puth, napabilib sa TikTok video ng isang Pinoy teenager na si John Heron Sandoval. Milyun-milyon na ang views ni John makalipas lang ang ilang araw.
PHOTO/S: TikTok / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results