Watch Now

Dating child laborer na scholar ni Kara David, isa nang ganap na pulis

by Bernie V. Franco
Apr 14, 2022
kara david
Noong 2014, itinampok ni Kara David ang batang si Charlie Bangngayen (left photo, top), isang child laborer na hangad makatapos ng pag-aaral (main photo). Walong taon ang makalipas, si Charlie ay ganap nang pulis. (left photo, bottom).
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs) / Facebook (Kara David)

Pulis na ngayon ang batang sinusuong dati ang panganib ng sting ng mga bubuyog para makakuha ng pulot-pukyutang ibebenta.

Ang batang trabahador na si Charlie Bangngayen ay walong taon lamang nang itampok ni Kara David sa GMA Public Affairs program na I-Witness.

Ginawang scholar si Charlie ng Project Malasakit, ang scholarship foundation ni Kara.

Kamakailan, ipinost ni Kara ang larawan ni Charlie na naka-police uniform at ang throwback photos niya nang itampok siya sa I-Witness.

Charlie Bangngayen

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

charlie Bangngayen

Top photo: Charlie Bangngayen sa i-Witness noong 2014. Bottom photo: Si Charlie na isa nang pulis.

Caption ng GMA-7 reporter: “I met Charlie Bangngayen in 2014 when we did the I-Witness documentary ‘Pulot-pukyutan.’

“The docu featured the life of child laborers in Abra.

“Charlie and his brother Edrian would climb trees and risk being stung by honeybees just to harvest honey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“They used the money that they got from selling honey for school allowance.

“Project Malasakit by Kara David took them in as scholars.”

At makalipas ang walong taon, nagtapos si Charlie at nakapasa sa board exam.

Patuloy ni Kara (published as is), “Eight years later, ito na si Charlie ngayon… isa nang ganap na miyembro ng Phil National Police. Class Matalinsag.

“Congratulations Charlie! You have gone a long way. We are very, very proud of you.

“Salamat sa lahat ng donors ng www.projectmalasakit.org.”

CHARLIE'S LIFE AFTER I-WITNESS FEATURE

Si Charlie, na siyang pinakamatalino sa klase, ay magtatapos pa lang noon sa high school sa isang sitio sa Sallapadan, Abra.

Siya at ang nakababatang kapatid na si Edrian ay nangunguha ng pulot-pukyutan na isang mapanganib na trabaho.

Bukod kasi sa dalang peligro ng sting ng bubuyog, maaari silang mahulog sa mga punong inaakyat.

Isinasalin nila sa bote ang honey at ibinebenta ng PHP100 kada bote.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinuhang scholar ni Kara ang magkapatid na Charlie at Edrian.

charlie bangngayen

Si Charlie (far right), kapatid na si Edrian (gitna) at ang kanilang ama na kinukuha ang honey mula sa mga nakuhang honeycombs noong 2014.

Noong November 2019, gumawa uli ng dokyu si Kara sa I-Witness na "Sa Mata ng Bata" at nagbigay ng update tungkol kina Charlie at Edrian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula Abra, lumipat ang kanilang pamilya sa Batangas.

Si Charlie ay nagtapos na at pasado sa board exam para sa pagkapulis.

Habang si Edrian naman ay nasa senior high school, consistent honor student din at ang plano ay ituloy ang pag-aaral para maging seaman.

Kara david

Kara David kasama sina Edrian at kuyang si Charlie noong 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong 2014, itinampok ni Kara David ang batang si Charlie Bangngayen (left photo, top), isang child laborer na hangad makatapos ng pag-aaral (main photo). Walong taon ang makalipas, si Charlie ay ganap nang pulis. (left photo, bottom).
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs) / Facebook (Kara David)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results