Watch Now

Lolo Smart nakatanggap na ng YouTube Silver Creator Award

by KC Cordero
Apr 18, 2022
Lolo Smart and his YouTube Silver Creator Award
Certified YouTuber na si Lolo Smart, ang beteranong repair technician, matapos lumampas sa mahigit 100,000 ang kanyang subscribers at makatanggap ng YouTube Silver Creator Award.

Nakatanggap na ng YouTube Silver Creator Award ang beteranong repair technician na si Lolo Rodel Pacis, 67, o mas kilala bilang Lolo Smart.

Ang YouTube Silver Creator Award o “play button” ay ipinagkakaloob sa mga YouTube content creators na nagkaroon na ng 100,000 subscribers.

Lolo Smart's YouTube channel

Noong March 10, 2022, nasa 500 pa lang ang bilang ng subscribers niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nang i-share ni Labambanito Lantican sa Facebook account nito ang kanyang video na nagpapaliwanag kung paano mag-repair ng sirang electric fan, nai-share ito ng 45,000 beses at na-feature sa iba't ibang websites, kabilang na ang reportr.world at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kaya kaybilis na pagsikat ni Lolo Smart sa social media.

Lolo Smart's Facebook post thanking his subscribers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang Facebook ay nagpasalamat si Lolo Smart sa kanyang mga subscribers at sa mga nakatulong para mas makilala ang kanyang channel.

Isang mobile photography hobbyist, nilabanan niya ang pagkainip dahil sa COVID-19 lockdowns sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga sirang appliances sa kanilang bahay sa Parañaque City.

Ginagawan niya ng video ang mga pagre-repair na kanyang ginagawa at ina-upload niya sa kanyang YT channel.

Ang kanyang libangan ang isa mga naging go-to sources para sa quick-and-easy home repairs. Instantly, si Lolo Smart ay naging internet sensation.

NAGSARA ANG KANYANG REPAIR SHOP DAHIL SA PANDEMYA

Sa panayam kay Lolo Smart ng reportr, sinabi niyang tuwang-tuwa siya sa pagdami ng kanyang subscribers.

Aniya, "Galak na galak, overwhelmed kami sa biglang taas. Di namin akalain yun, natulog lang kami, kinabukasan libo na. 'Tapos umaakyat nang umaakyat.

“Talaga kaming masaya, lalo na sa comments na natuto sila, nagawa na nila yung bentilador, nagawa na nila yung plantsa nila nang dahil sa video ng Lolo Smart. Masaya po kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lolo Smart fixing something

Kuwento pa niya, nag-aral siya ng electronics sa loob ng dalawang taon bago siya nagbukas ng sariling repair shop sa Marilao, Bulacan.

“May seminar dito, may seminar diyan, attend ako nang attend to improve yung technical knowhow ko."

Nagturo rin siya sa isang vocational school kung saan niya na-unlock ang bagong skill—kung paano makitungo sa mga mababagal matuto sa malumanay na paraan at laging nakangiti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang lumaganap ang pandemya noong March 2020, kinailangan niyang isara ang kanyang 40-year-old repair shop.

MAHILIG SA MOBILE PHOTOGRAPHY, NAHIKAYAT MAG-VLOG

Dahil naiinip si Lolo Smart sa bahay, kinakalikot niya ang mga sirang laruang kotse ng kanyang mga apo.

Mabilis niyang naaayos ang mga ito, at dahil dito ay tinawag siya ng kanyang panganay na apo na "Lolo Smart."

"Marami akong kaibigang nagsasabi sa Facebook na ibahagi ko iyan o sa YouTube para malaki, malawak, marami ang mararating, ang matutulungan.

"Sabi ko, ‘Bakit?’ Sabi nila, ‘It's a knowledge na naka-stock sa iyo, marami ang matututo, marami ang magkakaroon ng hanapbuhay.’

“So, sabi ko, ‘Sige...’"

Gamit ang android phone at tripod, nagbahagi siya ng tips and tricks tungkol sa isa pa niyang passion, ang mobile photography.

Nag-upload din siya ng mga how-to videos kabilang ang tutorial kung paano gumawa ng spice rack.

Aminado si Lolo Smart na noong una ay nahihiya siyang kunan ng video ang sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya na rin ang nag-e-edit at nag-a-upload. Tinutulungan siya minsan ng misis na si Lola Marina sa paglalagay ng English subtitles.

FULLTIME VLOGGER NA

Magaan ang approach niya sa kanyang video tutorials kaya kinagiliwan siya ng netizens—at tinatawag siya ng mga ito na Tatay o kaya ay Lolo.

"Masaya kasi dumadami ang aking mga apo online saka masaya din dahil ang follow-up comments nila ay natututo sila.

“Imbes na ipagawa, nauuna tingnan, sinusundan ang video at nagagawa na naman nila. Ang sayang mapakinggan na nakakatulong talaga sa kapwa."

Dahil nag-viral na ang kanyang do-it-yourself videos, desidido na si Lolo Smart na maging full-time vlogger sa halip na muling buksan ang kanyang repair shop.

Plano niyang gumawa ng maraming tutorial videos tungkol sa basics of mobile photography.

Target niyang matuto nito ang mga gaya niyang may edad na para gumawa rin ang mga ito ng vlogs at maibahagi ang kanilang expertise sa ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinikayat rin niya ang mga anak o apo na i-encourage ang mga magulang o lola't lolo na i-share ang nalalaman.

"Kung siya ay isang kagaya kong edad na may maraming kaalaman at nagsasabing, 'Daddy, Lolo, gayahin mo si Lolo Smart. Meron kang alam, meron naman tayong cellphone, may tripod tayo, shoot!'

"Kahit na ano iyan—pagluluto, paggawa ng bisikleta, pagkukumpuni—kahit ano, puwede mo siyang i-video at i-YouTube. Marami pong matutulungan. Go, go, go!"

Gumawa rin siya ng Facebook page na Lolo Rodel para sagutin ang mga tanong kung paano magsisimula sa paggawa ng vlog.

Payo niya, "Huwag kayong mangamba. Wala pong edad-edad iyan basta meron kayong passion, gusto mong maibahagi ang alam mo at mapapakinabangan naman ng nakakarami, makakatulong ka sa nakakarami, bakit hindi?

“Shoot-shoot, nandito lang ho ako kung may tanong kayo."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Certified YouTuber na si Lolo Smart, ang beteranong repair technician, matapos lumampas sa mahigit 100,000 ang kanyang subscribers at makatanggap ng YouTube Silver Creator Award.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results