Watch Now

Bar topnotcher, four times napurnada ang last year sa college dahil sa colon cancer

by Bernie V. Franco
Apr 22, 2022
Francis Roel Dulay
Si Francis Roel Legaspi Dulay ay na-diagnose ng Stage 3 colon cancer, pero nalampasan niya ito at naging bar exam topnotcher pa.
PHOTO/S: Facebook (Francis Roel Dulay)

Hindi nag-give up si Francis Roel Legaspi Dulay sa pangarap niyang maging abogado kahit na tinamaan siya ng ng colon cancer.

Graduate mula sa Ateneo de Davao University, isa si Francis sa labing-apat na "successful examinees with excellent performance" mula sa 8,241 passers sa bar examination, na inilabas noong April 12, 2022.

Ang Top 14 excellent examinees ay mga bar passers na nakakuha ng 90-percent average pataas.

Pero bago niya nakamit ang matamis na tagumpay, apat na beses napurnada ang kanyang planong maka-graduate sa kolehiyo at mag-take ng bar exam.

Ito ay dahil sa kanyang sakit.bar exam

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Francis Dulay on number 6 of the Top 14 list of successful examinees with excellent performance

Matapos makapasa at maging topnotcher sa bar exam, napagtanto ni Francis na may "best plan” ang Panginoon at mangyayari ito sa tamang panahon.

“Please let me show off God's greatness. He made me a testimony that God's Plan is the Best Plan,” sabi ni Francis sa kanyang Facebook post noong April 13, 2022.

Ang unang plano raw sana ni Francis ay maging last school year niya sa kolehiyo ang 2018-2019 para makapag-bar exam pagdating ng November 2019.

Pero noong 2018, kinailangan niyang sumailalim agad sa operasyon.

Matapos ang operasyon, gumawa sinagplano ulit si Francis: babalik siya sa kolehiyo sa November 2018 para magtatapos sana siya sa March o April 2020.

Pero hindi ito natuloy dahil noong October 11, 2018, inoperahan siya para tanggalin ang mga tumor. Kinabitan din siya ng colostomy bag, na isang waterproof pouch na ginagamit para kolektahin ang "waste" sa katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos nang mahigit isang linggo, inoperahan uli siya noong October 20 dahil nagkaroon ng infection.

Lumabas din sa biopsy na Stage 3 na ang cancer at kinakailangan niyang sumailalim sa chemotherapy.

Ang kanyang naunsiyaming planong bumalik sa eskuwela ay itutuloy sana niya pagsapit ng June 2019.

Pero sumailalim siya ulit sa radiation therapy mula January hanggang February 2019.

Pagsapit ng April 2019, sumailalim naman siya sa anim na cycles ng intravenous chemotherapy.

In short, napurnada ulit ang kanyang plano.

Nakabalik siya sa pag-aaral noong November 2019.

Pero napurnada na naman ito dahil nagdesisyon ang kanyang doktor na huwag munang tanggalin ang colostomy bag “because there might be recurrence.”

Pagdating ng January 2020, sumailalim siya sa surgery para tanggalin na ang colostomy bag.

Nakabalik na sa pag-aaral si Francis noong June 2020.

Dito na rin niya nakilala ang kanyang kasintahan, si Hannah Dela Cerna, na malaki raw ang papel na ginampanan sa kanyang tagumpay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Without her, I don't think I would graduate in April 2022 and become one of the Top 14 Excellent Passers of the 2020/21 Bar Examinations,” pagtuloy ni Francis sa kanyangFacebook post.

“She provided me with notes, gave me vitamins and memory boosters. She did everything she could and shared everything she had.”

Pinasalamatan din ni Francis ang kanyang pamilya, kamag-anak, at mga kaibigan na tumulong sa kanya.

Pinasalamatan niya ang side ng kanyang ama dahil sa pagtulong nila sa lahat ng uri ng suporta—materyal, financial, emotional, at mga dasal.

Sa side ng kanyang ina, ang walang sawa nilang pananalangin na gumaling siya.

“Lolo and Lola who prayed na mag-top ako kahit announced na walang top 10, thank you. Nagkatotoo po panalangin niyo,” ani Francis.

Nagpasalamat din si Francis sa kanyang unibersidad pati sa mga dating kaklase at mga guro.

Panghuling mensahe ni Francis, “Lord, thank you. Please keep ruining my plans. Let your will be done.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Francis Roel Legaspi Dulay ay na-diagnose ng Stage 3 colon cancer, pero nalampasan niya ito at naging bar exam topnotcher pa.
PHOTO/S: Facebook (Francis Roel Dulay)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results